Former matinee idol William Martinez admits taking drugs during his heydays

William Martinez on using drugs: “Nagda-drugs ako kapag trip ko lang. Kapag hindi ko trip, ayaw ko. Halimbawa, for example, may syota ako at nag-break kami. Depressed ako. So, ang gagawin ko, aakyat ako ng Baguio at magda-drugs ako ng isang linggo. ’Tapos babalik ako ng Maynila, wala na."


Ang kanyang paggamit noon ng ipinagbabawal na gamot ang dahilan kaya kinuhang resource person ang aktor na si William Martinez sa isang episode ng bagong TV5 public affairs program na Solved Na Solved.

Pagkatapos ng taping ng nasabing programa noong Miyerkules, January 28, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si William.

Lahad ng aktor, “Dito sa Solved Na Solved ay nag-guest ako. Ang topic kasi, may nanay na problema iyong anak niyang addict.

“Isusumbong niya sa pulis, pero pagdating ng pulis ay itatago niya. Hindi niya kasi ma-take na ipakulong ang anak niya.

“Kasi noong bata pa ako, nag-drugs ako, kaya kinuha nila akong resource person.”

Naging addict ba talaga siya o gumagamit lang ng drugs?

Sabi ni William, “Hindi naman, never akong naging addict, gumagamit lang ako.

“Kasi ako, gagamit ako, ‘tapos ay hihinto ako, ayaw ko na.

“Parang trip lang, para maiba lang, para maging in. Para in lang ako sa grupo.”

Kontrolado niya ba ang kanyang sarili at hindi tipong hinahanap-hanap ng katawan niya ang drugs?

“Ako talaga, umiinom ako [ng alak] sa gabi lang, hindi ako umiinom sa day time.

“Nagda-drugs ako kapag trip ko lang. Kapag hindi ko trip, ayaw ko.

“Halimbawa, for example, may syota ako at nag-break kami. Depressed ako.

“So, ang gagawin ko, aakyat ako ng Baguio at magda-drugs ako ng isang linggo.

“’Tapos babalik ako ng Maynila, wala na.

“So, hindi ako addict, ganoon lang.”

Anu-anong klase ng droga ang natikman niya?

“Iyong damo [marijuana], Corex… mga cough syrup yun. Hindi ko naman nasubukan iyong magturok.

“’Tapos noong second generation na, pumasok na iyong shabu. Oo, natikman ko iyon.

“Alam mo, ang shabu noong araw, noong 1980, sampung piso lang ang isang capsule.

“Ganoon kamura iyong shabu noong araw. Ilalagay namin sa kape, ‘tapos ay iinumin namin.

“Noong araw, ganoon iyon, maliit na transparent iyon, ihahalo mo sa kape.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka wala pang foil-foil noong araw.”

So, noong kasikatan niya ay nagda-drugs na siya?

Sabi ni William, “Tumitikim-tikim lang ako noon, kapag depressed lang.

“Kasi ako, kapag ako ay nagsawa, ayaw ko na talaga, e.”

Noong nagsasama pa sila ng misis niyang si Yayo Aguila, nag-drugs din ba siya?

“There was a time na I was taking, pero I never had the addiction.

“Ang point ko lang, kapag depressed ako, titira ako, ‘tapos ayaw ko na.

“E, ang akala nila, addiction.... Pero mali ang mga ideas about taking drugs, e.

“Kasi, may mga kung tawagin ay occasional addicts, e.

“Na kung nagpa-party ay titira ka. Pero kapag wala [party], ayaw mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN