John “Sweet” Lapus enjoys being a freelancer

“Parang ang feeling ko, ako ay isang adopted daughter of TV5. Kahit hindi ako homegrown, ang TV5 ang nagbibigay sa akin ng magagandang break,” says John “Sweet” Lapus about constantly getting good offers from Kapatid network.


“I just make the most out of it.”

Ito ang pahayag ni John “Sweet” Lapus tungkol sa kanyang pagiging freelance artist ngayon.

Bagamat nananatiling talent ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, nagagawa pa rin ng kilalang comedian ang makapagtrabaho sa ibang networks.

Katulad ngayon, kabilang siya sa comedy series ng TV5 na Mac and Chiz starring Derek Ramsay and Empoy.

Taong 2007 pa raw nang huli siyang magkaroon ng exclusive contract sa GMA Network.

Aminado si Sweet na noong una ay nalungkot siya nang mawalan ng network contract.

Sabi niya, “After nun, show contract naman, so nakakapag-guest ako.

“Honestly, noong araw, gustung-gusto kong magkaroon ng isang exclusive contract sa isang network kasi it means a sure job, 'di ba?”

Pero agad daw na-realize ni John, “If I make the most out of it, mas maganda pala, kasi I get to work with other artists and other directors from different networks.

“Ngayon, naloloka-loka yung mga tao sa akin kasi I still do guestings in GMA, may Mac and Chiz ako, regular guest din ako sa Tropa Mo Ko Unli, and nagso-soap pa rin naman ako sa ABS-CBN through sa boss ko na si Deo Endrinal.

“Ito, nagpaalam naman ako sa kanya dahil wala naman akong soap ngayon.”


ADOPTED KAPATID. Malaki ang pasasalamat ni Sweet dahil dumating ang offer ng TV5 para sa Mac and Chiz bago pumasok ang 2015.

“Buti na lang hindi ako natengga. Hindi ako puwedeng natetengga dahil nagbabayad ako ng bahay,” biro ni Sweet.

“Sabi ko, magba-Bagong Taon, kailangan ko ng regular show.

"Tamang-tama naman pumasok ang Mac and Chiz, answered prayer talaga."

Ayon pa kay Sweet, may “soft spot” ang TV5 sa puso niya.

“That's why I'm thankful with TV5.

“For the past 21 years in showbiz, na-realize ko na ang TV5 ay may soft spot sa aking puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ang feeling ko, ako ay isang adopted daughter of TV5.

“Kahit hindi ako homegrown, ang TV5 ang nagbibigay sa akin ng magagandang break.

“Ibinibigay nila sa aking show comes in a perfect timing.”

Bukod sa Mac and Chiz at Tropa Mo Ko Unli, naging bahagi rin si Sweet ng mga naging kilalang programa ng TV5—Sing Galing, Blind Item, at Talentadong Pinoy.


NO PRESSURE. Natutuwa rin si Sweet dahil mas magaan ang trabaho kapag nasa TV5.

Hindi raw 'tulad sa iba na minsan ay may pressure dahil sa paghahabol ng mataas na rating, sa TV5 daw, ang mas priority ay makagawa ng magandang programa.

“Ang maganda kasi rito sa TV5, kung mapapansin niyo, ang mga artist at staff ay relaxed at hindi pressured.

“Sinabi nga ni Ma'am Wilma [Galvante, TV5 entertainment head] sa presscon noon, ang gusto ng TV5 ay magbigay ng kakaiba, maganda, at quality show sa televiewers.

"Kung tumaas man ang rating, consolation na lang 'yon,” sabi niya.

Ayon kay Sweet, ang weekly sitcom nina Derek at Empoy na Mac and Chiz ang highest-rating show sa mga bagong programang inilunsad ng TV5 ngayong taon.

“Nakakataba ng puso, at the same time, ang sarap katrabaho ng ganung klaseng tao,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN