Dingdong Dantes focuses on family and work; dismisses talks about entering politics

Dingdong Dantes on entering politics: "Kung tatanungin mo sa specific plan, yung parang may plano ako na ito ay A-B-C, wala akong ganun. Pero kapag malalaking bagay na paparating sa buhay ng isang tao, kagaya siguro ng pagpapakasal o katulad ng ganyan, these are life-changing things, you really have to pray for them. Kung matibay talaga ang pananampalataya mo, you will really find the answer. And at this point, klaro naman. Malinaw naman na ang answered prayer ko is to have a fami


Pagkatapos ng kanilang kasal at honeymoon ay balik-trabaho na ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa kaso ni Dingdong, dapat ay ang sixth edition ng reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck ang unang proyekto niya ngayong 2015, pero na-move daw ito sa April.

At nabalitaan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakipag-meeting na ang Kapuso Primetime King sa pamunuan ng GMA para sa susunod niyang teleserye.

Kuwento ni Dingdong, “Yes, pero bago ang StarStruck, pinaghahandaan na rin yung gagawin kong teleserye na kinakailangan din, ASAP.

“When you say ASAP, it’s like very, very soon. So, exciting.

“Exciting siya kasi ang ganda.

“Well, lahat naman maganda. Pero it’s something na I wanted to do, magmula nun.

“I’m happy that the universe conspired, ginawa ng tadhana na nararapat ito sa panahon na ito.

“Kaya maganda ang naging resulta, ‘eto siya, abangan ninyo.”

Ang misis naman niyang si Marian ay magsisimula na rin ng panibagong teleserye kaya malaki ang posibilidad na magkasabay silang may umeereng primetime series sa GMA.

Hindi ba nila naisip na magsama sila muli sa isang proyekto?

Sabi ni Dingdong, “Hindi naman, hindi naman conscious effort…

“Alam mo, the moment na we signed sa GMA, the moment na pumirma kami at dine-dedicate namin ang talento at buhay namin sa kanila, alam naman namin na pinagkakatiwalaan namin sila, in terms of what to do with our careers.

“We just make them take charge, kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa amin, kaya solid ang tiwala namin.”

MORE RESPONSIBLE. Kilala si Dingdong na responsible sa anumang trabaho o ginagawa niya.

Pero ngayong may sarili na siyang pamilya, posible bang mas doble pa ang maging pagpupursige niya?

Tugon niya, “Of course, all the more na magpupursige ako dahil, siyempre, iba na rin ang kuwento ngayon, iba na ang istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang ako, sarili ko ang kailangan kong isipin, kung hindi yung magiging pamilya.”

Pagkabalik nila mula sa kanilang honeymoon sa Europe, ang una raw ginawa ni Dingdong ay pumasok agad sa kanyang opisina sa National Youth Commission (NYC).

Si Dingdong ang commissioner-at-large ng NYC.

“Yun ang una kong ginawa pagdating ko, the next day, nag-report na ko.

“And with NYC, nakalatag na rin ang plano the whole year.”

Nakaplano na ba lahat ng babalikan niya bago pa man siya nagpakasal?

“Well, with NYC, yes.

“We do planning as early as November pa lang. So, implementation na lang.

“Pero siyempre, yung work ko rito sa GMA, it’s more on artistic side.”

Paano niya magagawang i-handle ang kanyang oras sa lahat ng mga aktibidades niya?

“Kung sabihin nga, iba na kapag pamilyado na ang tao dahil kailangan ng umakyat ang asawa o magiging mga anak nila sa mga pangunahing prayoridad niya.

“Kaya nga ano, I will always go back to the blessing of the sacrament.

“Kasi, kasama sa blessing na yun yung strength na ibibigay sa ‘yo para magawa mo ang mga bagay na ‘to.

“Kung kunwari, sa tingin ko, nakakapagod ang mga ginagawa ko in the past, here I am, I survived it, and okey naman, happy naman ako noong ginagawa ko siya, hindi naman ako nagrereklamo at nagsasabing it’s too much.

“And then, here is another thing and, para sa akin, it’s the most important because it’s family.

“Sabi nga ni Santo Papa, family first.

“That’s why during that sacrament, kasama na rin dun ang blessing na ibibigay sa ‘yo para palakasin ka.

“Na ma-handle mo ang mga bagay na ‘to,” saad ng The PEP List nominee.


JOINING POLITICS. Bagamat sinagot na niya noon ang tungkol sa napapabalitang papasok siya sa pulitika, ngayong nag-asawa na siya ay tila mas lumakas ang usap-usapan kaugnay rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagsasabing tatakbo raw siya bilang senator sa 2016.

Ano nga ba ang totoo tungkol dito?

Pahayag ni Dingdong, “Dahil naitatanong, kung tatanungin mo sa specific plan, yung parang may plano ako na ito ay A-B-C, wala akong ganun.

“Pero kapag malalaking bagay na paparating sa buhay ng isang tao, kagaya siguro ng pagpapakasal o katulad ng ganyan, these are life-changing things, you really have to pray for them.

“Kung matibay talaga ang pananampalataya mo, you will really find the answer.

“And at this point, klaro naman. Malinaw naman na ang answered prayer ko is to have a family.

“So, that’s really my priority right now.

“Aside from the fact na marami akong ginagawa, marami pang kailangan gawin—like sa NYC, sa Yes Pinoy Foundation, at sa GMA—siguro nararapat lang din na hindi ko muna ma-entertain.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN