Sarah Lahbati wants family issues settled first before marrying Richard Gutierrez

Sarah Lahbati (in photo) and Richard Gutierrez were not able to attend the wedding of Dingdong Dantes and Marian Rivera in December, because they were stuck in Malapascua near Cebu due to bad weather. "Kaibigan namin sila and, you know, Richard worked with Marian for several years," Sarah says.


Dapat sana ay dadalo sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong December 30, pero hindi nakadalo ang dalawa.

“Opo, invited kami, but we were stuck in Malapascua," saad ni Sarah.

Kung hindi nga raw sa mga aberyang naranasan nila ay nakarating sana sila sa kasal nina Marian at Dingdong.

Nakausap namin kamakailan si Sarah sa presscon ng pelikulang Liwanag Sa Dilim ng APT Production.

Paliwanag pa niya, “Ang nangyari po kasi, you know, when we left po, twenty-six [ng December].

"Ang nangyari yata ay understaffed yung airline na yun dahil nga Pasko.

“Ayoko nang i-mention yung airline dahil ang daming nangyari.

“First of all papunta kami, naiwan yung luggage ni Zion.

“And then, nagka-[typhoon] signal number one sa Malapascua.

“So na-delay lahat ng flights to the point na na-cancel and we had to rebook our flight.

“And then we had to stay for more than… siguro additional two or three days. Wala kaming choice.”

ZION FIRST. Gusto raw talaga nilang makarating sa DongYan wedding.

Ayon kay Sarah, "Kaibigan namin sila and, you know, Richard worked with Marian for several years."

Wala naman daw inggit na naramdaman si Sarah nang napanood niya ang videos at nakita ang mga larawan mula sa kasal.

“Hindi ko ugali yung mainggit.

“I’m happy for her [Marian] because, obviously, lahat ng pictures na nakita ko, she looks very happy and delighted.

"Kumbaga, she’s living the dream and that’s good for her, I’m happy for her.”

Sila ba ni Richard ay patungo na rin sa pagpapakasal ngayong taong ito?

“I don’t... this year will be the year when we will focus on something else.

“Right now kasi, we want to focus on Zion," ang sabi ni Sarah.

"I know I keep saying this pero kasi, pag bata, parang ako, nakikita ko pa rin siya na baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then hindi ko matanggap na tumatakbo na siya, malapit na siyang magsalita,” at natawa si Sarah.

“Gusto ko i-enjoy, ayokong i-regret na hindi ko in-enjoy yung time ko with Zion at ang inatupag ko yung sarili kong desires and sarili kong buhay.

“I wanna spend time with my son.”

ISSUES. Pero handa na ba siya kung sakaling mag-propose na si Richard?

“It’s funny because we actually talk about it and we’re very open to marriage.

"And, you know, we slowly plan things.

"We know that it’s not our priority right now, because there are so many things to consider.

"There are so many other issues... puwedeng magkaayos muna yung parents namin, 'di ba?

“Puwedeng iyon muna,” at muling tumawa si Sarah.

Samantala, ipapalabas na ang Liwanag Sa Dilim sa February 11. Sa direksyon ni Richard Somes, bida rin sa pelikula sina Bea Binene, Igi Boy Flores at Jake Vargas.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN