Alex Gonzaga on sister Toni’s engagement to Paul: "Hindi naman ako sobrang nag-walkout."

Alex Gonzaga on Toni Gonzaga and Paul Soriano’s engaged status, “Dapat ba akong malungkot? Bumigat yung damdamin ko. ’Tapos tinext ko ate ko, ‘Ate, sad ako... Because of you,’" says Alex, who admittedly feels going through separation anxiety now that Toni’s about to get married.


Inamin ni Alex Gonzaga na nakaramdam siya ng lungkot ngayong opisyal nang engaged ang kapatid niyang si Toni Gonzaga kay Paul Soriano.

“Dapat ba akong malungkot? Bumigat yung damdamin ko.

“'Tapos tinext ko ate ko, ‘Ate, sad ako.’

"Sabi niya, ‘Why?’

"‘Because of you.’

"Sabi niya, ‘OA.’

"Sabi ko, ‘Mag-cry ka na rin,’” lahad ni Alex sa ulat ng Bandila noong Lunes ng gabi, February 2.

Nag-propose si Paul kay Toni sa bahay ng mga Gonzaga noong madaling-araw ng January 21, ilang oras pagkatapos ng 31stbirthday ng Kapamilya TV host-actress.

Matutulog pa lang noon sina Toni at Alex nang biglang pumanhik ng second floor si Paul, kasama ang mga magulang ng magkapatid na Gonzaga.

Sa kanyang panayam sa The Buzz noong February 1, ibinahagi ni Toni na iyon ang unang pagkakataong nakaakyat ng second floor ng kanilang bahay si Paul, dahil mahigpit itong pinagbabawal ng kanyang mga magulang.

Nabanggit din niya na ilang beses nag-walkout si Alex, dahil tila hindi pa handa ang huli na mawalay sa nakatatandang kapatid.

Read: Toni Gonzaga and Paul Soriano are engaged

Ngunit nilinaw ni Alex na wala siyang intensiyong mag-walkout noong gabing nag-propose si Paul kay Toni.

Kuwento pa ng The PEP List nominee, “Hindi naman ako sobrang nag-walkout.

“Nung naramdaman ko na, ang gusto ko talaga i-capture yung moment.

“E, nakalimutan ko yung cell phone kasi tinawag lang kami ni Direk Paul 'tapos bigla na siya nagsasasalita ng ganun.

“Takbo ako nang takbo, pinipigilan niya ako.”

Ganunpaman, ngayon pa lang ay naniniguro na si Alex na madalas siyang bibisita kay Toni kahit na may asawa na ito.

Bukas din si Alex sa pagsasabi na kinokontrata na niya si Paul na bigyan siya ng sariling kuwarto sa magiging tirahan ng soon-to-be-married couple.

Lahad ni Alex tungkol sa pakikipag-usap niya kay Paul: “’Direk Paul, anong kuwarto ko dito sa condo mo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi bumili sila ng condo. Baka dun sila tumira.

“Sabi ko, ‘Saan ako dito?’ 'Tapos binigyan niya [Direk Paul] ako, may pullover.

“Sabi niya, ‘Dito ka, o, mattress.’

"Sabi ko, ‘Ayoko diyan!’”

Pagkatapos ng pitong taon bilang magkasintahan, nakatakdang magpakasal sina Toni at Direk Paul ngayong taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN