Edgar Allan Guzman on handling his finances well: “Kasi sobrang kuripot po ako.”

Despite being "out of work" for almost a year, Edgar Allan Guzman managed to survive—thanks to handling his hard-earned money well from his previous projects: “Talagang sobrang hanga po ako sa sarili at hanga po ang nanay ko sa akin na sobrang magaling akong mag-ipon. Kasi kahit nakatengga, kahit walang teleserye for one year, okay pa rin!”


Nagsimula sa GMA, lumipat sa TV5, ngayon ay nasa ABS-CBN na si Edgar Allan Guzman.

Sa ginawa niyang paglipat-lipat, tiyak na hindi maiiwasang maraming mag-bash sa kanya. Pero ayos lang daw sa kanya iyon.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Opinyon nila yun, e.

"Ako naman, I’ll take it as a challenge for me.

“And welcome naman, welcome naman, wala namang problema, e.

"Ako naman, positive naman akong tao, e.

“'Pag may nakita or 'pag may nasabi sila, I’ll accept that. Kasi iyon yung nakita nila e, iyon yung reaction nila, e.

"So, ako, tatanggapin ko nang maluwag.

“Hindi ako magtatampo, hindi ako magwawla or hindi ako mamba-bash din, no. Tatanggapin ko lang.”


MANAGING HIS FINANCES WELL. Medyo matagal ding walang show si Edgar Allan bago naging Kapamilya, kaya sumulpot ang intrigang may gay benefactor siya.

Kahit kasi wala siyang trabaho ay maayos na nakakapamuhay si Edgar Allan.

“Ako po?! Wala!” natawang reaksiyon niya.

“Ano lang ako, sariling kayod lang po talaga ako.

“And kaya thankful ako sa TV5 kasi marami silang naitulong sa akin, lalo na financially.”

Nakaipon naman daw siya mula sa mga show niya sa TV5 kaya kahit may halos isang taon siyang walang show ay hindi naman siya nahirapan.

“Talagang sobrang hanga po ako sa sarili at hanga po ang nanay ko sa akin na sobrang magaling akong mag-ipon.

“Kasi kahit nakatengga, kahit walang teleserye for one year, okay pa rin!

"Kasi sobrang kuripot po ako. Bibili lang po ako pag alam kong may darating, may papasok.

“Pero 'pag wala naman, mina-manage ko naman ang pera ko nang maayos,” pagmamalaki pa niya.


DEALING WITH INDECENT PROPOSALS. Naranasan na raw niya na may mayamang bading na nanligaw sa kanya.

Pagbabalik-tanaw niya, “Before, matagal na yun. 2006 pa lang, Mr. Pogi pa lang, andiyan na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagkapanalo, meron na agad."

Si Edgar ang nanalong Mr. Pogi sa Eat Bulaga! noong 2006.

Tinanggihan daw niya ang mga manliligaw na iyon.

Aniya, “Hindi ko talaga feel. Hindi talaga.”

Recently ay wala na raw siyang natatanggap na anumang indecent offers mula sa kahit na sinong bading.

“Aaminin ko po sa inyo, wala,” sabi niya.

Paano niya napaglalabanan ang mga ganitong temptations?

“Ako po, ang ano ko sa sarili ko, ang sarap mabuhay, ang sarap makita yung, kumbaga, maging mayaman ka man, maayos yung buhay mo, sa sariling kayod mo.

“Yung pinaghirapan mo, ang sarap!

"So, para sa akin, dun ako, e, yun ang opinyon ko sa buhay.

“Iyon ang pananaw ko sa buhay, na ayokong gamitin yung ibang tao para lang umangat ako sa buhay, makabili ako ng bahay, magandang kotse.

“Hindi po. Gusto ko na pinaghirapan ko. Sariling sikap,” sabi ni Edgar Allan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN