Jake Vargas says there's no competition between Jake-Bea and Elmo-Janine loveteams

Jake Vargas on alleged competition between JaniElmo and JaBea loveteams: "Kaming dalawa ni Bea, hindi po kami nakikipagkumpitensiya sa kanila. So kami, ginagawa namin ang lahat para maging okay ang career namin."


Hindi apektado si Jake Vargas kung tinalo na ngayon ng JaniElmo nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona ang tambalang JaBea nina Jake at Bea Binene.

Dati kasi ay pambatong loveteam ng GMA ang JaBea, pero ngayon ay tila naungusan na ito ng JaniElmo.

Sabi ni Jake, ??Kaming dalawa ni Bea, hindi po kami nakikipagkumpitensiya sa kanila.

??Ginagawa din naman ng GMA iyon para sa kanila at para sa amin din naman talaga.

"So kami, ginagawa namin ang lahat para maging okay ang career namin.

??So, ginagawa namin para din sa GMA.??

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa presscon ng pelikulang Liwanag Sa Dilim noong January 28.

NO RIVALRY WITH ELMO. Maituturing ba ni Jake na pinakamalapit niyang karibal sa popularidad si Elmo? Pareho silang young matinee idols at pareho ring singers.

Sabi niya, ??Hindi ko alam, e! Talaga, pinagtatapat kami?

??Hindi ko alam, wala akong idea, wala akong idea na ganun.

??Basta kami, work lang talaga, work, work.??

Magkaibigan daw sila ni Elmo.

??Si Elmo, nakakasama ko yun sa SAS [Sunday All Stars] minsan. 'Tsaka mabait, mabait si Elmo,?? pagpuri niya.

Kasalukuyang umeere sa GMA ang More Than Words nina Janine at Elmo, samantalang natapos late last year ang Strawberry Lane nina Jake at Bea.

CLUELESS ABOUT NEW PROJECTS. Kung siya ang tatanungin ay si Bea muli ang nais ni Jake na makasama sa susunod niyang project sa Kapuso network.

??Sana bigyan pa kami ng show ng GMA,?? asam niya.

Wala pa raw sinasabi sa kanila ang management kung ano ang susunod nilang proyekto ni Bea.

??Siguro magugulat na lang kami, andiyan na agad yung show namin.

"Baka kinabukasan or baka mamaya!?? at tumawa si Jake.

Pero dagdag niya, ??Hindi ko alam e, wala akong idea.

"Kasi ang nag-aano kasi ngayon, yung ate ko ang nag-aano sa akin, nagha-handle sa akin muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??Kasi si Kuya Germs, nagpapahinga muna, e.??

PRAYING FOR KUYA GERMS' RECOVERY. Ano ang naging epekto kay Jake ng pagkakasakit ng Master Showman at manager niyang si German Moreno?

??Wala namang ano sa akin, hindi naman ako naapektuhan, kasi alam kong okay si Kuya Germs, malakas si Kuya Germs.

??Hindi ko iniisip na magkakasakit siya ng ganyan, basta pinagpe-pray ko lang na okay siya lagi.

??Hindi naman ako naano, hindi naman nasisira yung loob ko,?? sabi ni Jake.

Nakadalaw daw siya noong nasa ospital si Kuya Germs, pero hindi pa niya muli nakakausap ang kanyang manager.

??Simula nung pumunta ako ng ospital, hindi ko pa siya nakakausap.

"'Tapos nung pumunta ako sa bahay niya, dapat kakausapin ko, kaso bawal daw yata siyang kausapin, sabi ni Tito Freddie, yung anak niya,?? saad niya.

Si Federico Moreno na unico hijo ni Kuya Germs ang tinutukoy ni Jake.

??Nagpapahinga daw, bawal daw muna ang stress, ganyan-ganyan.

"So, nagte-therapy muna si Kuya Germs para 'pag after makapahinga siya, pupunta yata siya sa States, e.

??Three months yata.??

LIWANAG SA DILIM. Dahil unang pagbibida nila ni Bea sa isang pelikula, may takot ba siyang nararamdaman habang papalapit ang showing ng Liwanag Sa Dilim?

Sagot ni Jake, ??Hindi po, sobra po akong natutuwa! 'Tsaka sobra po akong nae-excite.

"Kasi ito po yung, kumbaga, para sa akin, ito yung pinakamagandang ginawa ko na movie na kaming tatlo nila Igi Boy [Flores] ang magbibida.

??So, proud po ako sa sarili ko and proud kaming lahat sa pelikulang ito.

"Kasi ang galing din ng direktor naming si Richard Somes."

Sa trailer ng Liwanag sa Dilim ay may mga eksena si Jake na tila nahahawig sa mga eksena ni Dingdong Dantes sa Kubot: The Aswang Chronicles 2.

??Oo nga po, e!?? at tumawa si Jake.

Napanood daw niya ang Kubot.

Ano ang masasabi niya ba baka maikumpara siya kay Dingdong sa pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natutuwa po ako!" bulalas niya.

"Nasisiyahan ako kasi siyempre para akong, Dingdong Dantes ang dating ko, 'di ba?"

Pagpapatuloy pa ni Jake, ??Nakakatuwa kasi yung mga fight scenes namin dun, yung mga hagis-hagis namin, totoo.

"'Tsaka wala kaming double actually, kami mismo yung gumagawa. Wala kaming gaanong double talaga.

??Kaya napaka-challenging para sa amin.??


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN