Stella Marquez-Araneta urges Filipino designers to collaborate with Binibining Pilipinas

Isang malaking ingay ang nilikha, lalo na sa fashion industry, ng national costume (kaliwa) at evening gown (kanan) ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2014 na si MJ Lastimosa. Likha ito ng Colombian designer na si Alfredo Barraza, kababayan ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) founding director na si Stella Marquez-Araneta.


Lumikha ng malaking ingay, lalo na sa local fashion industry, ang national costume at evening gown na isinuot ni Miss Universe-Philippines Mary Jean Lastimosa sa Miss Universe 2014.

Samu’t saring batikos ang inabot ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) founding director na si Stella Marquez-Araneta dahil daw sa kawalan ng tiwala nito sa Filipino designers.

Kinomisyon ni Mrs. Araneta ang Colombian designer na si Alfredo Barraza na siyang gumawa ng national costume ni MJ sa pageant.

Hindi nagustuhan ng mga Pinoy ang mala-birthday cake daw na disenyo ng national costume ni MJ, pati na ang evening gown na isinuot nito sa mismong Miss Universe pageant noong January 26 (oras sa Pilipinas).

Read: Stella Marquez-Araneta on why Binibining Pilipinas bets to international pageants do not wear gowns by Pinoy designers

Umabot lamang si MJ sa Top 10, at hindi na napasama sa Top 5 ng Miss Universe.

Bunsod nito, naglabas ng iba’t ibang disenyo ng national costume ang Pinoy designers, kabilang na si Rajo Laurel, na nagustuhan naman ng netizens.

Read: Rajo Laurel shows sketch of national costume for Binibining Pilipinas bet to Miss Universe

Sa isang video post, nanawagan si MJ na huwag nang magsisihan sa kanyang pagkatalo.

Isinisisi kasi ng marami nating kababayan ang kanyang pagkabigong makapasok sa Top 5 sa isinuot niyang national costume at evening gown sa pageant.

Read: Mary Jean Lastimosa to her supporters: “Don’t be sad… let’s not blame anyone anymore.”


BPCI STATEMENT. Kahapon, January 29, kasabay ng pagdating ni MJ sa Pilipinas, naglabas ng pahayag ang BPCI, sa pamamagitan ng Facebook fanpage nito, tungkol sa usapin.

Sinabi sa statement na naniniwala naman daw si Mrs. Araneta sa galing ng mga Filipino designers noon pa man, at nanawagan ang kanilang pamunuan sa mga ito na makipagtulungan sa kanila para lalo pang lumutang ang ganda ng Pinay beauty queens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang kabuuang pahayag ng BPCI:

“Binining Pilipinas Charities Inc. has always been the showcase of Filipino beauty and excellence.

"The world's great pageant stages have borne witness to the elegance and grace of the Binibini queens, where the Philippines has consistently placed high since 2010.

“Gaining the distinction of being among the top 10 also speaks highly of the Binibini queens since this means that they truly stood out from among so many beauties from around the world.

“BPCI, led by its Chairperson Stella Araneta, continues to believe in Filipino genius and this has been emphasized in several instances in the past including the fashion accolades to the creations of Pitoy Moreno, the designs of young couturiers worn by its candidates in the annual National Costume competition, and the pictorials and fashion shows of local designers featuring Binibini queens.

“She also understands the passion of Filipino designers to clothe the Binibining Pilipinas queens for the international pageant stage and is open to the creations and designs of these brilliant Filipino talents.

“Mrs. Araneta enjoins Filipino designers to collaborate with BPCI in presenting the Binibini queens in the best designs that will enhance her innate grace and beauty.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN