Mikael Daez on what he’s learned from doing teleseryes: “I think I’ve become more patient again.”

Mikael Daez on how he and his Lihim ni Annasandra co-stars have relearned the value of patience: “Dati kasi parang wala yata sa utak ko kung gaano kabigat ang isang teleserye; hindi lang sa mga eksena, pero kung dadagdagan mo pa yung mga hours mismo ng pagtatrabaho mo, mabigat siya. So I think I’ve relearned that, kami ni Andrea.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael Daez sa last taping day niya para sa Ang Lihim ni Annasandra sa Montalban, Rizal noong noong Lunes, January 26.

“Kami ni Andrea, same-old, same old naman din, we’ve always been close,” pagtukoy niya sa leading lady ng show na si Andrea Torres.

“I enjoyed being part of this, at nag-enjoy din siya.

“Si Pancho [Magno], alam niyo na, Amaya days pa lang close na kami. Nagba-basketball nga kami every Sunday.

“Si Art [Arthur Solinap], naging Tres Muchachos—ako, si Art, at si Pancho. Meron nga kaming picture, e, kasi mahilig kami sa basketball.

“Pero ayun, alam niyo naman ako, ini-enjoy ko naman talaga yung projects na ibinibigay sa akin.

“Kasi sayang naman, I mean work is your life, moreso for actors kasi halos twenty-four hours a day kaming nagtatrabaho.

“So I might as well enjoy it. And I’ve been so lucky and blessed na napakabait at napakadaling makisama sa mga nakakatrabaho ko.”

Binanggit din ni Mikael ang iba pa niyang kasama sa Ang Lihim ni Annasandra tulad nina Cris Villonco at Rochelle Pangilinan, among others.

“It’s been a joy to work with them,” dagdag din niya.


RELEARNING THE VIRTUE OF PATIENCE. May natutunan din daw siya sa show nila na magtatapos na sa Biyernes, February 6.

“I think hindi bago, I think, minsan kasi may nakakalimutan kang learnings, e, 'di ba?

"May natutunan ka, along the way makakalimutan mo, you take it for granted.

“I think dati kasi, galing akong Bubble Gang, Ismol Family, so patience with a teleserye.

“Kasi siyempre, yung teleserye mas mabigat talaga siya, e, kumpara sa comedy.

"So, I think I’ve become more patient again.

“Dati kasi, parang wala yata sa utak ko kung gaano kabigat ang isang teleserye; hindi lang sa mga eksena, pero kung dadagdagan mo pa yung mga hours mismo ng pagtatrabaho mo, mabigat siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I think I’ve relearned that, kami ni Andrea.”

Unang sabak naman niya sa showbiz ay sa Amaya kaya mabilis niyang natutunan ang patience.

“Tama, tama! Pero yun nga, 'di ba, parang natutunan mo dati pero siyempre minsan nakakalimutan mo especially 'pag iba yung nakakasanayan mo.

“E, Bubble Gang, Ismol Family ang ginagawa ko, Midnight Express, mga half-day shoots lang naman yun, e.

“Twelve hours, fifteen hours, ito [Lihim ni Annasandra], twenty-four, twenty-seven. Ang laking bagay.

“Kaya naiisip ko, nadaanan ko na ito dati, 'tapos nawala so I was able to relearn so na-appreaciate ko ulit kung ano ang ginagawa ko.

“So, naa-appreciate ko yung mga nagtatrabaho sa mga teleserye, naa-appreciate ko yung work namin ni Andrea na ang dami mo talagang ibinubuhos na energy to make one teleserye.

“And natutuwa kami na nae-enjoy naman ng fans.”


LOVING HIS WORK. Kailan na-realize ni Mikael na mahal na niya ang pag-aartista?

“Nung first year, hindi ko alam, hindi ko naman alam kung nagugustuhan ko.

"Hindi ko pa mahal nun. For sure, hindi.

“Nung first year, ine-explore ko lang, hindi ko nga alam kung anong ginagawa ko.

"Second year, parang, ‘Ano nga bang kaya ko dito?’

“So ayun, sa ngayon, I think I realized that that’s when I realized that they’re my friends already.

“Kasi mahirap, ako hindi ko ma-compartmentalize yung work and yung personal, e. Nahihirapan ako.”

Anong GMA show na ang ginagawa niya nang ma-realize niya ang mga bagay na ito?

“I guess somewhere in the middle of Bubble Gang.

“I like being with Andrea, I like being with the people of Bubble Gang, I like hanging out with hem, outside of work also.

"Hinahanap ko sila 'pag nagte-text ako, 'pag nagba-Viber group ako.

“Sabi ko, ‘Okay, I think I’m enjoying this.’

“That’s when I realized that I really like what I’m doing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN