Lovi Poe careful about giving opinion because of her family name

Lovi Poe on still being close to ex-boyfriend Ronald Singson: “I think, isa na yun na hindi mawawala, yung pagiging malapit namin sa isa’t isa.”


Bagamat nagpahayag din ng kanyang damdamin si Lovi Poe tungkol sa Mamasapano clash sa social media, maingat pa rin ang Kapuso actress sa paglalabas ng opinyon niya.

Saad niya, “Nag-post ako, siyempre nakikiramay ako.

“Actually, napanood ko yung iba, I cried actually…

“It saddens me kung ano ang nangyayari sa bansa.

“Sometimes, kung puwede lang sabihin sa lahat ng tao na violence is not the key to, you know…

“Pero wala, e. Parang it’s sad na it’s happening.”

Ayon kay Lovi, dahil sa pagiging Poe niya ay maingat siya sa kanyang mga binibitawang salita sa social media, partikular na sa isyung ito.

Si Lovi ay anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. at half-sister ni Senator Grace Poe.

Natawang sabi ng aktres, “That makes me don’t want to speak anymore!”

Sa mga nangyayari ngayon sa bansa, hindi ba sumasagi sa isipan ni Lovi kung paano kaya kung buhay pa ang kanyang ama at ito ang Presidente ng bansa?

Matatandaang ilang buwan bago namatay si FPJ ay tumakbo ito bilang Pangulo noong 2004 elections, ngunit natalo ng nakatunggali niyang si Gloria Macapagal-Arroyo dahil diumano sa malawakang pandaraya.

Sabi ni Lovi, “I really don’t know, e.

“Parang kasi… parang mahirap namang magsalita.

“I don’t wanna judge anybody. They always have their own side of the story.”

Sa parte niya, hindi ba niya naiisip na sumabak din sa pulitika?

Sagot ni Lovi, “Ay, hindi ko naiisip!

“Hindi ko naman kinu-close ang possibility, pero hindi ko pa nakikita ang sarili ko.”

Kaugnay pa rin ng pagkasawi ng 44 members ng Special Action Force (SAF), isa rito ay malayong kamag-anak ng boyfriend ni Lovi na si Rocco Nacino—si PO2 Nicky de Castro Nacino Jr.

Reaksiyon dito ng aktres, “Yeah, I heard nga. Parang sa father side niya yata yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s so sad naman, kalungkot.

“Yun nga, sabi ko sa pinost ko, we wake up to enjoy our freedom while they wake up to fight for our freedom.

“I guess, sana lahat na lang tayo will just pray for all of them, especially for their families na mga naiwan nilang mahal sa buhay.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi noong Martes, February 3, sa presscon na inihanda para sa kanya ng GMA Network kaugnay ng pagbibidahan niyang episode ng Magpakailanman.

Ang episode na ito, kung saan gaganap siya bilang isang female firefighter, ay ipalalabas ngayong Sabado, February 7.

LOVI’S BIRTHDAY. Sa February 11 naman ay ipagdiriwang ni Lovi ang kanyang 26th birthday.

Ano ang birthday wish niya?

Sagot ni Lovi, “Ang wish ko, more good projects and continue to be happy.”

Kailan nagsimula ang pagiging masaya niya?

“I think, to get yourself best, you have to go through your worst talaga.

“So, siguro now, parang ang dami kong pinagdaanan quite some time, ilang years din.

“Now, parang mas peaceful.”

Nanggaling na siya sa worst, yun ba yun?

“I’ve gone through tough times, pero I hope that’s it. I don’t want anything worse!” natawa niyang sabi.

Masasabi naman daw ni Lovi na okey na siya ngayon sa ex-boyfriends niya, katulad ni Ronald Singson na kailan lang ay nakita pa silang nagkasabay um-attend sa isang birthday party.

Saad ng aktres, “Okey kami.

“I think, isa na yun na hindi mawawala, yung pagiging malapit namin sa isa’t isa.”

Sila ni Jolo Revilla, okey rin?

“Oo, pero hindi na kami nagkikita.”

Sa kaso raw kasi nila ni Ronald ay mayroon silang common friends.

“Pareho kami ng barkada. His friends are my friends too. We have the same group.”

Sila ni Jake Cuenca, okey rin sila?

“Yeah, okey rin kami, wala namang problema,” sabi ni Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw nagiging isyu sa kanila ni Rocco kung kaibigan pa rin niya ang ilang ex-boyfriends niya, ‘tulad nga ni Ronald.

“Yeah, it’s okay with him,” sambit ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN