Kyla bids goodbye to Sunday All Stars; moves to ABS-CBN

Kyla on leaving GMA: “I’m still friends with everybody. Nagkaroon ako ng closure, I said my goodbyes and they’re all very happy for me.”


Hindi na mapapanood ang singer na si Kyla sa Sunday musical-variety show ng GMA Network, ang Sunday All Stars, simula ngayong Linggo, February 8.

Sa panayam ng Philstar.com sa singer kamakailan, sinabi niyang ang performance niya noong Linggo, February 1, sa Sunday All Stars, ang huling pagpe-perform niya sa programa.

Dagdag ni Kyla, “I’ll be moving on to something new.”

Nabanggit din ni Kyla na ang kanyang showbiz career ay pamamahalaan na ng Cornerstone Talent Management, na humahawak din sa career nina Jericho Rosales, Sam Milby, Erik Santos, Yeng Constantino, at Angeline Quinto.

Kaugnay nito, sinabi ni Kyla, “I’ll be performing in ASAP very, very soon.”

Ang ASAP ay ang Sunday musical-variety show ng ABS-CBN, na kakumpitensiya ng Sunday All Stars.

“Hindi ko pa po alam exactly kung ano ang mga gagawin ko doon. But I know for sure I’ll be with ASAP,” sabi ni Kyla.

Ayon sa nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa Cornerstone, wala pang napipirmahang kontrata si Kyla sa ABS-CBN.

Pero dahil mas kilala ang nasabing talent management sa Kapamilya network, hindi malabong mapanood din siya sa weekly show.

Samantala, nilinaw naman ni Kyla na maayos siyang nagpaalam sa GMA.

“I feel really great about my decision.

"I mean, I didn’t burn any bridge naman.

“I’m still friends with everybody.

"Nagkaroon ako ng closure, I said my goodbyes and they're all very happy for me,” aniya.

Sinundan ni Kyla ang iba pang Kapuso stars na lumipat sa ABS-CBN—sina Isabelle Daza, Jolina Magdangal, at Jay-R.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN