Mark Neumann thanks loveteam partner Shaira Mae for coaching him in Tagalog

Mark Neumann on loveteam partner Shaira Mae: “Si Shaira matulungin, e, at saka sweet. Kasi every time na nahihirapan ako sa Tagalog, I ask her. She makes it really clear yung parang elementary style na syllable by syllable para makukuha ko talaga.”


Nararamdaman na raw ngayon ng TV5 Talent Center artist na si Mark Neumann ang pag-angat ng kanyang career simula nang maging finalist siya sa Kapatid artista search na Artista Academy noong 2012.

Bagamat hindi siya nanalo rito, hindi naman siya nawalan ng proyekto sa TV5.

“Oo, as in ngayon, since nung lumabas yung Wattpad namin na Mr. Popular Meets Miss Nobody, mas nararamdaman ko na yung ano [pag-angat ng career ko]… which feels really good.

“Kaya thankful ako sa TV5 sa pag-aalaga sa akin at pagbibigay ng projects,” sabi ni Mark.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa pocket presscon ng bagong Wattpad Presents story na pinagbibidahan nila ni Shaira Mae, ang I’m In Love With A DOTA Player, na mapapanood sa Pebrero 2-6.

Ginanap ang presscon noong Enero 30 sa TV5 Media Center sa Reliance St., Mandaluyong City.

Dahil sa unti-unti niyang pagsikat, puwede na ba niyang i-claim na “Mr. Popular” na nga siya?

Sabi ni Mark, “Iyon ang tawag sa akin dahil sa character ko sa Wattpad, ‘Uy, si Mr. Popular 'yan!

“Pero ayoko naman maging mayabang, basta ako, ginagawa ko yung best ko.

"Nagpapasalamat lang ako na may mga sumusuporta at nagtitiwala sa akin."


REACHING OUT TO FANS. Dahil nasabi nga niya ang tungkol sa mga sumusuporta sa kanya, paano naman siya nagri-reach out sa fans niya?

Ani Mark, “Siyempre all networks, social platforms like Twitter, Facebook, Instagram.

“Sometimes if I have time, sinasagot ko yung mga tweets nila.

"If I have no time, favorite, retweet or like-like-like, ganun ako."

Ano na ang pinaka-memorable experience niya sa isang fan?

Kuwento niya, “If they give something to me na galing sa kanila.

"For example, she made me like a rastaclat [bracelet], yung uso ngayon na shoelace-style na rastaclat.

“'Tapos T-shirts, some girls drew my face and also drew my favorite anime character and they gave it to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I really appreciate those things. Or someone gave me a T-shirt noong nag-Iloilo ako 'tapos itu-tweet ko.

"Sabi pa niya, 'Instagram mo ito, ha, nakalagay sa maliit na paper.'"

So far, wala pa raw siyang weird experience or tipong stalker experience sa kanyang fans.

“Mababait po ang fans and supporters ko kaya I’m so happy,” pagmamalaki niya.


WISHING TO DO A MOVIE. Para mas makilala pa, kasama raw sa bucket list ni Mark ngayong taon ang makagawa ng pelikula.

Sabi pa ni Mark, “If payagan talaga ako [ng TV5], why not? Gusto ko talaga.

"Pina-audition kami ng TV5 before for an international movie.

“Nakapasok kami, we have the script.

"Kaso siguro nagkaroon ng communication problems, hindi natuloy, sayang."

Bukas naman daw si Mark sa paggawa ng pelikula, mainstream man o indie.

Pero may limitations ba siya sa gagawin niyang eksena lalo na kung may body exposure?

Sagot niya, “Depende po siguro sa script.

"Kung topless po siguro, kaya ko.

“I mean, nag-topless naman ako sa Mr. Popular, so why not?

“Bale maghahanda talaga ako if ever, kasi nakakahiya naman kung walang improvement [sa katawan].

“So, siguro sa ngayon, topless ang pinaka-limit.”

Kissing scenes?

Pakli niya, “Okay lang po. I’ve done kissing scenes naman sa TV.”

Love scenes?

“Ewan ko po, hindi ko pa alam. Siguro depende po kung gaano ka-intense yung eksena,” pahabol din niya.

Kung mabibigyan daw ng pagkakataong mamili, gusto sana niyang sumabak sa action film.

Detalye ni Mark, “Kung merong project, why not, 'di ba?

"Para maipakita ko yung parkour na ano ko, hidden talent.

“Kasi sa Germany… hindi naman ako nagpi-flips, pero I can run ng buildings, ng walls, mga ganyan. I used to do that for fun.

“Kasi sa Germany, meron akong mga Russian na friends, so sila nagpi-free running sila, it looked fun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Since energetic ako na tao, so game.

"Pero of course, I have to warm up po, kasi I haven’t done it for years na.”

Sana rin daw kahit sa telebisyon ay maipakita niya ang talent niya sa parkour at free-running.


LOVETEAM WITH SHAIRA MAE. Habang wala pang gagawing pelikula, abala naman si Mark sa kanyang TV projects sa TV5.

Muli ngang magtatambal sina Mark at Shaira Mae sa Wattpad Presents: I’m In Love With A Dota Player.

Ito na ang pangatlong pagbibida nila sa Wattpad Presents matapos nilang magsama sa Mr. Popular Meets Miss Nobody Book 1 at 2.

Biro nga ng PEP kay Mark na sila na yata ang kinikilalang Wattpad Presents: King and Queen ni Shaira dahil consistent ang loveteam nila sa pagiging bida rito. Lagi ring mataas ang ratings at nagte-trending pa ang episodes nila.

Reaksiyon naman ni Mark sa naturang titulo, “Wow, yun ba ang title?

“Siyempre po it’s challenging kasi ibig sabihin, kung mataas ang ratings, dapat sa next performance mas may improvement pa.

“So, there’s a factor na challenging lalo na 'pag nag-e-expect yung mga tao, 'di ba?”

Masaya rin si Mark na si Shaira Mae ang naging ka-loveteam niya dahil lagi raw siyang tinutulungan ng aktres lalo na sa mga Tagalog lines.

Lumaki kasi sa abroad si Mark kaya nahihirapan pa siya sa Tagalog lalo sa medyo malalalim na linya.

“Si Shaira matulungin, e, at saka sweet.

"Kasi every time na nahihirapan ako sa Tagalog, I ask her.

“She makes it really clear yung parang elementary style na syllable by syllable para makukuha ko talaga.

“And I really appreciate it kaya I’m really relaxed and comfortable working with Shaira.”

Malaking tulong din daw sa loveteam nila na sa lahat ng mga aktor, si Mark ang pinagkakatiwalaan ng actor-boyfriend ni Shaira na si Edgar Allan Guzman para maging kapareha ng girlfriend nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Close din ako kay Kuya Edgar kaya walang problema.

“I’m really proud to hear that na parang ako lang ang isa sa pinagkakatiwalaan niya na aktor.

“Siyempre nakakatuwa rin sa akin kasi he has trust in me and I really respect that,” pagpapasalamat ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN