Singer Leah Navarro criticized by netizens for defending PNoy over his absence in arrival honors for slain SAF members

Singer Leah Navarro questions bashers of PNoy: “So how many people who dissed the President’s absence from Villamor were actually there to condole?”


Naging trending topic ang #NasaanAngPangulo simula nang malaman ng publiko ang dahilan kung bakit hindi nakadalo si Pangulong Noynoy Aquino sa pagbibigay-pugay sa mga nasawing Special Action Force (SAF), kahapon, January 29.

Ayon kay deputy spokesperson Abigail Valte, hindi sinadya ni PNoy ang hindi pagpunta sa programa para sa pagdating ng mga labi ng 42 miyembro ng SAF ng Philippine National Police sa Villamor Air Base kahapon.

“The President did not skip the arrival honors today, it presupposes he was originally scheduled to attend it, which was not the case,” sabi ni Valte sa Malacañang reporters.

Si PNoy ay nasa Laguna nang oras na 'yon upang pasinayaan ang pagbubukas ng bagong planta ng Mitsubishi Motors Corporation.

Sinabi rin ni Valte na pangungunahan naman ni PNoy ang necrological services para sa napatay na PNP-SAF members, na ginanap kaninang umaga, January 30.

Sa kabila ng mga batikos sa pagiging absent ni PNoy sa arrival honors kahapon, sinabi ni Commision Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr., na hindi ganito ang pananaw ng mga nakararami.

"Sa amin pong monitoring ay hindi naman 'yan majority view," sabi ni Coloma, na iniulat ng GMA News.

Dagdag pa niya, “Ganunpaman, isinasaalang-alang lahat ng mga pananaw, bagamat naiiba, at patuloy pa rin yung panawagan at paghimok sa lahat ng mga mamamayan na ilagay po natin sa unang posisyon ang kapakanan ng ating buong bansa.”

Ang 44 PNP-SAF members ay napaslang sa engkuwentro nila sa ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao, noong January 25.


#FALLEN44. Agad namang dinepensahan ng veteran singer na si Leah Navarro si PNoy laban sa mga bumabatikos dito.

Para kay Leah, hindi dapat maging isyu ito.

Sa halip, dapat daw ituon ang pansin sa pagdating ng mga labi ng mga namatay na SAF members sa kani-kanilang mga pamilya.

Idiniin din ni Lea na mas mabuting maging trending topic ang #Fallen44 kaysa sa #NasaanAngPangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay top trending topic pa rin sa Pilipinas ang #Fallen44.

Naging mainit naman ang mga tweet na ito ni Leah sa netizens, kabilang na ang kilalang radio show host na si DJ Mo Twister at TV host na si Grace Lee.

Si Grace ay napabalitang naging nobya ni PNoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN