Grace Lee mourns death of Fallen 44; cries for justice

Grace Lee on Leah Navarro: "If I do meet her in person, I’ll probably go up to her and talk to her. It [Instagram post] wasn’t naman a personal attack on her character, on her as a person. It was just, you know, a difference in our opinions. And I hope she sees my opinion as well."


Isa ang TV personality na si Grace Lee sa nagpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa hindi pagdalo ni Pangulong Noynoy Aquino sa ginawang heroes’ welcome para sa 44 miyembro ng Philippine National Police (PNP)-Special Action Force (SAF) noong January 29.

Ang tinaguriang #Fallen44 ay nasawi matapos makipagsagupa sa ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Matatandaang isa si Grace sa nag-react sa Twitter post ng singer na si Leah Navarro, na ipinagtanggol si PNoy sa hindi nito pagdalo sa heroes’ welcome para sa #Fallen44.

Read: Singer Leah Navarro criticized by netizens for defending PNoy over his absence in arrival honors for slain SAF members

Marami ang nagulat sa pagtuligsa ni Grace kay Leah at sa naging aksiyon ni PNoy dahil minsan ay nagkaroon ng ugnayan ang TV host sa Pangulo.

Dating girlfriend ni PNoy si Grace.

Ngayong Huwebes ng tanghali, February 5, ay nagkaroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataong makapanayam si Grace.

Dito ay muli siyang nagbigay ng pahayag tungkol sa malagim na pagkamatay ng 44 PNP-SAF members.

Isa raw siya sa nagdadalamhati para sa mga nasawing alagad ng batas.

Saad ni Grace, “In fact, sa TV, black ang isinusuot ko,

“I’ve been wearing black for a week since it happened dahil ayokong makalimutan sila.

“The service they gave the country, the sacrifices they did for the country should not be forgotten, and justice should be served.

“And delayed justice is like no justice at all.”

Marami naman ang pumupuri sa pagpapahayag ng damdamin ni Grace para sa #Fallen44, kahit wala naman talagang dugong Pinoy ang Korean TV personality.

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

“Thank you, thank you!” sambit ni Grace.

“Hindi naman kasi ito massacre at armado naman ang mga pulis natin.

“But, I feel the same way when the first Maguindanao happened and this happened.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The feeling and sentiment are the same.

“Whether you call it a massacre or not, I think the sentiments of the people are the same.”

LEAH NAVARRO. Inalam din ng PEP kay Grace kung nakapag-usap na ba sila ni Leah Navarro matapos ang pagpapahayag nila ng magkasalungat na opinyon.

Nakangiting saad ng TV host, “Hindi ko pa siya na-meet in person.

“But, if I do meet her in person, I’ll probably go up to her and talk to her.

“It [Instagram post] wasn’t naman a personal attack on her character, on her as a person.

“It was just, you know, a difference in our opinions.

“And I hope she sees my opinion as well.”

SINEASIA. Nakausap ng PEP at ilang pang miyembro ng media si Grace sa contract signing para sa SineAsia, sa Shangri-La Restaurant, Quezon Avenue, Quezon City, kaninang tanghali.

Ang SineAsia ay nagtatampok ng mga nangunguna at pinakabagong pelikula mula sa Asya na eksklusibong ipalalabas sa SM Cinemas at Waltermart Cinemas.

Ang kontrata ay nilagdaan nina Edgar C. Tejerero, president ng SM Lifestyle Entertainment Inc., at Vic del Rosario, chairman of the board at CEO ng Viva Communications.

Si Grace naman ang nagsilbing host sa nasabing event.

Ang SineAsia ay ang pinakaunang sinehan na magpapalabas ng mga pelikulang Asyano na nakasalin sa wikang Filipino.

Pahayag ni Grace tungkol dito, “Very recently, I came across this book that has a lot of Filipino influence in the '30s, '40s and the '50s.

“Dahil malaking impluwensiya nga ang Pilipinas sa Korea noong panahong yun.

“Siyempre, ang Pilipinas ay tumutulong sa Korea noon, kasi mahirap lang siya noon.

“Now, I don’t see why it wouldn’t continue now that we’re in the 20th century.

“Lalung-lalo na’t grabe ang pagmamahal ng mga Pinoy to anything Korea, like Korean food, Korean telenovela, and Korea itself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, in the movies, I hope magkaroon ng opportunities to be able to do a movie together.

“Sana makakita ako ng Filipino actors really making a name for themselves in Korea and doing a good tandem or partnership.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN