Regine Velasquez says PNoy should have been more gracious

Regine Velasquez believes that we should stop the blame game and focus first on supporting and sympathizing with the families of the slain PNP-SAF members.


Isa ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa nakikidalamhati sa malagim na pagpanaw ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP), pagkatapos makipagsagupa ng mga ito sa ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao, noong January 25.

Ngayong araw, January 30, ay idineklara ng Malacañang na Day of National Mourning para sa binansagang “Fallen 44” ng PNP-SAF.

Sa kanyang Instagram account (reginevalcasid) ay sunud-sunod ang pag-post ni Regine ng mga larawan upang ipakita ang kanyang pakikiisa sa pagdadalamhati ng bansa para sa mga nasawing mga alagad ng batas.

Taos puso po kaming nakikiramay 🙏

A photo posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) onJan 29, 2015 at 5:39pm PST

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Regine ngayong Biyernes ng tanghali—sa pocket presscon para sa Valentine concert nila nina Martin Nievera, Gary Valenciano, at Lani Misalucha—ay nagpahayag ng kanyang pakikiramay ang singer-actress sa mga naulila ng Fallen 44.

Saad niya, “It’s very sad…

“Alam mo, my husband [Ogie Alcasid], nag-check-up siya or something…

“I went with him, kasi I always go with him kapag nagpapa-check-up siyempre.

“Alam mo yung, kapag nandoon ka, naghihintay, you also have some imagination being fed to you, and you see all these… nakikita mo yung mga karatula ng cancer.

“Alam mo yung parang iniisip ko pa lang, ‘eto, alam mo na pumunta lang ng Maguindanao, sumakay ng eroplano, paggising mo, wala na.

“You know what I mean? I cannot even imagine what the wives, families, kids feel.

“And there are forty-four families that felt that. We just have to pray for the families.

“Kasi, yung mga namatay, heroes na sila.

“Hindi natin alam, they are probably even better, better than us, because they went ahead, kasama na nila si Lord.”

Sabi pa ni Regine, ang mas dapat bigyan ng alalay at suporta ngayon ay ang mga pamilyang naulila ng mga namatay na alagad ng batas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila yung naiwanan, sila yung nawalan. Sila yung nagmu-mourn.

“Nawalan sila ng taong magtataguyod sa kanila. Lalo na yung mga batang nawalan ng father.”

BLAME GAME. Dahil sa pangyayari, marami sa netizens ngayon ang galit at kanya-kanya ng sisi.

Sabi naman ni Regine tungkol dito, “Normal naman yun.

“Normal naman… kailangan nating maghanap ng taong ibi-blame.

“But, right now siguro, huwag na muna nating isipin kung sino ang ibi-blame natin.

“Hayaan na muna nating mag-mourn ang family.

“Sometimes kasi, we keep feeding through the Internet na, ‘Bakit ganun?’

“Instead na maka-move on ang family, mas lalo silang nalulugmok.

“So, let’s just give them a little bit of time to mourn.

“And then, let’s bombard the government, seek justice, and find out what really happened.”

Dagdag pa niya, “I think, right now, what the people want, more information, what really happened.

“Kasi, none of us really knew what really transpired.

“Bakit sila nandoon? Sino ang nagpadala? Yung ganun.”

SUPPORTERS OF PNOY. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na si Regine at ang mister niyang si Ogie Alcasid ay masugid na tagasuporta ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sentro ng pambabatikos ngayon ng maraming Pinoy ang Pangulo ng Pilipinas dahil sa tila pagiging insensitibo nito sa sinapit ng PNP-SAF members sa kamay ng mga rebelde.

Partikular na ang hindi pagdalo ni PNoy sa heroes' reception para sa nasawing 44 miyembro ng PNP-SAF sa Villamor Air Base kahapon, January 29.

Sa halip ay itinuloy ng Pangulo ang pagdalo sa opening ng isang car plant sa Laguna.

Sa ganitong pagkakataon, ano ang nararamdaman ni Regine?

“Of course, he’s the President... I think he should be more gracious.

“Kapag dumarating tayo sa time na ganito na may sakuna, yun lang ang napapansin ko.

“Kasi, I guess, he’s trying to run a country.

“People should understand that. It’s hard to run a country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I cannot imagine… I mean, really, how can you run a country?

“How? It’s very difficult.”

Dagdag pa ni Regine, “You cannot please everybody. You cannot…

“And you should always be ready for criticism. E, ganun talaga.

“Kami nga, artista lang, kung ma-criticize kami, kung ma-bash kami, para namang, ‘Nagbayad talaga kayo, ha?’

“Kumanta ka sa TV, ‘di ba, libre yun? Kung makapintas para panoorin ako sa TV, ha… yung ganun ba?

“You should be ready for that.

“Pero sa akin, ako, when things like these, yung mga sakunang mangyayari, wala namang mangyayari sa ‘yo if you’ll sympathize.

“Yun na nga, gracious…

“Actually kasi, ang grace, mahirap talagang ibigay yun. Parang si God lang ang nagbibigay nun.

“Pero, parang puwede naman.

“I’m sorry, siguro sa akin lang, sana he [PNoy] could have been more gracious with everything that happened in the past and now.

“I think, mas maiintindihan siya ng mga tao if he was there.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN