Luis Manzano happy about Toni Gonzaga’s engagement to Paul Soriano

May balak naman daw mag-propose si Luis Manzano sa girlfriend niyang si Angel Locsin dahil hindi na rin sila bumabata, pero hindi pa niya masagot kung ngayong taon ito mangyayari. Aniya, “Ang sa akin, when everything comes so natural, that’s the best way to do it.”


Masaya si Luis Manzano na finally ay engaged na ang best friend niyang si Toni Gonzaga sa longtime boyfriend nitong si Paul Soriano.

Kahit hindi raw nasabi nang personal sa kanya ni Toni ang tungkol dito bago ang announcement nila sa The Buzz kahapon, February 1, proud daw si Luis sa kaibigan na nakatakda nang ikasal sa taong ito.

Read: Toni Gonzaga and Paul Soriano detail their engagement story; they plan to marry this year

Ani Luis, “I’m very happy for them.

“To some degree, I was… I’ve seen their relationship evolved, kilala ko si Toni bago pa pumasok si Direk Paul sa buhay niya.

"So, I’m very proud for Toni and Direk."

Nanligaw si Luis dati kay Toni, na binansagan ngayong Ultimate Multimedia Star, pero hindi natuloy sa relasyon ang panunuyo niya dito.

Kung nagkataon bang naging sila, sa tingin niya ay may tsansang mauwi sa kasalan ang kanilang relasyon?

Natatawang pahayag ni Luis, “Sabi nga ni Toni, si Toni nga yung perfect na nagsabi na, siguro nga, kaya nga things didn’t end well para sa amin in terms of romantic relationship, because ito yung destiny namin.

“She is destined to be with Direk Paul, I’m destined to be with Angel.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Luis sa presscon ng magbabalik sa ereng Kapamilya: Deal Or No Deal, ngayong Lunes ng hapon, February 2, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City.


PRESSURED? Hindi namang maiwasang maitanong sa 33-year-old TV host-actor kung napi-pressure ba siyang mag-propose sa girlfriend na si Angel Locsin, 29.

Tugon ni Luis, “Hindi naman karera ‘yan.

"Ang sa akin, when everything comes so natural, that’s the best way to do it.

“Hindi yung dahil nagpa-influence ka dito, kasi napapansin niyo ang dami ng ikinakasal, ang dami nang na-engaged.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero naisip na rin naman daw niya yun at gusto niya, gayahin ang istilo ni Direk Paul na very intimate ang pamamaraan.

“Feeling ko, mas maganda yung ganun. At least from my standpoint.

“Mas gusto ko yun mas intimate, mas natural, hindi naman kailangang ipagsigawan sa buong mundo.

“That’s my take on it.

“To each his own.”

This year na ba mangyayari ang plano niya?

Tugon ni Luis, “Tingnan natin.

"I’m 33, I’m not getting any younger, siya din naman.

"So, it's only matter of waiting and seeing kung it’s really our time na."

Nagbiro naman ang isang entertainment editor kung sakaling mag-propose na siya, gagamitin ba niya ang 20 briefcases upang lagyan ng singsing para kay Angel?

Natatawang sagot ni Luis, “Pinahirapan ko pa, 'no?”

Seryoso niyang dagdag, “When that day comes, it’s gonna be Luis Manzano, the boy na magpo-propose, not Luis Manzano, the host.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN