Jasmine Curtis-Smith thankful to TV5 for allowing her to do project in ABS-CBN

Maganda raw ang pasok ng taong 2015 sa Kapatid star na si Jasmine Curtis-Smith dahil bukod sa kanyang mga proyekto sa TV5, nakakatawid din siya sa ABS-CBN para makagawa ng iba pang projects, katulad na lamang ng kanyang cameo appearance sa Halik Sa Hangin ng Star Cinema.


Ayaw nang pag-usapan pa ni Jasmine Curtis-Smith ang audio recording controversy na kinasangkutan nila ng ABS-CBN Teen King na si Daniel Padilla.

Sabi ng TV5 Princess, “No, no... I think ang ano kasi… tapos na siya.

"Dati po [nag-apologize siya] when… as soon as the issue happened, and yun na.

“Tapos na, kayo naman, alam niyo naman kung gaano ka-intense yun, ‘di ba?

"2015 na po, yun lang masasabi ko.

“Siyempre lumipas na, nagka-Bonifacio na, nagka-MMFF, nag-bagong taon, yun.

“Nag-sorry lang po siya, katulad nung ginawa ng lahat ng involved, gusto lang namang maiklaro kung ano yung nangyari, kung bakit ganyan, yun lang po."

Naging malaking isyu noong 2014 ang lumabas na audio recording ni Daniel, kung saan laman ng pag-uusap ng young actor at kaibigan nito ang pangalan ni Jasmine at ng kanyang nobyong si Sam Concepcion.

Read: Daniel Padilla admits authenticity of audio-video recording; Jasmine Curtis Smith admits exchanging text messages with Daniel

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Jasmine sa set ng bago nitong dance show na Move It, sa TV5 Novaliches, noong Sabado, January 31.

THANKFUL. Maganda raw ang pasok ng taong 2015 kay Jasmine.

Bukod sa Move It, may isa pa siyang show sa TV5, ang Wattpadd Presents: House Full of Hunks.

Showing pa rin ang Halik Sa Hangin ng Star Cinema, kung saan bida ang Kapamilya stars na sina Julia Montes, JC de Vera, at Gerald Anderson. May cameo role ang TV5 star sa naturang pelikula.

Kaya naman thankful daw si Jasmine na pinapayagan siya ng Kapatid Network na makatawid sa ABS-CBN.

Saad niya, “Ano lang po, for promotion lang.

"Siyempre, ipinaalam din naman po at pinayagan 'yan ng TV5, so yun.

“Thankful naman ako for both networks for allowing me to do it.

"Siyempre hindi naman po madali yun, lalo na 'pag exclusive contract star ka, ‘di ba, sa isang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thankful naman ako na kahit papa'no, pinapayagan ako pareho.

"Like, iniimbitahan ako ng ABS-CBN, pinapayagan ako ng TV5, it's two teams working hand in hand.

"And kahit na there’s a network war, in terms of letting your artists grow as an individual, nagagawa ko pa rin yun."

Three years ang kontratang pinirmahan ni Jasmine sa TV5 noong 2013, at magtatapos ito end of 2016.

ON BF SAM CONCEPCION. Going strong naman daw ang relasyon nila si Sam Concepcion.

Tahimik lang daw sila dahil naka-focus sila sa kani-kanilang trabaho.

Sabi ni Jasmine, “Wala naman pong bago.

"Wala lang, siyempre pareho kaming busy sa trabaho.

"Alam mo naman, may bagong show po siya, and I heard meron po siyang concert, I think their planning a bigger venue.

"So, ako naman po, may Move It, may Halik Sa Hangin, may Mara, so there are things na kailangan mas bigyan ng importansiya.

“Focus sa work.”

Ang Mara ay isang horror-family movie mula sa Regal Films. Kasama ni Jasmine dito sina Paulo Avelino, Raikko Mateo, at Isabelle Daza.

Ano naman ang plano nila ni Sam sa Valentine’s?

Natatawang sagot ni Jasmine, “May trabaho ‘ata kami pareho e!”

Pero baka raw i-celebrate nila ito before or after ng February 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN