Andrea Torres amazed at positive impact of her FHM cover pictorial: “Dapat pala before ko pa ginawa.”

Andrea Torres was surprised at the positive impact of her FHM pictorial. She remarks, “Ang laki pala ng impact niya sa career ng isang artista. More on sa mga followers. Parang, sa followers ng Instagram, sobrang laki nung itinaas, ’tapos ’yon, mas maraming comments na dumarating.”


Sa mga nakaraang panayam kay Andrea Torres, kapag tinatanong si Andrea kung papayag siyang maging cover girl ng FHM Philippines ay sinasabi niyang hindi niya kayang gawin iyon.

Kaya marami ang nagulat na makita siya sa isang mapangahas na cover ng naturang men’s magazine noong nakaraang December 2014.

Paano ba siya nakumbinsi?

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nung time na yun, ayaw ko pa talaga.

"Although sinasabi ko, in the future, baka naman mangyari.

“Pero kasi ang nangyari dito, parang bigla na lang akong tinawagan ng manager ko [si Rams David], 'tapos in-open up na naman niya yung topic.

“So, hanggang sa... siyempre nagkaroon ng heart-to-heart talk.

“Kasi dati, parang mabilis lang na, ‘Hindi pa ako ready.’

“'Tapos okay na.

"Itong time na ito, nung sinabi kong hindi pa ako ready, parang kinausap niya ako nang masinsinan kung bakit gusto niya.

“Kasi nga, parang for last year, ikaapat na offer na.

"So, iyon, in-explain ni Ateng [Rams] kung bakit gusto niya.

“'Tapos iyon, nag-usap kami, pati si Direk Mike [Tuviera], kinausap din ako.

“Pati yung mga ibang nasa Triple A [Andrea’s management], so nung after naming mag-heart-to-heart, iyon, nakapag-decide na ako, ‘Sige, gawin na natin!’”

CONVINCING HER FATHER. Ang isa sa mga inalala ni Andrea bago siya pumayag na ma-feature sa cover ng FHM ay ang kanyang ama na isang professor sa isang unibersidad.

Natatawang kuwento niya tungkol sa mga ginawa niya para makumbinsi ang ama, “Nilutuan namin siya ng mga paborito niyang pagkain, 'tapos 'tsaka namin sinabi.

“Lahat ng paborito niya, 'tulad ng Bicol Express, yung maaanghang, kanin, garlic rice.”

Pumayag naman daw agad ang kanyang ama.

Sabi ni Andrea, “Oo, basta ang sabi lang niya, basta siguraduhin na hindi raw bastusin naman ang dating. Kasi may pagka-conservative siya.

“Basta daw yung para daw nakikita niya sa magazine na mga models na kahit seksi, parang class pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon ang gusto niya, basta ganun, siguraduhin raw na ganun.”

Sa cover, nakasubsob ang mga boobs ni Andrea sa buhangin.

“At least kakaiba yung tema,” pagmamalaki niya.

Nakausap ng PEP si Andrea sa taping ng Ang Lihim ni Annasandra sa Montalban, Rizal, noong January 26.

Sa pagpapatuloy ng pagtatanong namin tungkol sa paghahanda niya para sa kanyang FHM pictorial, inalam din namin kung nagpaalam din siya kay Sef Cadayona, na nali-link sa kanya.

Sabi niya, “Hindi naman ako nagpaalam sa kanya.”

Ano ang reaksiyon ni Sef?

“Wala, okay naman. Positive naman sila lahat.

“Nakakatuwa kaya mas nakakagana rin.

"Kasi the day after, sina Alden [Richards], sila Ruru [Madrid], sina Sef, sina Rocco [Nacino], sina Mark [Herras], nag-congratulate naman sila.

“Pero lahat sila nagulat daw. kasi parang sinecret [kept secret] ko din naman talaga para may gulat factor!” natawang sabi ni Andrea.


FAR-REACHING IMPACT. Pagkatapos ng kanyang FHM pictorial, ano ang mga pagbabagong naganap sa career at buhay niya?

Saad ng Kapuso star, “Malaki, ang laki po!

"Actually, sabi ko nga, dapat pala before ko pa ginawa.

"Ang laki pala ng impact niya sa career ng isang artista. More on sa mga followers.

“Parang, sa followers ng Instagram, sobrang laki nung itinaas, 'tapos 'yon, mas maraming comments na dumarating.

“So, parang mas nakilala, kumbaga, siguro may audience na hindi ko nari-reach before na naano ko na.”


NEGATIVE FEEDBACK? Pero mayroon din naman daw siyang negatibong komento na natanggap.

Ayon kay Andrea, “Yung mga fans, kumbaga, mommy nung mga batang fans, yung ganun, parang paano raw yung mga batang fans, mga ganun.

"Siyempre medyo sexy ano na.

“Pero siguro ganun naman talaga.

"Meron din namang mga ibang naggaganun, pero naki-keep pa rin nila yung mga fans nila na bata."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN