Jericho Rosales excited to celebrate first Valentine’s Day with wife Kim Jones as married couple

Jericho Rosales on baby plans with wife Kim Jones: "I think, marami pa kaming dapat enjoy-in sa aming dalawa bago kami mag-focus na mag-baby. Siya muna yung baby na inaalagaan ko."


Ang darating na Valentine’s Day ang unang pagkakataong magsi-celebrate sina Jericho Rosales at Kim Jones ng naturang okasyon bilang mag-asawa.

Ikinasal ang dalawa noong May 1, 2014 sa Boracay.

Ano kaya ang plano ni Jericho sa first Valentine’s Day nila ni Kim bilang married couple?

Ayon sa Kapamilya actor, “Pinaplano pa namin, e, pero siyempre gusto namin kaming dalawa lang.

“Alam mo, lagi kong sinasabi na ang Valentine’s Day ay parang second birthday ng mga babae ‘yan, e, parang ganun.

“Kim is very sweet, so excited din ako ‘pag Valentine’s Day, kasi pinaghahandaan niya talaga yun.

“Nagbibigayan kami ng regalo, of course… dinner or lunch.

“Mas maganda ‘pag out of town.”

May nakahanda na ba siyang regalo para kay Kim?

Sabi ni Jericho sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala pa akong gift…

“Actually, dapat mga seven days na lang, kasi one week before, dapat mabili mo na.”

Kailan naman kaya sila magkaka-baby?

Sabi ng 35-year-old actor, “Wala pa. Hindi namin alam, e, kung kailan ibigay ni God.

“Kasi sabi namin nung una, mga two years after the wedding.

“Pero parang lalong nagiging busy then nae-enjoy namin yung relationship naming dalawa.

“So, I think, marami pa kaming dapat enjoy-in sa aming dalawa bago kami mag-focus na mag-baby.

“Siya muna yung baby na inaalagaan ko.”

NEW PROJECT. Pagkatapos ng matagumpay na The Legal Wife ay isa uling teleserye ang sisimulan ni Jericho sa bakuran ng ABS-CBN, ang Bridges of Love.

Balik-tambalan sila rito ng co-star niya noon sa The Legal Wife na si Maja Salvador; kasama rin si Paulo Avelino.

Masaya si Jericho dahil muli silang magkakasama ni Maja.

Biro nga ng aktor, “Mayroon nga kaming kontrata ni Maja na magkasama kami sa soap, ‘tapos sa susunod na soap uli, ‘tapos sa susunod na movie uli.

“Naglolokohan kami, masaya lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi si Maj, siyempre kalog din siya sa set, magaling talaga siya.

“I’m very happy for Maj kasi she deserves all the success na nakukuha niya ngayon, she’s very hardworking.

“Sa set, ganun pa rin ang vibe namin, from Legal Wife.”

Ano ang pagkakaiba ng Bridges of Love sa The Legal Wife?

Ayon kay Jericho, “Mas nag-concentrate siya sa relationship ng magkapatid kaysa dun sa involvement nila dun sa woman.

“Parang ganun, hindi siya ‘tulad ng Legal Wife na ‘tulad sa affair.

“Ito, more emotional.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN