Bea Binene gives indirect answers about rumored breakup with Jake Vargas

Bea Binene on her realizations about relationship: "Siguro ngayon, alam ko na kung paano lumugar at kung saan lulugar. Hindi lang yung go lang nang go. Yung, ‘Hindi, kaya pang ayusin ‘yang problema.’ Basta ako, pinag-iisipan ‘yan. Ayokong aayusin lang para lang sa mga tao. Ayoko ng ganun."


Hindi direktang masabi ni Bea Binene kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon ni Jake Vargas.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bea matapos ang presscon proper ng pelikulang Liwanag Sa Dilim, noong Miyerkules ng hapon, January 28, alinlangan ang young actress na sagutin ang mga tanong tungkol sa rumored breakup nila ng young actor.

Inaayos ba nila ang kanilang relasyon ngayon?

Pahayag ng 17-year-old Kapuso actress, “Hindi ko alam. Kasi parang… basta kami, okey kami.

“Ayoko po kasing magsabi nang wala pa naman talaga, e.

“Ayokong sabihin na okey para lang sa promo, sa show… alam mo yun? Kaya ayokong sumagot.

“Pero okey kami.”

Willing ba siyang maayos kung anuman ang problema nila?

May pag-aalangang sagot ni Bea, “Hindi ko po alam. Depende po kasi, e.

“Ayokong magsabi ng hindi pa naman talaga, ‘di ba?

“Ayokong magsabi ng hindi pa naman tapos, hindi pa naman nangyayari.

“Basta ako, kung ano yung mangyayari, mangyayari.”

Gumagawa ba ng paraan si Jake para maayos ang anumang gusot sa relayon nila?

Tugon ni Bea, “Siguro gumagawa ng paraan si Lord para maging maayos kami.”

"I KNOW MY WORTH." Siya ba yung tipong martir na girlfriend na kahit ilang beses nang nagkasala ang boyfriend niya ay binibigyan pa rin niya ng chance?

“Dati!” natatawang pag-amin ni Bea.

“Hindi, kasi parang siguro ngayon, I know my worth and I know what I deserve.”

Ibig sabihin, hindi siya deserved ni Jake?

Paglilinaw ng teen actress, “Wala po akong sinasabing ganun.

“Basta siguro ngayon, alam ko na kung paano lumugar at kung saan lulugar.

“Hindi lang yung go lang nang go. Yung, ‘Hindi, kaya pang ayusin ‘yang problema.’

“Basta ako, pinag-iisipan ‘yan. Ayokong aayusin lang para lang sa mga tao.

“Ayoko ng ganun.”

Bakit tila nagbago na siya ng pananaw tungkol sa pakikipagrelasyon?

Tugon niya, “Uhm… hindi ko alam. Siguro nag-e-evolve ang tao. Naggu-grow ang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napagod na ba siya.

Nag-isip muna si Bea na parang hindi niya alam ang isasagot sa tanong.

Kaya paiwas na lang niyang sabi, “Ano ba yun? Ewan ko… manood po kayo ng Liwanag sa Dilim.”

Ano ba yung puwedeng gawin ni Jake para umabot si Bea sa puntong ayaw na niya?

“Ano… okey lang po ba kung hindi ko po sagutin?” iwas na naman niya sa tanong.

Pero dugtong din ni Bea, “Wala naman po talagang kapag ginawa ito, hindi na puwede.

“Nasa tao yun, e, nasa sitwasyon, kung ilang beses nang nangyari, ilang beses nang nagawa.

“Kasi hindi naman po yun na kapag ginawa, ayaw na agad.

“Nasa sa tao lang po yun, nasa sitwasyon, nasa mga nangyari.”

Umabot na ba siya sa kanyang limitasyon?

Sagot ni Bea, “Lahat naman po ng tao dumarating sa limitasyon.”

BEA'S PRIORITIES. Si Jake na ba ang gusto niyang makasama habambuhay?

Sagot niya, “Bata pa po ako. Marami pa akong gustong gawin.

“Sa ngayon, gusto kong i-explore muna ang buhay, sa career, school, movie…. yung ganun po.”

Nasaan si Jake sa priorities niya?

Nag-isip saglit si Bea at saka sinabing, “Okey lang po ba kung hindi po sagutin ‘yan?”

Pero ang first priority niya ba ay career?

“Opo naman. Siyempre, pamilya, school…”

Ano ang natutunan niya sa kanyang sarili ngayong may pinagdadaanan sila ulit ni Jake?

“Siguro po, yung know your worth. Always know what your limit and what you deserve.”

Wala pa raw plano si Bea sa Valentine’s Day dahil sa pagkakaalam niya ay may trabaho siya ng araw na iyon.

Sabi pa niya, “Ako po kasi, hindi po ako nagpaplano, kasi baka may trabaho or what.

“So, ngayon, wala pa po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN