Heart Evangelista still hoping her parents will attend her wedding

Heart Evangelista is hit by the reality of it all in the middle of fitting her wedding gown, "First time ko talaga naramdaman na ikakasal na ako... It’s wonderful, finally, after this napakahabang journey of my life, of finding Mr. Right..."


Sabik na sabik na raw si Heart Evangelista sa kasal nila ni Senator Francis “Chiz” Escudero na gaganapin sa Balesin Island, sa Quezon Province, sa February 15.

Naramdaman daw ng Kapuso actress na totoo ang pag-iisang-dibdib nila ng senador nang sukatin niya ang kanyang wedding gown noong Linggo, February 1.

“I'm excited. Yesterday na-fit ko na ang gown ko. First time ko talaga naramdaman na ikakasal na ako,” kuwento ni Heart sa press launch ng bagong endorsement niya, ang Uncle Tetsu Cheese Cake, Lunes ng tanghali, February 2.

Patuloy pa niya, “Yesterday, I finally felt that feeling that I'm ready to get married na, noong ni-try on ko na ang wedding gown ko.

“Medyo emotional ako, pero hindi naman ako umiyak.

“It's wonderful, finally, after this napakahabang journey of my life, of finding Mr. Right, the wrongs, the mistakes...

“But, you know, sa dami ko na ng iniyak, I finally found that someone.

"And hindi mo 'yon laging makukuha sa buhay mo.

“I'm very blessed to have that kasi napakagulo ng mundo namin and nakakatakot na to find someone that will hold your hand through this lifetime."

Nang tanungin kung hindi ba siya nag-alala sa pamahiin na nagsasabing masama ang pagsusukat ng wedding gown bago ang kasal, sagot ni Heart, “Hindi na ako naniniwala sa ganyan.

“Ang dami ko nang pinagdaanan sa buhay ko para maniwala ako sa ganyan.

“I think, this is really the moment for me.”


WALKING SOLO. Katulad ng kanyang pakiramdam sa pagsusukat ng wedding gown bago ang kasal, hindi na rin masyadong iniisip ni Heart ang paglalakad niya nang mag-isa sa kanyang wedding march.

Nauna nang ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi maihahatid si Heart ng kanyang mga magulang sa altar dahil hindi dadalo ang mga ito sa kanyang kasal.

Sa ngayon, hindi pa rin daw ito nagbabago, at tanggap na ni Heart na ganito ang magiging sitwasyon sa kanyang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Actually, ever since before, 'yon naman talaga ang naging problema namin ng parents ko.

“It's very hard for them to let go.

"So, matagal ko na rin sinasabi, even in my previous interviews, na baka hindi sila pumunta."

Gayunman, sabi niya, “Siyempre, may konting hope ako na dumating sila.

“But I've accepted that, kasi as their daughter, ako lang naman talaga ang makakaintindi sa kanila.

“It's also big for me to walk nang mag-isa kasi parang 'yon na rin ang naging journey ko.

"Na maging brave, pinaninindigan ko 'to and this is my lifetime choice.

“And as a woman, this is where I will go, okay naman.”


STILL MUDDLED. Bagamat nakakausap na niyang muli ang kanyang mga magulang, inamin ni Heart na hindi pa rin tuluyang naaayos ang anumang hindi nila pagkakaunawaan.

Nabanggit din niyang may ginagawang paraan ang kanyang mapapangasawang si Senator Chiz para maayos ito.

Pahayag ni Heart, “Hindi ko na lang din siguro pinipilit.

“You know, what people should understand is that our relationship is not about what the public wants it to be.

“It's not about kung ano ang kailangan nilang makita o kung ano ang kailangan naming ipalabas.

"The wedding is not our deadline. We have a lifetime to fix it. Sana sooner.

“Siguro ang importante is what we have behind closed door.”

Dagdag pa ni Heart, “Hindi ko na siya masyadong iniisip kasi baka maiyak pa ako, so accepted ko na.

“Anyway, marami naman din akong pinagdaanan.

“Ang importante naman din is as long as wala kayong sinaktan and as long as masaya kayong dalawa.

“The hell with the haters lang. This is my moment, 'di ba, ito na ang buhay ko.

“Eventually, when my parents leave me behind this world, what's important is I also have my own family.”

Hindi man siya maihahatid ng kanyang mga magulang, nandoon naman daw ang mga kapatid niya para ihatid siya kay Senator Chiz sa altar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, they wanted to walk me down the aisle.

“Pero sinabi ko na daddy ko lang talaga ang gusto kong maglakad sa akin. So, walang magre-replace sa kanya.

“So, maglalakad ako, pero sa bandang gitna, nandoon yung mga kapatid ko, sila ang magbibigay sa akin kay Chiz.”


CHANGES. Sa kanyang pagpapakasal kay Senator Chiz, inaasahan na raw ni Heart na maraming mababago sa kanyang buhay.

Sabi niya, “The adjustment, of course, hindi magiging madali.

“But the only thing that it's going to do to me is that it's going to make me a better person.

“You know, just si Chiz, ang laki na ng ipinagbago ko nang dumating siya sa buhay ko.

"So, marami pang pagbabago."

Sa kanyang career, ngayon pa lang, sinabi na ni Heart, “Mayroong pagbabago talaga.

“Hindi naman galing sa kanya. Siguro nanggaling na rin sa akin.

"Na hindi rin siguro tama na marami akong hinahalikan na kung sinu-sino 'tapos senador ang magiging asawa ko.

“I will really have to choose kung ano ang magiging role ko.

“Hindi rin naman natin alam kung hanggang kailan ako sa showbiz.

"So gusto ko rin naman ma-enjoy ang bawat project na ginagawa ko.”

Pagdating naman sa pagbubuo ng sariling pamilya, sabi ni Heart, hindi ito agad mangyayari dahil wala pa sa plano nila ang agad na pagkakaroon ng anak.

Aniya, “Yes, it's part of the plan.

"Pero sabi ni Chiz, wait lang ng one year.

“So, mag-wait na lang din ako ng one year. At saka ang dami kong responsibilities.

"Nag-sign ako sa Close Up, Uncle Tetsu... ang daming nangyayari.

“Parang mali naman yata na buntis ako agad.

"Give them a chance, tapusin ko naman ang contract."

Pahabol pa niya sa huli, “Instant, meron na naman ako, so I can wait another year.”

Ang tinutukoy ni Heart ay ang fraternal twins na anak ni Senator Chiz sa dating asawang si Christine Flores.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN