James Yap on Kris Aquino: "Bali-baliktarin man ang mundo, nanay pa rin siya ng anak ko."

James Yap on being a father figure to Kris Aquino’s first son Josh: "Walang problema sa akin. Kapatid ng anak ko ‘yan, e. Basta nandito lang ako. Mahal ko si Josh at si Bimby."


“Basta stay happy.”

Ito ang mensahe ni James Yap para sa nalalapit na birthday ng ex-wife niyang si Kris Aquino.

Parehong magdiriwang ng kanilang kaarawan sina Kris at James sa February 14 at 15, respectively. Kris will turn 44, while James will turn 33.

Hindi man sila nagpapalitan ng regalo mula nang magkahiwalay sila, ang importante ay mabigyan daw ni James ng birthday greeting ang dating asawa.

Sabi pa ni James, “Bumabati naman [ako].

“Kasi bali-baliktarin man ang mundo, nanay pa rin siya ng anak ko.

“So, siyempre, yung respeto nandun.

“Yun ang pinakaimportante dun. Babatiin mo ‘pag birthday.”

Isa rin sa ipinagpapasalamat ni James ay patuloy na positibo ang pakikitungo nila ni Kris sa isa’t isa.

Lalo pa’t hinahayaan siya ni Kris na regular na maka-bonding ang anak nilang si Bimby, mula nang magkaayos ang dating mag-asawa noong early 2014.

“Thank God, yun ang pinagpe-pray ko na maayos lahat.

"Yung ang importante, wala nang problema,” sabi ni James sa presscon ng iniendorso niyang Grips Wax hair styling product na ginanap sa Cerchio restaurant, sa may Quezon City, noong January 29.


BASKETBALL WITH BIMBY. Kuwento pa ni James, isa sa mga bonding sessions nila ni Bimby, 7, ay ang paglalaro ng basketball.

Sa tuwing bumibisita si James sa bahay nila Kris, kung minsan ay tinuturuan niya ang anak hindi lang paglalaro ng basketball kundi pati ang disiplinang kalakip nito.

“Nagsu-shooting kami. Sasabihin niya, ‘I’m so tired na.’ Gusto na niya pumasok sa bahay.

“Sabi ko, 'Wait. Hindi ka puwedeng pumasok kung hindi ka maka-shoot ng dalawang straight.'

“Di sige, okey naman, nagsu-shoot siya. Akalain mong dalawang beses ding pumasok, so pahinga siya.

“Ganun ang role ko sa kanya. ‘Once na magpapahinga ka, kailangan i-shoot mo muna itong dalawa,’” lahad ni James.


FATHER FIGURE TO JOSH. Maging sa panganay na anak ni Kris na si Josh, 18, ay nananataling malapit ang loob ni James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, natutuwa si James na hindi nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Josh kahit pa hiwalay na sila ni Kris.

“’Pag nakikita niya ako, nagha-hug naman. ‘Tito James, hold my hands.’ Holding hands, so nandun pa rin.

“Gusto niya ako ipapa-drive sa sasakyan nila. Hold hands daw kami. Yun yung lagi naming ginagawa before.

“Of course, nakakasama ko naman si Josh nang matagal, so napamahal rin ako sa kanya,” pagbabahagi ni James.

Natutuwang ipinagmalaki rin ni James ang mga positibong pagbabago na napansin niya kay Josh ngayong binata na ito.

Sabi niya, “Shooter nga si Josh, e. Laging nakaka-shoot. Medyo mahilig naman sa basketball.

“Sobrang proud ako dahil sobrang payat na [ni Josh], behave na behave na.

“Ang ganda. Ang galing ng pagpapalaki ni Kris.”

Tinanong din si James kung okey lang sa kanyang magsilbing father figure ni Josh bilang siya ang nakagisnang ama nito noong nagsasama pa sila ni Kris.

Kaugnay ito ng pahayag ni Kris kamakailan na handa siyang maging single for life, kung sakaling hindi siya makatagpo ng katuwang sa buhay.

Read: Kris Aquino on lack of love life: "Okey na, na alone ako."

Sabi naman ni James patungkol sa pagiging father figure kay Josh: “Walang problema sa 'kin. Kapatid ng anak ko ‘yan, e.

“Basta nandito lang ako.

"Siyempre mahal ko pa rin silang dalawa. Mahal ko si Josh at si Bimby.

“Napamahal din ako kay Josh. Siyempre nung bata ‘yan, nakikita ko yung paglaki.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN