Jennylyn Mercado insists she and ex-boyfriend Dennis Trillo are just friends

Jennylyn Mercado on finding out that Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada has a crush on her: “Siyempre, ’pag alam mong may nagkakagusto sa ‘yo, dapat flattered ka, e. Ibig sabihin, attractive ka o nababaitan sa ‘yo. Positive pa rin yung ganung bagay.”


Puspusan na ang paghahanda ni Jennylyn Mercado para sa kanyang nalalapit na Valentine concert sa February 13, na pinamagatang Oo Ako Na, Ako Na Mag-isa, Samahan N'yo Naman Ako, na gaganapin sa SM Skydome.

Kakaibang concert daw ito dahil hango ito sa pelikula niyang English Only, Please, kunsaan lalabas siya sa stage bilang si Tere Madlangsakay.

“Yung mga nakapanood sa movie namin, familiar sila sa mapapanood nila,” sabi ni Jennylyn na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa script reading nito ngayong Sabado ng umaga, January 31, sa 8th Note Studios.

Makakasama ni Jennylyn dito ang buong cast ng English Only, Please, kabilang na ang leading man niyang si Derek Ramsay, pati na rin ang mga ex-boyfriends niyang sina Mark Herras at Dennis Trillo.

Ang sabi sa amin ng manager niyang si Becky Aguila, dito raw sa concert na ito ilalahad ni Jennylyn ang totoong kuwento ng lovelife niya.

Guest din kasi ng Kapuso actress-singer si Papa Jack, na may segment daw silang bibigyan siya ng love advice.


NO RECONCILIATION WITH DENNIS. Kaya tinanong ng PEP kung aaminin na ba ni Jennylyn na nagkabalikan na sila ni Dennis.

“Hindi po talaga!” natatawa niyang sagot.

“Friends lang talaga kami. Kasi sumasama lang siya sa training. Yun lang talaga.”

Hindi raw nila napapag-usapan ang isyung pagbabalikan dahil hindi naman totoo.

Nagkakasama lang daw sila sa training kung saan nakahiligan na nila ang triathlon at iba pang sports.

Pero ang ideyang pagbabalikan, malabo raw mangyari sa ngayon dahil hindi pa talaga siya handa.

“Hindi pa po talaga ako ready na ma-involve o ma-in love kahit kanino.

“Ngayon po, wala muna,” saad pa ng 27-year-old Kapuso actress.

Pero hindi itinatanggi ni Jennylyn na may komunikasyon sila ni Dennis.

“Ganun yata magwu-work na maging friends kesa sa lovers,” sabi pa niya.


FRIENDS WITH EXES. Natutuwa lang daw siya na naging kaibigan niya ang kanyang mga ex-boyfriend, kagaya nina Mark, Dennis, at pati si Patrick Garcia na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Luis Manzano ang huling nakarelasyon ni Jennylyn, at maaaring dumating din ang araw na maging kaibigan niya ito.

“Antayin na lang natin. Darating din tayo diyan,” sabi niya.

Pero wala raw siyang balak na imbitahin si Luis at ang girlfriend nitong si Angel Locsin na manood sa kanyang concert.


ON ERAP. Ang isa sa inimbita niya ay si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na nangakong bibili ng tickets at panoorin siya.

Natawa si Jennylyn nang nalamang crush siya ni Mayor Erap, at inimbita naman niyang manood ito.

“Siyempre, 'pag alam mong may nagkakagusto sa ‘yo, dapat flattered ka, e.

“Ibig sabihin, attractive ka o nababaitan sa ‘yo. Positive pa rin yung ganung bagay.

“Sana manood si Mayor para masaya rin ang Valentine’s day niya.”


WORK NOW, LOVE LATER. Muling nilinaw ni Jennylyn na mas gusto muna niyang single siya sa ngayon at tingin daw niya ay hindi pa rin siya handang pasukin ang panibagong relasyon.

Mas gusto raw muna niyang mag-focus sa trabaho at kailangan pa niyang mag-ipon nang husto para sa mga ipinundar niyang negosyo.

Pero kung sakaling ma-in love daw siya uli, ang gusto sana niya ay ito na ang huling lalaking darating sa kanya na makakasama niya habambuhay.

Saad pa ni Jennylyn, “Natuto na rin kasi ako sa mga pinagdaanan ko.

"Kaya mas maganda yung, this time, kung sino man yung ibibigay ni God para sa akin, sisiguraduhin ko na magwu-work na yun, at yun na siya.

“Yun na yung huli, siya na talaga.

"Kung sino ang susunod na mamahalin ko, forever na.

“Naniniwala pa rin ako sa happily ever after. Positive pa rin ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN