Character actress Lilia Cuntapay assaulted by a man with mental disability

(Main photo) Still photo ng character actress na si Lilia Cuntapay sa mockumentary film na Six Degrees of Separation From Lilia Cuntapay. (Inset) Ang kalunos-lunos na sinapit ng queen of Philippine horror na si Lilia Cuntapay matapos siyang suntukin ng isang lalaki na may mental disability sa South Cotabato.


Nagpapagaling ngayon sa isang sa ospital ang batikang character actress na si Lilia Cuntapay, binansagang “queen of Philippine horror movies,” matapos siyang suntukin ng isang lalaking mentally-challenged, nitong nakalipas na weekend.

Ayon sa ulat ng bomboradyo.com, naimbitahan ang aktres sa foundation anniversary ng General Paulino Santos Memorial Institute sa Poblacion, Tupi, South Cotabato, noong January 30, Biyernes.

Ayon pa sa ulat, nakaupo lamang si Lilia sa may gilid ng entablado nang lumapit sa kanya ang isang lalaking nagngangalang Aljay Sacramento, 29, at sinuntok ang batikang aktres sa kaliwang pisngi nito.

Nahilo umano ang aktres dahil umano sa lakas ng suntok sa kanya.

Agad naman daw humingi ng dispensa ang mga magulang ng suspek kay Lilia dahil sa ginawa nito.

Nagmarka sa local showbiz si Lilia Cuntapay dahil sa kanyang mga pagganap ng mga nakakatakot na papel, lalo na sa mga pelikula, kaya siya tinaguriang "queen of Philippine horror movies."

Nanalo si Lilia ng Best Actress award para sa mockumentary na Six Degrees of Separation From Lilia Cuntapay noong 2012 sa CinemaOne Originals.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN