Eula Valdes reveals having anxiety attacks owing to menopause

Being a consummate actress has its price, and for Eula Valdes, it’s going home bruised from shooting a violent scene. "Hindi ako kumporme sa daya-daya para nakaka-react ka nang matino… Ilang beses na nga akong nabato," she says.


“Nagme-menopause na ako,” pag-amin ng aktres na si Eula Valdes nang makausap ng PEP.ph (Philippines Entertainment Portal) sa Studio 7 ng GMA Annex para sa pocket presscon na ibinigay sa kanya ng network bilang pinakabagong cast ng GMA Afternoon Prime na The Half Sisters.

Sa edad na 46, nararamdaman na raw ni Eula ang lahat ng sintomas ng menopause.

Habang kausap nga namin siya ay nakakaramdam daw siya ng "hot flashes."

Marami pa raw matitinding sintomas ang nararamdaman niya.

Kuwento ni Eula, “Nakakaloka, hindi lang yung hot flashes.

"Ang hirap maging babae!

“Nagiging irregular na yung monthly period, actually, mga three years na nag-start.

"Yung anxiety, wala siya dati. Pero yung sungit, meron.

"Ito yung grabe, bago mag-Pasko, bigla na lang akong gumising na… anxiety talaga.

"Ang lakas ng personalidad ko, 'tapos biglang yun ang ano sa akin.

"Yung tita ko, who lives across, normal lang kung nandoon sila or wala, biglang nagwu-worry ako.

"Bakit wala sila, tawag ako, nasaan sila?”

Nang nararamdaman na raw niya ang kung anu-ano sa katawan at emosyon niya, unang sumagi sa isipan niya ay kung may problema ba siya sa pag-iisip.

Naisipan din daw niyang kumonsulta sa isang pyschiatrist.

“Pero yung kapatid ko, sabi niya, 'Pumunta ka muna sa OB [obstetrician] mo, baka nag-i-start ka nang mag-menopause.'

"Kasi ganun din daw siya, may feeling siya na parang nasa kahon siya."

Posible naman daw na maaga siyang mag-menopause dahil maaga rin siyang nag-menstruate.


FRANTIC. Kuwento pa ni Eula, bago mag-Pasko ay nag-check-in siya sa isang hotel dahil ang gusto niya ay palaging maraming tao sa kanyang paligid.

“Noong December 14, nag-party ako, pero December 11 talaga ang birthday ko.

"Sabi ng mga friends ko, 'Mag-party ka.' So, nag-party naman ako. Okey pa ko nun.

“December 20, nagising ako na parang yun, mainit.

"Minsan todo ang aircon pero sobra akong pinapawisan. Minsan, nilalamig ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong [December] 23, hindi na ko mapakali, kasi sobrang deprived na ako sa tulog.

"Ilang palapag na ang eyebags ko na ayoko nang makita ang mukha ko sa salamin.

“'Tapos, hinihingal ako… ganoon pala yun, biglang yung energy level mo, bumabagsak.

"Takot ako sa doctor dati, pero yun, tawag ako sa Asian [Hospital].

"December 23, umiiyak ako sa phone, mga 9 o’clock ng umaga.

"Sabi ko, 'Meron bang available na OB?' E, magha-holiday, umiiyak talaga ako.

“Sinabi ko na kung sino talaga ako, kasi kapag sinabi ko ang real name ko na Julia, 'Wala po…'

"Sinabi kong 'si Eula Valdes ito. Sorry po, nagme-menopause ako at hindi na ako makatulog ng ilang days na at kailangan ko ng help.'

"'Tapos meron nga, 12 o’clock. Sabi ko, 'Salamat, salamat.'

“Pero… see you tomorrow raw, lab tests muna.

"Sabi ko, hindi puwede… kailangan niya akong makita ngayon.

"Mabuti na lang meron pang isang available na noong tiningnan niya ako, naka-smile ako na naiiyak.

“Sabi ko, muntik na akong pumunta sa pyschiatrist… 'tapos yun, binigyan niya ako ng Vitamin D, iba pa.

"Kinausap niya ako, okey naman, kailangan lang na ang kausap, yung nakakaintindi."


BRAIN FREEZE. May kuwento pa si Eula tungkol sa bunsong anak na kasama niya sa pocket presscon kahapon.

“Yung bunso ko, hindi pumasok ngayon.

"Sabi niya sa akin kahapon, 'Ma, daan tayo ng 7/11, mag-Slurpee tayo.

"Noong bumili na kami, sabi niya, 'Brain freeze!... sana mawala na ang anxiety attack mo. Hayan, mag-brain freeze ka para mag-reset ang utak mo.'

"Para raw mag-reset ang utak ko at mawala na ang atake ko.

"Mawawala rin naman daw ‘to, pero siyempre, sine-savor ko yung mga days na wala.

“Afraid talaga! Hindi ‘to sinabi ng mommy ko.

"Sabi lang niya, sungit. At siyempre, naggu-Google ako.

"Parang sa 35 na symptoms, parang 33 ang pinakyaw ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EULA'S BOYFRIEND. Nagkataon namang ang boyfriend niya, ang model-actor na si Rocky Salumbides, ay nagbabakasyon sa Amerika.

“Noong November pa, binisita niya yung mom niya. Pinapauwi ko na nga,” sabi ni Eula.

Habang nasa Amerika, binibisita na rin daw ng boyfriend niya ang ilang agency doon. Nasubukan na raw kasi nito ang Hong Kong at ibang bansa bilang modelo pero ang Amerika ay hindi pa.

Sabi ni Eula, “Gusto lang niyang i-try and at the same time, dinadalaw niya ang mom niya kasi doon na talaga naka-base.”

Hindi ba niya naisipang sumunod sa Amerika at magbakasyon muna?

“Gusto ko pero… ngayon ko nga naiisip na kasi dapat, hay naku…

"E, ‘di ba nga, nagme-menopause ang lola.”

Paano naman siya binibigyan ng suporta ni Rocky sa kanyang pinagdadaanan ngayon?

“Sabi niya, 'Kaya mo 'yan.' Alam mo yung… hindi nga!

"'Umuwi ka na.' Yun ang palagi kong sinasabi.

"'Tapos sinasabi niya lang, 'Kaya mo ‘yan. Ikaw pa!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN