Luis Manzano not pressured to join wedding proposal bandwagon: “Hindi ’yan parang damit na kapag uso, sumabay ka, sumakay ka.”

Luis Manzano on biding his time to propose to girlfriend Angel Locsin: “Hindi porke lahat nagkakasalan, dapat kami rin dahil may mga fans na gusto na. Hindi, because that would be very unfair sa aming dalawa.”


Nang magkabalikan sina Luis Manzano at Angel Locsin noong early 2014, napag-usapan na agad na sa kasalan mauuwi ang kanilang relasyon.

Marami na ang naghihintay kung kailan nga ba magpu-propose si Luis, at kung kailan sila ikakasal. May pressure ba na ang daming nag-aabang?

Saad ng Kapamilya TV host-actor, “Ang pagpu-propose naman kasi at pagpapakasal, hindi ‘yan parang damit na kapag uso, sumabay ka, sumakay ka.

“I believe na when it’s the right time, and I feel that it’s also the right time for her, then I’ll set it up na. Like, everything will fall into place.

“Hindi porke lahat nagkakasalan, dapat kami rin dahil may mga fans na gusto na.

"Hindi, because that would be very unfair sa aming dalawa.

“We would be pleasing other people, but not ourselves.

"So, kumbaga, it’s gonna happen when it happens."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa launching niya bilang endorser ng Puregold noong January 30, sa Puregold Quezon Institute.


PUBLIC OR PRIVATE PROPOSAL? Bilang lalaki, gusto ba niyang maging bukas sa publiko ang proposal niya kay Angel o pribado na sila lang dalawa?

Sagot ni Luis, “Public in the sense na there will be copy in social media, but if I’ll do it on TV, parang hindi.

“We want to share it din naman with the rest of the world, but I’d rather do it, like, ipu-post ko ang video.

"But the proposal itself, I’d like to do it in private."

Sa harapan ng madlang people?

“Hindi, hindi ko gagawin yun.

"Parang hindi ko naiisip gawin yun, halimbawa sa ASAP, hindi ko naiisip gawin yun.

“I believe na it’s something very personal, very sacred na mas maganda kung kayo na lang.”

Si Angel, ganun din ba ang gusto?

“Oo, mas ganun siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas gusto niya na simple wedding, e. Mas intimate, mas konti ang tao.

"Sabi niya, 'Kahit ‘di ka nga pumunta, okey lang,'” biro pa niya.

“Hindi, mas ganun talaga ang gusto niyang wedding.”

Posibleng ngayong taon na kaya mangyari ang kasalan nila?

“Hindi pa namin masasabi kasi, unang-una, nilatag ko na nga, schedules ko pa lang... siya, she’s already very busy.

“So, we’ll just wait what will happen,” pahayag ni Luis.


CONFLICT IN RELIGION? Sa magiging kasal nila kung sakali, wala ba silang nakikitang conflict dahil si Angel ay born-again Christian at si Luis naman ay Katoliko?

Saad niya, “Sa akin naman, I may be Catholic, but I also have a few Christian beliefs.

"Ako, we just have to meet in between.

“Naniniwala naman ako, like, correct me if I’m wrong, until now, hindi pinapayagan ng Catholic to have a beach or garden wedding?

"We still have to talk about that, the religion.

“In fact, we talked about that like when we have our kids, ano ang magiging religion nila?

"Sabi ko, we’ll cross the bridge when we get there."

Kung sakali, sino kaya ang masusunod sa kanila ni Angel pagdating sa kasal nila?

“Sinabi ko naman kay Angel, malinaw naman kay Angel yun sa pag-uusap namin, sinabi ko kay Angel na dapat alam na natin kung sino ang batas.

“Sabi ko kay Angel, 'Alam mo, ngayon na magkakabalikan tayo, gusto ko malinaw sa lahat kung sino batas sa relasyong ito. Malinaw sa lahat, ha, at ikaw yun!" biro na naman ni Luis.

Sabi niya, hindi pa siya nakakapag-propose kay Angel, pero napag-uusapan na nilang dalawa ang kasal.

Hindi ba siya binibiro ni Angel na dapat ay mag-propose muna siya?

“Hindi, kumbaga, during our A & A [Aquino & Abunda Tonight] interview niya, I think, she mentioned na alam niya na kami na talaga ang para sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We openly talk about these things. Yung proposal, yes, yung formality.

"Pero kumbaga, we’re already looking a few steps ahead."


WEDDING PROPOSAL IN 2015? Ayon naman kay Luis, mas nakikita niya ang posibilidad na mag-propose siya ngayong 2015 kesa sa kasal.

“Mas realistic ang proposal this year.

"Mas nakikita ko lang, ha, sa timeline, mas realistic yun," sabi niya.

Wala bang pressure na ang mommy niya, si Batangas Governor Vilma Santos, ay palaging sinasabi na gusto na nitong magka-apo?

“Hindi naman, kung gusto niyang magka-apo, nandiyan naman si Ryan [Recto]. Siya na muna kung may time siya,” biro pa rin niya.

Pero dagdag din ni Luis, “Well, yung naman sa apo, alam kong matagal na rin hinihintay ni Mommy ‘yan.

"Pero mahirap naman yung, 'Kite, gawa tayo ng isa para kay Mommy, ha? E, di pa tayo ready. Naglalambing si Mommy, e.'

“I think, everything will be ready, everything will become natural when it's the right time.”

Kung dati nga raw, sinasabi ng mommy niya na hindi pa ito handang maging lola, ngayon ay ito na ang nangungulit.

“Dati, ayaw pa niyang maging lola. Ngayon, siya na ang nangungulit, sila ni Tito Ralph.

"'Sige na... kahit baby na ang unahin niyo para may nilalaro na kami.'"


POLITICAL PLANS. Pagdating sa usaping pulitika, aminado si Luis na 50/50 pa ang desisyon niya sa bagay na ito.

“Fifty/fifty talaga, walang mas lamang.

"Hindi ko kayang sabihin kahit may 51, wala talaga.

“50/50 talaga,” saad niya.

Kung sakali, ano ang tatakbuhin niyang posisyon?

“Wala, wala pa talaga. Merong napag-uusapan, informally, pero yung formal, wala pa talaga.”

Kung sakali man daw, sa Batangas talaga niya planong tumakbo.

Naitanong din kay Luis kung hindi ba siya nawawalan ng gana na pasukin ang mundo ng pulitiko dahil sa lahat ng negatibong balita kaugnay ng mga pulitiko.

Kumbaga, posibleng madumihan din ang pangalan niya ng mga isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Mangyayari naman talaga yun kung, halimbawa, ma-decide kong tumakbo, I’m sure, may panibagong isyu na lalabas, it’s a guarantee.

“Kung sa showbiz nga lang, e, ‘di ba?

"I’m sure sa politics, kunwari lang, nag-file ako ng candidacy, in less than an hour, may mga bagong isyu na ibabato sa akin," sabi niya.

Bilang artista, may mga bashers na raw siya. Alam daw niyang kapag nag-pulitiko siya, posibleng mas lalo pa itong madagdagan.

“Oo, nandiyan na ‘yan. I grew up with that environment,” pagsang-ayon niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN