Kat Alano supports legalization of medical marijuana; hires Atty. Ferdinand Topacio as legal counsel

Kat Alano posts this message on her Facebook account: “All this hype all over the world for a plant that could help so many people, and yet there isn’t as much hype about the kind of drugs you put in your body given to you by doctors even though you have no idea what’s in them. Mind numbing drugs to make you fake happiness if you’re depressed but don’t let you actually deal. The system is designed to create reasons for you to buy more dr


Pagkatapos ng mga kontrobersiyal na pahayag ng TV-radio personality na si Kat Alano tungkol sa kanyang alleged rapist, muli na naman siyang gumawa ng ingay dahil sa kanyang pagsuporta para sa legalization ng medical marijuana sa ating bansa.

Sa larawang ipinost ni Kat sa kanyang Instagram account, sinabi nitong maraming healing benefits ang medical marijuana o mas kilala sa botanical name nitong Cannabis.

Saad niya, “I have seen the proof that it helps stop cancer. Two people with Stage 4 were cured completely.

“All this hype all over the world for a plant that could help so many people, and yet there isn’t as much hype about the kind of drugs you put in your body given to you by doctors even though you have no idea what’s in them.

“Mind numbing drugs to make you fake happiness if you’re depressed but don’t let you actually deal.

“The system is designed to create reasons for you to buy more drugs.

"Why do you think doctors junkets are at huge fancy resorts and are designed to make them want to buy certain brands of drugs!?

“Stop being a sheep and do your research. It’s all out there.

“There is no longer any excuse for ignorance. #freeyourmind.”

Itinuturing na illegal drug ang marijuana sa Pilipinas, ngunit legal itong gamitin, for medical purposes, sa mga bansang North Korea, Uruguay, Netherlands, at sa 23 states ng USA.

Kagaya ni Kat, naniniwala rin sa healing powers ng cannabis ang iba pang local celebrities ‘tulad nina Angel Aquino, Cristine Reyes, at Rafael Rosell.

Sa Hollywood, kabilang ang celebrities na sina Jack Black, Woody Harrelson, John Mayer, Alanis Morrisette, Snoop Dogg, Bill Maher, Adam Carolla, Tommy Chong, at Tera Patrick na miyembro ng Marijuana Policy Project (MPP).

RAPE ISSUE. Tungkol naman sa “rape issue” ni Kat, kahit na sinabi nitong wala siyang planong mag-file ng kaso sa lalaking gumahasa diumano sa kanya ten years ago, kinuha naman niyang legal counsel si Atty. Ferdinand Topacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabay na nag-guest sina Kat at Atty. Topacio sa morning radio program na Radyo Inquirer, kunsaan sinabi ng radio DJ na traumatized pa rin siya sa ginawang pag-violate sa kanyang pagkababae.

Marami tuloy ang nag-conclude na baka makumbinsi na ni Atty. Topacio si Kat na mag-file ng kaso laban sa kanyang alleged rapist.

Noong October 2014, nag-launch si Kat ng website para sa mga babaeng maging biktima ng rape, ang empower.com.org.

Naikuwento rin ni Kat ang kanyang experience with rape sa October 2014 issue ng Women’s Health titled “I Survived Rape...”

To quote Kat sa naturang article: “No means No and nobody has the right to your body except you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN