Gerald Anderson all praises for Julia Montes for hurdling her first bed scene without a hitch

Gerald Anderson too distracted to plan Valentine’s Day. "Masyado pang mataas ang energy ko sa nangyayari sa movie namin." On second thought, he just might take his girlfriend Maja Salvador to watch his movie Halik sa Hangin, "Why not?"


Umiling agad si Gerald Anderson sa tanong kung bakit wala ang kanyang girlfriend na si Maja Salvador sa premiere night ng movie nila nina Julia Montes at JC de Vera, ang Halik sa Hangin.

“May trabaho po. At saka, siyempre, sa block screening siya... doon na siya manonood,” nakangiting sabi ni Gerald nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa cast party pagkatapos ng premiere.

Kita naman sa mukha ni Gerald ang kasiyahan sa mga tinanggap niyang papuri para sa pagganap niya sa pelikula.

“Oh, salamat, nakakataba ng puso.

"So amazing, wow! One of the best movies na nagawa ko.

“Para sa akin kasi, napaka-romantic ng movie, ‘di ba?

“Yung effect nung horror, yung suspense, parang hindi mo mapapansin.

"So, hindi mo alam kung anong emotions ang mararamdaman mo.

“Masasabi ko lang, napakaganda talaga ng love story na isinulat ng Star Cinema for Halik.

"I really hope na mapanood pa ng marami.”


JULIA'S FIRST. Nagulat din ang audience sa love scene nila ni Julia at isa nga sa mga tinilian sa movie ay ang bed scene nila.

Excited na pahayag ni Gerald, “Sabi ko sa inyo, e! Sabi ko sa inyo sa promo, it’s something different.

“Nagustuhan ninyo ba? Napakagaling ni Julia, ‘di ba?”

Mahaba-haba rin ang love scene nila ni Julia sa movie, kailangan ba talaga?

“Oo, I think. Pero hindi nakakaumay.

"So, parang, hindi mo alam, ‘Oh, no, ano’ng next na gagawin nila?’

“I’m just so happy, I’m just happy sa lahat.

"I’m happy for Direk Manny [Palo] kasi talagang ang galing!”

Sa isang pahayag ni Julia, sinabi nitong first passionate love scene ang eksena nila ni Gerald sa Halik sa Hangin. First bed scene daw iyon ng aktres at nataon na si Gerald ang kanyang naka-partner.

Reaksiyon dito ng Kapamilya actor, “I’m happy na naalalayan ko [siya] kahit papano at naging barkada ko siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natakot ba si Julia sa eksena nila?

“Natakot! Na-tense pero hindi halata," sabi ni Gerald.

Resulta ba iyon ng sensuality workshop nila?

“Yun! Yun! But I think more talaga kay Julia. I think binigay niya talaga.”

Nagkailangan ba sila ni Julia sa love scene? Ilang takes umabot?

“Mahaba yun, isang araw kaming nag-shooting nun.”


MAJA'S REACTION. Wala naman bang magseselos sa love scene nila ni Julia, his girlfriend na si Maja Salvador?

“Wala naman!" tawa ni Gerald.

Dagdag niya, “Alam din niya na may eksena ako na gagawin na ganoon.”

Ano ang sabi sa kanya ni Maja?

“Okey naman. Go!”

Sa tingin niya, magiging comfortable si Maja kapag napanood niya ang love scene nila ni Julia?

“Oo naman, pero mas titingin na lang ako sa nanay ko!

“Okey naman po sa.... ‘pag girlfriend, siguro okey naman.”

Ano ang plano nila ni Maja sa Valentine’s day?

“Wala pa, e. Ano pa ako… masyado pang mataas ang energy ko sa nangyayari sa movie namin.

“Pero baka manood kami ng Halik sa Hangin. Why not?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN