Vice Ganda supports Kris Aquino despite differences in opinion; refuses to reveal identity of his current flame

Vice Ganda on supporting friend Kris Aquino: “Mabigat din sa akin na mabigat ang kalooban niya kahit hindi pareho ang takbo ng isip namin, kahit hindi pareho ng opinyon. Kasi marami kaming pagkakaiba ng opinyon, pero iginagalang namin yung isa’t isa. Kahit hindi kami pareho ng opinyon na tinatahak ngayon, sinusuportahan ko siya, kasi wala namang kaibigan na gusto mong nasasaktan ang kaibigan mo."


Sa kabila ng pagkakaiba nila ng opinyon sa ilang bagay, suportado pa rin daw ni Vice Ganda ang kaibigang si Kris Aquino.

Katakut-takot na pamba-bash ang tinatanggap ngayon ni Kris dahil sa pagtatanggol sa kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ay kaugnay ng malagim na pagkamatay ng 44 members ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) pagkatapos ng engkuwentro nila sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), sa Mamasapano, Maguindanao.

Maliban sa mga ordinaryong mamamayan ay may mga artista ring naglabas ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng social media at binatikos si PNoy.

Tinanong namin si Vice kung ano ang suportang ibinibigay niya kay Kris sa pinagdadaanan nito ngayon.

Saad niya sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “Nag-uusap kami, siyempre magkaibigan kaming dalawa.

“Mabigat din sa akin na mabigat ang kalooban niya kahit hindi pareho ang takbo ng isip namin, kahit hindi pareho ng opinyon.

“Kasi marami kaming pagkakaiba ng opinyon, pero iginagalang namin yung isa’t isa.

“Kahit hindi kami pareho ng opinyon na tinatahak ngayon, sinusuportahan ko siya, kasi wala namang kaibigan na gusto mong nasasaktan ang kaibigan mo.

“Kaya ngayon, ipinagdarasal ko na maging okay siya, maging okay yung pamilya niya at maging okay ang buong Pilipinas.”

VICE'S INSPIRATION. Bagamat inamin ni Vice na may bago na siyang inspirasyon, naging malihim ang Kapamilya star sa identity ng lalaking minamahal niya ngayon.

Paliwanag niya, “E, lahat naman tayo, kailangang inspired.

“Hindi naman kinakailangang dyowa mo yung tao, may relasyon sa iyo.

“Puwede yung isang tao, gustung-gusto mo, nai-inspire ka niya every day, hindi kinakailangan na mayroon kayong relasyon.

“Basta masayang-masaya ako ngayon, may taong nag-i-inspire sa akin.

“Pero hindi ko na ipapaalam kung sino sa inyo, nire-reserve ko na sa sarili ko.”

VALENTINE’S DAY. May plano na ba sila sa darating na Valentine’s Day?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Vice, “Hindi, paano nga kami magba-Valentine’s Day, e, hindi nga kami lumalabas?

“Last year, sa bahay lang… hindi pa namin alam.

“Romantic ako, super effort, ang dami ko na ngang naibigay!

“Mababaw, sobrang babaw, padalhan nga lang ako ng pares, e, masaya na ako.

“I-date nga lang ako parking ng Burger King, masayang-masaya na ako.

“Lagi ito, pero ‘di ko sasabihin kung saang branch.

“Basta madaling-araw, nagugutom kami, lalabas kami, magda-drive-thru kami. Tatambay lang kami sa tapat.

“Sobrang simple lang namin, basta magkasama lang kami, masaya na kami.”

Pagdating sa pag-ibig ay hindi raw siya demanding at masaya na siya sa kung ano lang ang ibigay sa kanya ng taong minamahal.

“Ay, ‘di ako ganun.

"Hindi ko nire-require, hindi ko dine-demand na yung amount ng pagmamahal ko, na kung ano ang ibinibigay ko sa kanya, e, makuha ko pabalik, mali yun.

"Kung ano lang kaya mong ibigay, ie-enjoy ko yun.

“Yung hindi mo kayang ibigay, hanapin ko sa ibang paraan.”


TONI-PAUL ENGAGEMENT. Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Vice sa engagement ng kanyang malapit na kaibigan na si Toni Gonzaga sa direktor na si Paul Soriano.

Sabi niya, “Sobrang happy!

“Alam mo, kahapon nga, lagi akong nakakapanood ng ganito, yung mga nagpo-propose, may nagsasabing magpapakasal na, pero ito yung damang-dama ko.

“Naiyak talaga kaming magkakasama sa bahay.

“Yung mga kasama kong bakla, naiyak kaming lahat, kasi ang sincere, ang simple, walang masyadong palabukan.

"Kasi ang tagal na naming magkaibigan ni Toni, nasaksihan ko yun, yung pagsisimula, yung wala pa.

“Nasaksihan ko yung habang lumalago ang relasyon nila, kung gaano siya kasaya kay Paul.

“Kaya para akong kapatid niyang isa pa, bukod kay Alex [Gonzaga].

“Ang saya-saya ko, sobra akong masaya para sa kanya.”

May bilin ba siya kay Toni ngayong mag-aasawa na ito ngayon?

Saad ng The PEP List nominee, “Bilin? Wala, kasi siya rin lang talaga ang nakakaalam nun kung paano niya tamang aalagaan yung mapapangasawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mabait saka mabuting tao si Direk Paul. Deserve nila ang isa’t isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN