William Martinez doesn’t see himself falling in love again after break-up with Yayo Aguila: “Ayaw ko nang magmahal.”

William Martinez explains why he doesn’t see himself falling in love again after break-up with wife, Yayo Aguila: “Kasi, hindi na ako naniniwala. Kasi, nagkaroon ako ng asawa na ang usapan namin ay walang hiwalayan hanggang mamatay. Pero humiwalay. So hindi na ako naniniwala.”


Mas maganda na ang lagay ngayon ni William Martinez mula noong na-stroke siya, apat na taon nang nakakalipas. Nawala na raw ang pagkatabingi ng isang parte ng kanyang mukha, pati na ang hirap niya sa pagsasalita.

Bagamat aminado siya na minsan ay nakakaranas siya ng memory lapses, para sa aktor ay 95 percent na siyang okay.

“Mga 95 percent na akong okay. Kung minsan lang yung memory, may mga words na nakakalimutan ko.

“Kapag maingay, halimbawa, may malakas na stereo o sounds, nalilito ako. Parang nag-e-echo, wala akong marinig. Ang mga tao, ang tingin ko ay nagli-lip-synch, e.

“Kapag may ilaw, naba-block yung mind ko. So, dito sa TV5 [sa taping sa studio], nalaman ko na apektado pa ako sa light.

“Yung sa sound, kaunti na lang,” saad ni William sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa set visit ng TV program na Solved Na Solved ng Kapatid Network.

Habang kinakapanayam namin, ilang ulit ding huminto si William sa pagsasalita kapag maingay ang paligid.

Sino ang itinuturing niyang tumulong sa kanya para unti-unting maka-recover?

“Dasal. Si Jesus lang, si Lord lang,” ang sabi ng aktor.

Hindi ba siya nag-therapy?

“Nag-therapy din ako sa St. Luke’s ng two months lang,” dagdag niya.

Kumusta na sila ng kanyang estranged wife na si Yayo Aguila?

Ani William, “Nagte-text kami every day ni Yayo.”

RECOVERING FROM HEARTBREAK. Sa lahat ng nakarelasyon ni William, kanino siya nasaktan nang husto? Sino yung Top 3? Isa ba si Maricel Soriano sa nakarelasyon niya kunsaan nasaktan siya nang husto o umiyak?

Pagklaro niya, “Hindi, hindi ako umiiyak [dahil sa babae].

“Ang point ko lang, kasi ako yung lalaki, kapag may ganyang pain, I keep it to myself. Hindi ako yung, ‘Huhuhu! Hayop ka!’ Walang ganoon,” saad ng aktor habang umiiling.

“Kasi kahit kami ni Yayo, ganoon din, e.

"Noong naghiwalay kami, tahimik lang ako. Nag-ano lang ako sandali, nag-isolate lang ako. Yun lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PAST LOVES. So, sino yung Top 3?

“Siyempre, natural, si Yayo, kasi 25 years na kaming mag-asawa. Noong naghiwalay kami, naapektuhan ako, pero hindi ako nagsalita.

“Una si Yayo, sunod ay yung unang-unang girlfriend ko. When I was 14 kasi, nagka-girlfriend ako na 13 years old. Mahal na mahal ko, first love ko 'yon, e. Seminarista pa ako noon.

“'Tapos noong one time, aksidente, nabuntis ko.

“So, in love na in love ako, pero nalaman ng nanay, kaya nagalit. Pinalabas ng nanay na sinabi raw niya sa akin, na pumayag ako na ipalaglag yung bata.

“Naghiwalay kami because of that. Akala ko, pumayag siya, at akala naman ng girlfriend ko, pumayag ako na ipalaglag iyong baby.

“Naghiwalay kami dahil doon. Kasi, galing ako ng semenaryo. Meaning, masyado akong Catholic that time. So ayaw ko, hindi ko type ang abortion.

“Sa asar niya, akala kasi niya pumayag ako, nakipag-date siya sa isang kalaban kong barkada. Nag-date sila sa drag racing sa Greenhills, nabangga sila at wasak ang mukha niya. Pero buhay pa siya.

“Before that, nalaman ko na nakipag-date siya sa isang best friend ko.

“Kaya kumuha ako ng gunting, magpapakamatay sana ako. Pero naisip ko, buhay siya at 'pag namatay ako, walang mangyayari.

“Kaya hindi ko itinuloy magpakamatay. At saka, bata pa kasi ako that time,” mahabang kuwento ni William.

SECRET LOVE.” Sino yung pangatlo?

“Teka lang, tao lang. Sorry ha, na-stroke po ako, e. Hahaha!” natatawang saad pa niya.

Patuloy pa ni William, “Kasi, ang babaeng minahal ko lang nang husto sa buhay ko ay tatlo lang.

“Una ay si Yayo, tapos ay yung 13-years-old, and yung isa pa before Yayo.

“Pero I cannot tell you, e.

“Secret na 'yon, kasi, may asawa na yun at nagka-anak na. Nag-artista siya for a while, pero huwag na nating banggitin ang pangalan,” pakiusap niya.

HOLDING ON TILL THE END. Nagkuwento pa si William sa hiwalayan nila noon ni Yayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko lang alam, I cannot blame yung stroke ko sa paghihiwalay namin. Pero naapektuhan ako ng sobra.

“Noong sinabi na sa akin ni Yayo na hiwalay, sabi ko, ‘Huwag, hindi puwede 'yan.’ Kasi ang point ko lang, ‘Huwag, mahal na mahal kita, don’t do this. Kasi, wala akong ginagawang mali,’” lahad pa niya.

Nasabi rin ni William na sobra ang sakit na naranasan niya noon.

“Kasi, ikaw ba hindi ka masasaktan kung asawa mo ng 25 years ay nawala?

“Alam mo, ibang klaseng pain iyon. Iyong pain na kumbaga, pagsama-samahin mo…

“Kasi, sa akin ay maraming temptation na dumaan, ang dami kong nakilala na nagsasabi sa akin na, ‘William, hiwalayan mo ang asawa mo at sumama ka sa akin.’

“Pero ayaw kong hiwalayan ang pamilya ko, dahil mahal ko sila. Ayaw ko talaga, dahil mahal ko sila, ganoon ako talaga, e.

“Ako kasi, may promise ako sa sarili ko na once na nag-asawa ako, forever na 'yan. Ayaw kong mag-asawa ng iba. Kaya ngayong hiwalay na kami, ayaw ko na,” pahayag pa ng former matinee idol.

Patuloy na pagbabalik-tanaw pa ni William, “Hindi ko alam na hiwalay na kami noon, nalaman ko na lang through my children.

“So noong nalaman ko na lang, hiwalay na kami. She told me already, but I never listened to her and never believed her.

“Sa akin kasi, bago kami nagpakasal, sabi ko sa kanya, walang hiwalayan hanggang sa mamatay na kaming dalawa. Sabi niya ay, 'Oo.’

“So kapag nag-oo ka, covenant iyon, e. For life 'yon!”

Dagdag pa ng aktor, “So before, we used to talk a lot na we will grow old together, we will die together.

“Noong biglang naghiwalay kami… alam mo eto ha, alam mo story, pareho kaming ibon, e.

“Agila siya, martinez ako, e. Kumustahin mo ang mga ibon. Kapag ang dalawang ibon nawala, yung isa nagkakasakit. Ako yung nagkasakit, ako yung nagkasakit!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REASON FOR BREAKUP. Nabanggit din ni William ang naging rason ng hiwalayan nila ni Yayo.

Saad ng aktor, “Ang nangyari, noong pumasok si Yayo sa PBB [Pinoy Big Brother], nagsimula na akong uminom.

“Pero sa pagpasok niya [sa PBB], hindi na ako uminom. Kasi, ako ang nag-take care sa aming children.

“'Tapos, habang nasa loob siya ay biglang namatay ang nanay niya. Noong namatay, sinisi niya ako na bakit ko raw pinabayaang mamatay nanay niya…

“Sabi ko, ‘Hindi ko kasalanan iyon, your mother has her own life, e.’

“Noong namatay nanay niya, sabi niya, ‘Maghiwalay tayo.’ Sabi ko, ‘Walang hiwalayan, kasi nag-usap tayo na walang hiwalayan.’

“So when all those things were happening, nagsimula na akong nag-inom. Lahat ng klase ng Johnnie Walker, nandoon sa bahay ko.

“Ang buong bahay ko, puro Johnnie Walker. Isa lang ang hindi ko nabili, yung King George lang ang hindi ko nabili. Kasi, 120,000 pesos ang isa nun, e.”

NO ATTEMPT AT RECONCILIATION. Nag-attempt ba siyang makipagbalikan kay Yayo?

“Hindi, hindi na. Siya ang nakipag-hiwalay, hindi na. At saka si Yayo kasi, may mahal na. Respeto ko na lang.”

Hindi ba siya ang may mahal na iba?

“Ang mahal ko, ang mga anak ko,” matipid na sagot niya.

Ayaw na ba niyang magmahal muli?

“Ayaw ko nang magmahal… Kasi, hindi na ako naniniwala. Kasi, nagkaroon ako ng asawa na ang usapan namin ay walang hiwalayan hanggang mamatay.

“Pero humiwalay. So hindi na ako naniniwala.”

Mahal mo pa ba si Yayo?

“Tapos na! In-accept ko na 'yon. Tapos na 'yon, basta may mahal na siyang iba,” paiwas na sagot pa ni William.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN