Ogie Alcasid says PNoy should have been present at Fallen 44 heroes’ welcome, but stands by the President

“Nakakagalit, totoo. Nakakainis, totoo. Nakakasama ng loob, totoo. [Pero] padadala ba tayo don?” Ogie Alcasid stated when asked about the absence of President Benigno "Noynoy" Aquino III at the heroes’ welcome for the 44 Special Action Force members who were killed in Mamasapano, Maguindanao.


“It would've been a world of a difference if he came and attended.”

Ito ang pagsang-ayon ni Ogie Alcasid hinggil sa sentimiyento ng maraming Pilipino na dapat sana ay dumalo si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa heroes' welcome para sa nasawing 44 Special Action Force (SAF) members o kilala ngayon bilang Fallen 44, sa Villamor Airbase noong January 29.

Namatay ang nasabing 44 SAF members nang makasagupa ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong January 25, Linggo, sa Mamasapano, Maguindanao.

Hindi nakadalo sa arrival honors si Pangulong Noynoy at sa halip ay itinuloy ang naka-schedule na pagpunta sa inauguration ng isang planta ng kotse sa Laguna, dahilan upang batikusin siya ng maraming Pilipino sa pamamagitan ng social media.

Sa pamamagitan din ng social media, maraming artista ang nakiisa sa pagdadalamhati ng bansa.

May ilang artista rin ang naging matapang na ipahayag ang hindi nila pagsang-ayon sa pagliban ni PNoy sa heroes' welcome para sa Fallen 44, katulad ni Judy Ann Santos.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Ogie sa general assembly ng OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit), sa Teatrino Greenhills, San Juan City, Miyerkules ng hapon, February 4.

Kilala si Ogie bilang isa sa pinakamasugid na tagasuporta ni PNoy mula nang nangangampanya pa lamang ito hanggang ngayong nanungungkulan na ito bilang Pangulo ng Pilipinas.

Kaya naman naitanong sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa malaking isyu na kinahaharap ngayon ni PNoy.

Saad ng singer-songwriter, “Words don't have to be said. His presence alone [would have been enough].

“But I have to say, the day after, he made up for it. He talked to all the victims' [families].

“'Tsaka ngayon, tinatanggap niya lahat.

"Nabalitaan ko, hindi raw siya pinansin ng mga sundalo. Reaksiyon nila iyon."

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang pagsasawalang-kibo ng Philippine National Police-Special Action Force troops nang tanungin sila ni PNoy noong nakaraang linggo kung mayroon silang nais sabihin sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay naman ng iminumungkahi ng ibang nasa posisyon na sampahan ng impeachment complaint ang Pangulo, pahayag ni Ogie, “Kailangan ba natin siya pababain? Mahirap gawin 'yon.

“But since kaibigan ko siya, and since isa kami dun sa mga sumuporta sa kanya sa simula, bibitiw ba ako don?

"Hindi naman, but I'm one to say this is a very difficult time for him.

“He is being judged by many people.

"I will just pray for him. Kas iyon lang naman ang makakapagpalakas sa kanya.

"Mabigyan siya ng wisdom kung paano niya ipe-face ang dilemma na 'to."


PRAYERS FOR PNOY. Kinumpirma rin ni Ogie na nakipag-ugnayan siya kay PNoy upang ipaalam na ipinagdarasal nila ang lider sa isyung kinakaharap nito ngayon.

“Nung tinext ko siya, medyo ang tindi na nung galit ng tao talaga, which I understand kung saan nanggagaling ang galit ng tao.

“I guess this is how we're tested in our emotional maturity.

"How do we face up to times like this? Paiiralin ba natin yung galit?

"Okay lang magalit. Maganda magalit. Tao tayo, e.

“Pero kung magagalit nang magagalit nang magagalit, makakamtan ba natin yung hustisya na gusto natin?

"So, siguro palamig tayo lahat ng ulo muna."

Sa tanong kung disappointed ba siya sa hindi pagdating ng Pangulo sa heroes' welcome para sa Fallen 44, tugon ni Ogie, “He should have been there.

“Nakakagalit, totoo. Nakakainis, totoo. Nakakasama ng loob, totoo, [Pero] padadala ba tayo don?

“Kailangan may sobriety tayo nang konti, malinis tayo, medyo klaro tayo mag-isip.

“Sa ganang akin, parang I guess 'andun ako sa posisyon na tapusin na lang natin ito, kasi mahirap ang pinagdadaanan ng bayan, hindi lang niya [PNoy].

“And he's a leader, he's our President. Hindi naman siya kung sino lang.

“So, napakahalaga ng gagawin niya sa susunod na mga pagkakataon kung ano man ang pagdedesisyunan niya na napakahalaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtatanggol pa ni Ogie sa Pangulo, “Nakita naman natin yung sinseridad niya na pumunta dun after and makipag-usap sa kanila, pero marami pang kailangang gawin.

“Tulungan kaya natin siya? 'Di kaya maganda 'yon, tulungan natin?” mungkahi ng singer-comedian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN