Jomari Yllana strongly condemns PNoy’s ’mishandling’ of SAF operations in Maguindanao

Maraming mga ordinaryong Pilipino ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya kay Pangulong Noynoy Aquino sa hindi nito pagdalo sa ginawang heroes’ welcome sa mga tinaguriang #fallen44 noong Huwebes, January 29, sa Villamor Airbase. Bukod sa netizens, may mga celebrities ding katulad nina Jomari Yllana, Judy Ann Santos, at Christine Bersola ang bumatikos sa naging hakbang na ito ni PNoy.


Hindi na marahil makapagtimpi ang ilang celebrities sa kanilang naramdaman at saloobin sa masaklap na kinahinatnan ng mga miyembro ng elite Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) na nasawi sa tinaguriang #mamasapanoclash sa Maguindano, kaya ipinahayag nila ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng social media.

Apatnapu't-apat na SAF members ang napatay ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong madaling-araw ng January 25, habang tinutugis ng mga ito ang dalawang most wanted terrorists sa Amerika at sa Pilipinas.

Walang alam ang ilang matataas na opisyal ng kasundaluhan at kapulisan sa operasyon, pati na si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, dahil si Pangulong Noynoy Aquino diumano mismo ang direktang nakipag-ugnayan sa namuno ng operasyon—si suspended PNP Chief Allan Purisima.

Kaya walang saklolong naipadala sa lugar ng bakbakan.

Ang SAF members na napaslang ay itinuturing na mga bayani ng sambayanang Pilipino at ngayon ay tinatawag nang #fallen44.

Nakadagdag pa sa galit ng maraming Pinoy ang hindi pagdalo ni PNoy sa idinaos na heroes' welcome sa mga labi ng nasawi noong Huwebes, January 29, sa Villamor Airbase.

Ito ay dahil may nauna na raw natanguang appointment ang Pangulo—ang inaugauration ng isang planta ng mga sasakyan sa Laguna.

Naging trending topic sa Twitter nationwide at worldwide ang hashtag na #NasaanAngPangulo noong araw ding iyon.

IKAW NA ANG PINAKATANGANG PRESIDENTE...” Bukod sa netizens na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya kay PNoy—na bilang Pangulo ay siya ring commander-in-chief ng AFP at PNP—may mga celebrity ring nagpahayag ng kanilang saloobin sa naging aksiyon ng presidente ng Pilipinas.

Isa na rito ang aktor na si Jomari Yllana.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Jomari na hindi isang video game ang pagtugis ng mga terorista.

Pinuna rin nito ang "Tuwid na Daan" na sangkalan ng pamumuno ni PNoy sa kanyang administrasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Jomari, "Ang akala nila, parang video game lang... Nag-ensayo lang at pinasubukan...

“Sigurado ako, kahit dati na hindi ka corrupt... Pero, garantisado na ako na isa ka ngang tanga! Lahat ng nasa gabinete mo mandarambong...

“Sana, pagkatapos dumaan ng sasakyan ninyo sa daan na nagkukunwaring matuwid ay dumeretso na rin ito sa impyerno...

“Kasama ng mga dayuhang mapuputi na napakahusay magsinungaling... Napakahusay na mandurugas at napakahusay mag-angkin ng lupaing hindi kanila...

“Ikaw na!!! Ikaw na ang pinaka-tangang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas!!!"

LAHAT TAYO NAGBABAYAD NG BUWIS.” Ang aktres namang si Judy Ann Santos ay nag-post din sa kanyang Instagram account ng pagkadismaya sa hindi pagpunta ni PNoy sa Villamor Airbase.

Ginamit pa ni Judy Ann ang isang artikulo tungkol kay U.S. President Barrack Obama na kinansela ang mga lakad para lamang salubungin ang mga labi ng mga namatay na sundalo ng kanilang bansa.

Caption pa niya dito: “Just saying... Obama knows his priorities...”

Just saying... Obama knows his priorities...

A photo posted by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) onJan 29, 2015 at 4:12pm PST

Marami man ang pumuri at nakisimpatiya sa actress-TV host, may iilan ding pumuna sa kanya.

Ang isa sa kanila ay sinagot na ni Juday, palayaw ng aktres, at sinabing karapatan niyang maglabas ng kanyang saloobin lalo na kapag ang sangkot na ay ang gobyerno dahil nagbabayad siya ng buwis.

MAS IMPORTANTE PA SA IYO ANG MGA NAKAPARADANG KOTSE...?” January 30, isa namang emusyonal na Instagram post ang ibinahagi ng TV host na si Christine Bersola-Babao.

Kinuwestiyon niya ang “wala sa schedule” na rason ng Palasyo sa hindi pagdalo ng Pangulo sa heroes' welcome sa #fallen44.

Aniya, “Kahapon, ito ang issue- Ang dahilan ng Pangulo : 'Wala sa Schedule' (bakit po, alam ba ng SAF na ma-mamassacre sila para ma 'schedule' ang arrival honors nila sa busy sked ni Pnoy?)

“Mas importante pa sa iyo ang nakaparadang mga kotse kasya sa mga nakaparadang bangkay ng mga Bayaning SAF, na nagbuwis ng buhay. Ang dahilan mo? 'Wala sa Schedule'!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mr Commander in Chief, do not call the collective anger of Filipinos as mere making of 'judgements' or panghuhusga, because your actions & decisions were obvious.

“Did u see the bodies as they were being carried, and did u feel the anguish of their loved ones? ?No, because you were busy looking at the bodies of those cars on exhibit?￰゚レユ?. .#nakakaiyak #nakalungkot #nakakagalit #Fallen44#fallenheroes?”

Kahapon, ito ang issue- Ang dahilan ng Pangulo : " Wala sa Schedule" ( bakit po, alam ba ng SAF na ma-mamassacre sila para ma "schedule" ang arrival honors nila sa busy sked ni Pnoy? ) Mas importante pa sa iyo ang nakaparadang mga kotse kasya sa mga nakaparadang bangkay ng mga Bayaning SAF, na nagbuwis ng buhay. Ang dahilan mo? "Wala sa Schedule " !! Mr Commander in Chief , do not call the collective anger of Filipinos as mere making of " judgements " or panghuhusga, because your actions & decisions were obvious. Did u see the bodies as they were being carried, and did u feel the anguish of their loved ones? 😢No, because you were busy looking at the bodies of those cars on exhibit🚗🚕🚙. . #nakakaiyak #nakalungkot #nakakagalit #Fallen44 #fallenheroes🔫

A photo posted by Christine Babao ☺😉📱📷📺 (@christinebbabao) onJan 29, 2015 at 4:58pm PST

Sa comment section naman, sinabi ni Christine na pinaninindigan niya ang kanyang conviction at sinabi rin niyang bigyan ng chance si PNoy dahil dumalo naman ito sa necrological Mass para sa mga nasawing SAF members.

Ipinost din ni Christine ang screen shot ng pakikiramay ni PNoy sa mga naulila ng napaslang na SAF members.

Nauna rito, ipinagtanggol na ni Kris Aquino ang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino laban sa bashers at haters nito.

Read: Kris Aquino defends brother President Noynoy Aquino from bashers and haters


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN