Ryza Cenon admits being traumatized by showbiz intrigues

After 10 years in showbiz, Ryza Cenon still has to be given a breakthrough project, what gives? "Kulang sa push, I guess. Kailangang i-push nang i-push,” her patient answer.


Gumaganap si Ryza Cenon bilang nakatatandang kapatid ni Empress Shuck sa bagong panghapong serye ng GMA Network, ang Kailan Ba Tama Ang Mali?, na magsisimulang mapanood sa Lunes, February 9.

Wala raw problema sa kanya kung mas matanda pa kay Empress ang karakter niya dahil, “Malaking bulas lang siya, pero ate na talaga niya ako."

Parang nanay rin daw siya ni Empress sa teleserye dahil wala na silang mga magulang sa istorya.

"So, ako yung nagsasabi sa kanya na huwag siyang papayag na maging kabit, kasi ako, nangyari na sa akin.

“So, may pinaghuhugutan din ang character,” kuwento pa ni Ryza.

Naranasan na ba niyang magkagusto sa may sabit na?

“Hindi, hindi…” nakangiti niyang sabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kung sakali man daw mangyari sa kanya iyon, “Siguro kung talagang bulag na bulag na ako, baka.

"Yung sobrang in love, baka.

"Kasi kung bulag ka na, hindi mo na makikita.

"Like, yung character ni Empress, sobrang in love siya.

“Ako naman kasi, alam ko naman ang limitasyon ko.”


LONG WAIT. Madalas itanong ng press kay Ryza kung hindi ba siya naiinip na palagi na lang siyang suporta sa mga karakter na ginagawa niya. Hindi pa rin siya nagiging bida.

Saad niya, “Actually, ‘yan nga ang tinatanong nila sa akin.

"Flattered naman ako na nakikita nila yun, pero sabi ko nga, nasa business tayo, e.

"Kung anuman ang desisyon ng GMA, rerespetuhin ko na lang.

“Business ‘to, e, hindi naman sila puwedeng sumugal na lang nang sumugal.”

Sampung taon na rin siyang nag-aartista, hindi ba talaga siya naiinip?

Pag-amin ng Kapuso actress, “May times, oo… normal naman yun, e.

"Pero siguro, kailangan mo talagang maghintay kung talagang para sa ‘yo.”

Tulad nga ng titulo ng bagong serye nila, natatanong din ba niya ang sarili kung may mali ba siyang kailangang itama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kulang sa push,” nakangiti niyang sagot.

“Kulang sa push, I guess. Kailangang i-push nang i-push.”

Sa bago nilang serye, suporta siya kay Max Collins na tatlong taon pa lamang sa Kapuso network ay bida na sa halos lahat ng kanyang serye. Si Empress naman ay nagbabalik Kapuso pa lamang.

Wala sa kanya yung dapat sa kanya ang role nila?

“Wala, hindi ko naisip ‘yan, never. Hindi siya pumasok sa isip ko.

"Siguro kasi ako, naghihintay lang. Kung time mo na, darating ‘yan, e.”


MISINTERPRETED. Si Ryza ang ultimate female winner ng StarStruck Batch 2, pero hindi siya nagkaroon ng ka-loveteam.

Puwede kayang sabihin na isa rin yun sa naging kulang sa kanya, lalo na noong nagsisimula pa lamang siya?

Sabi niya, “Yeah, may time siguro, kasi before, yung ano namin before, naano ako agad…

"Na-misinterpret agad ako ng mga tao because of the issue of Jennylyn [Mercado] and Mark [Herras].

“Sobrang laking effect nun sa akin, so parang nag-iba na ang tingin sa akin ng mga tao.

"Kaka-start ko pa lang nun, sobrang down agad, bumagsak agad ako."

Ang tinutukoy ni Ryza ay yung isyung na-link siya kay Mark at nagalit sa kanya ang fans ng loveteam ng aktor at ni Jennylyn.

Sabi pa niya, “May isyu pa na nagba-bar ako, tomboy ako.

"So, parang puro negative yung pasok.

"And I feel, because of those issues, parang nagkaroon ako ng block, wall.

"Kaya kapag tatanungin ako, sino ang friends mo sa showbiz, bilang po sa kamay ang mga friends ko sa showbiz.”

Saad pa ni Ryza, “Kaya kapag tatanungin nila, sino ang boyfriend mong artista, wala.

"Ayokong magkaroon ng boyfriend na artista.”

Sinasabi niya bang hindi pa siya nagkaroon ng kahit sinong boyfriend na artista?

“Wala, wala talaga at ayoko talaga,” diin niya.

Bakit ganun katindi ang pag-ayaw niya sa isang boyfriend na artista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, na-trauma ako sa nangyari.

"Kasi bata pa ko noon, na-trauma ako sa mga nangyari na, ganito pala?

"And nakikita ko rin ang ibang friends ko na may boyfriend na artista at kung paano sila mag-struggle.

“Ayoko ng ganyan.”


HOMEBODY. Inakalang mayroon nang nakaka-date si Ryza na non-showbiz, pero mabilis ang sagot niya ng “Waley!”

Matagal na siyang walang boyfriend at madalas daw na nasa bahay lang siya kapag walang trabaho.

Paano siya maliligawan o makakahanap ng bagong karelasyon?

“Alam mo, may tita ako na matandang dalaga, minsan nga, naiisip ko ‘yan!” natatawa niyang sabi.

Okey siya na tumandang dalaga?

“Naiisip ko lang, minsan pumapasok din sa isip ko yun!” tawa na naman niya.

Nahihirapan na ba siyang ma-in love o magtiwalang muli?

“Hindi naman, minsan kasi ayoko na ring maghanap.

"Mas maganda rin yung darating na lang sa ‘yo.”

Sayang naman ang pagpapaseksi niya.

Natatawang sabi ng StarStruck alumna, “Lumalabas din naman ako with friends, pero ayoko pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN