Albie Casiño on talks about the real father of Andi Eigenmann’s child: "If you have a secret, you can’t keep it hidden forever."

Hindi na raw itinuloy ng kampo ni Albie Casiño ang binalak nila noong DNA test upang mapatunayan kung siya ba talaga ang ama ng anak ni Andi Eigenmann. Naniwala raw silang lalabas ang katotohanan sa bandang huli.


Maraming mga naglabasang balita ngayon sa tabloids na kaya raw hindi matuluy-tuloy ang hiwalayan nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito dahil ang huli diumano ang tunay na ama ng anak ng aktres.

Madalas ding mag-post si Jake sa kanyang Instagram ng mga larawan kasama ang anak ni Andi, kaya lalong lumakas ang usap-usapang siya nga ang ama nito.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi na natuloy ang DNA test na binalak ng kampo ni Albie CasiƱo noon, ang itinuturong ama diumano ng anak ni Andi.

Kaya naman inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at News5 si Albie tungkol dito nang makausap namin siya sa hallway ng TV5 Media Center Reliance, bago pa siya humarap sa ibang press para sa pocket interview ng Wattpad Presents: A House Full of Hunks, Huwebes ng gabi, February 5.

Ano ang masasabi niya sa mga ulat na si Jake diumano ang tunay na ama ng anak ni Andi?

Tugon ni Albie, "Well, you know, everything will come... like, you can't hide everything naman, 'di ba?

"If you have a secret, you can't keep it hidden forever.

"The truth will always come out, 'di ba?

"So, who knows what happened?"

Hindi na talaga sila nagpa-DNA test?

Aniya, "A, masyado na kasing time-consuming, e... parang, I'd rather not go through the hassle."

Does he feel vindicated, in any way, na may nagsasabing hindi siya ang ama?

Seryosong tugon nito, "No, not really.

"Because it's all... like, it was just all speculations, 'di ba?

"So, how can I feel vindicated with speculations, 'di ba?

"So, maybe, if what's going around is true, and then everyone will hear that, and if that's the truth, then I'll be vindicated."


LUKSO NG DUGO. Naramdaman ba niya kahit kailan na baka siya nga ang ama ng anak ni Andi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Albie, "There's a lot of emotions, I don't wanna, like... I don't wanna touch on what exact emotions."

Nakita na ba niya nang personal ang sinasabing anak niya?

"In person, no," tugon ng young actor.

Pero nakikita naman daw niya sa magazines at Internet ang mga larawan nito.

Nakaramdam ba siya ng lukso ng dugo?

"A... no comment," iwas ni Albie.

Ano naman ang masasabi niya na kahit sila pa ni Andi noon ay bukambibig na raw ng ina nitong si Jaclyn Jose na si Jake ang gusto niya para sa anak?

Sabi ng 21-year-old actor, "It's not my business to comment on that."


HAPPY ENERGY. Madalas na nakangiti ngayon si Albie. Nakakalabas na rin daw siya sa mga gimik at party.

Minsan ay nagkakasalubong pa ang landas nila ni Andi, pero hanggang 'hi' and 'hello' na lang daw talaga sila.

Paliwanag ni Albie sa kanyang disposiyon ngayon, "Yeah, because, you know, anger and hate, that's something only you can have.

"It's not a concrete thing, it's abstract.

"You can't measure hate, you can't measure anger. It all comes from you.

"And if you have hate and if you have anger, you gonna bring out some negative energy, a vibe.

"And it's like putting your life down, you know.

"'Di ba, sabi niyo nga, I always look happy, kasi I like to project a happy energy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN