Sancho delas Alas on mom Ai-Ai and her boyfriend Gerald Sibayan: “Nagkakasundo sila despite the age gap.”

Sancho delas Alas on his deal with mom Ai-Ai when it comes to relationships: “Ang deal naman kasi namin ni Mama, as long as you’re happy, wala kaming pakialam kung sino pa ‘yan, ano pa ‘yan, as in… basta masaya ka lang.”


Ayon kay Sancho delas Alas, panganay na anak ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas, nakaka-excite ang pagpasok niya sa showbiz, lalo pa’t childhood dream pala niya ito.

Saad niya, “Dream ko ito before.

"Before, nag-guest na ako, as in lumang-lumang-lumang shows pa ng GMA.

"Siguro seven years old ako nung mga time na 'yon.

"So, parang 'andito na ako ulit, kung saan ako nag-start.

"Parang pangalawang bahay ko ‘to.

“Super nakaka-overhwhelm din na papunta na ako dun sa dream ko.”

Ano ang pakiramdam ng kanyang ina ngayong pinasok na rin niya ang showbiz?

Nakangiting sabi ng 21-year-old newbie, “Todo-support siya, sobrang stage mother ang peg niya.

“Siya ang nag-i-instruct sa akin. Kunwari, ‘Ganito ang gagawin ko.’

"[Sasabihin ni Mama] ‘Wag ‘yan. Ganito-ganito. Hindi. Ganito, mas okay.’ Ganun siya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang blogger si Sancho sa birthday charity event ng GMA Artist Center sa Child Haus Center, sa Quezon City, noong Huwebes, January 29.

AS LONG AS MOM IS HAPPY. Ipagdiriwang ni Sancho ang kanyang kaarawan sa Sabado, January 31.

Ano ang kanyang birthday wish?

Sagot niya, “For me, sana… kasi maganda na ang start ng taon, sana magtuluy-tuloy.

"And kay Mama din, sa lovelife din niya, sana lahat maging okay.

“Kasi ngayon, everything is starting to fall in its place.

"It feels so right to be here, ang saya lang. Ang saya ng pasok ng 2015."

Dahil nabanggit na rin niya ang lovelife ni Ai-Ai, tinanong si Sancho kung may mga pangamba ba siya sa relasyon ng 50-anyos na ina sa 21-year-old boyfriend nitong si Gerald Sibayan.

“Wala, wala,” paniniyak niya.

“Kasi, from the very start, ang deal naman kasi namin ni Mama, as long as you’re happy, wala kaming pakialam kung sino pa ‘yan, ano pa ‘yan, as in… basta masaya ka lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Matagal na naming usapan 'yon. Super-matagal na naming deal 'yon.

“Ang weird lang, kasi pinag-uusapan na namin, bata pa ako.

“Pero yun ang deal namin from the very start. Kahit ano, kahit sino, basta masaya ka lang.

“Pero manghihimasok lang kami kapag nakikita namin na hindi na healthy yung relationship, hindi na kayo okay, hindi ka na masaya.

"That’s the only time na manghihimasok."


GERALD’S BEST TRAITS. Kampante raw si Sancho kay Gerald at tiniyak niyang pati sila ay magkaibigan.

Pero nilinaw ng bagong Kapuso talent ang mga unang nasulat tungkol sa pagkakakilala nila ni Gerald.

“We’re not schoolmates. Kasi some articles said na magkaklase kami, no.

“Kumbaga, na-meet ko na lang siya through my mom.”

Sundot na tanong ng PEP: mayroon ba silang “usapang lalaki” ni Gerald pagdating sa ina ni Sancho?

“Wala, hindi na. Hindi na kailangan ng ganun. Understood na yon.

“Alam naman niya kung paano aalagaan si Mama and marunong siyang makisama, e.”

Sinagot din ni Sancho ang tanong kung ano ang katangiang nagustuhan niya kay Gerald para sa inang si Ai-Ai.

“Maalaga. I can see that he always takes care of my mom.

“'Tsaka kunwari si Mama nagagalit, kami [na mga anak], kilala na namin si Mama kung paano magalit. Kasi we’ve been together for so many years, 'di ba?

“Natutuwa ako kasi kaya niyang [Gerald] pakalmahin si Mama.

“'Tsaka nagkakasundo kasi sila.

“Hindi naman difficult person si Mama, pero nakakatuwa yung thought na nagkakasundo sila despite the age gap.

"Kaya sobrang enjoy, masaya sa bahay."


READY TO DEFEND HIS MOM. Aminado rin si Sancho na maraming batikos ang ibinabato sa pakikipagrelasyon ng kanyang ina kahit noong bata pa lang sila.

Gayunpaman, natutunan na raw niya kung paano mag-handle ng mga ganung pambabatikos.

“Kasi ang tagal na naming nakakarinig ng ganyan, bata pa lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Trained kami na 'pag may maririnig kaming issues, pasok dito [sabay turo sa tenga] 'tapos labas sa kabila.

“'Tsaka before pa magkaroon ng issues, nata-tackle na namin.

"Sinasabi niya, ‘Anak, may lalabas na ganito. Ito yung totoo.'

"Sa amin, parang, 'Okay...'

“Pero ngayon, may mga times na hindi ko napipigilan na nakikipagsagutan ako [sa social media] ganyan, pero wala.

"Kumbaga, hindi namin mako-control kung ano ang opinyon ng iba, e.

“Kumbaga, may mga certain comments lang na I have to defend my mom kasi lahat [tungkol sa] pera.

“Tinawag na nga nila si Mama na 'matron.'

"Parang ako, una sa lahat, si Gerald ang nanligaw sa nanay ko... para lang clear.

“And walang perang involved.”

Hindi ba niya pinagdududahan kung ano ang intensiyon ng mga nakakarelasyon ng kanyang ina?

Mabilis na sagot ni Sancho, “Promise ko lang, hindi na mauulit ang nangyari dati. Hindi na mauulit 'yon.”

Ang tinutukoy ni Sancho ay ang pagpapakasal ni Ai-Ai kay Jed Salang na agad nauwi sa hiwalayan.

Read: Ai-Ai delas Alas confirms split from husband Jed Salang; cites physical abuse and third party as reasons


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN