Grace Lee refuses to comment on PNoy’s handling of the Mamasapano clash

Grace Lee on Leah Navarro’s loyalty to President Noynoy Aquino: “Marami naman talagang nagmamahal kay PNoy at nagtitiwala sa kanya na isa siyang mabuting Presidente. I have no problem naman na she’s a loyalist.”


Maingat ang TV host na si Grace Lee sa mga pahayag niya kaugnay sa isyu nila ng singer na si Leah Navarro, lalo na pagdating kay President Noynoy Aquino.

Matatandaang nagkaroon sila ng palitan ng opinyon ni Leah dahil sa pagkampi ng singer kay PNoy sa hindi nito pagdalo sa arrival honors para sa 44 members ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa pakikipagsagupa ng mga ito sa ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Read: Singer Leah Navarro criticized by netizens for defending PNoy over his absence in arrival honors for slain SAF members

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Grace kahapon ng umaga, February 5, sa press launch ng Sine Asia ng SM Lifestyle Entertainment, Inc. at Viva Entertainment, Inc., na ginanap sa Shangrila restaurant, West Avenue, Quezon City.

Sabi ni Grace, hindi naman isyu sa kanya kung naging loyalista ni Leah si PNoy.

“Marami naman talagang nagmamahal kay PNoy at nagtitiwala sa kanya na isa siyang mabuting Presidente.

“I have no problem naman na she’s a loyalist.”

Sinundan namin ng tanong ang Koreanang TV host kung ano ang masasabi niya sa pag-handle ni PNoy sa Mamasapano clash.

Napaatras siya nang konti at alanganing sagutin ang naturang tanong.

Sabi ni Grace, “I don’t think I’m qualified to say.

“Ano naman ang karapatan ko para sabihin sa kanya kung ano ang opinyon ko, e, isa lang akong ordinary citizen.”

Tingin naman daw niya, hindi kailangang bigyan pa ng halaga ang kung anuman ang sasabihin niya kahit sinasabing dati siyang kasintahan ni PNoy.

Saad ni Grace, “I don’t think my feelings are special just because of the past.

“I think, my sentiments and the sentiments of any ordinary Filipino is the same.

“Why would my sentiments be more special because of what happened?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t I deserve that kind of credit.”

Masaya namang ipinahayag ni Grace na nag-apply pala siya ni Filipino citizenship, malapit na raw niya itong makuha.

“Hindi na ako pusong Pinoy lang. Full Pinoy na talaga,” nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN