Ai-Ai delas Alas confronts "badminton fan" of non-showbiz boyfriend Gerald Sibayan

Ai-Ai delas Alas on Facebook exchange with her boyfriend’s admirer: "O, yun pala, ’di ka naman pala interesado sa kanya, e. Kahit interesado ka hindi na pwede kasi taken na siya. Pangalawa, ’wag ka na magu-goodnight. Hindi ka naman pala interesado ba’t ka nagme-message?"


Inamin ni Ai-Ai delas Alas na hindi maiwasang magkaroon siya ng “trust issues” sa pakikipagrelasyon, dahil sa masalimuot na pinagdaanan niya noon sa kanyang lovelife.

Ganunpaman, masayang ibinahagi ni Ai-Ai na going strong sila ng kanyang 21-year-old non-showbiz boyfriend na si Gerald Sibayan.

“Siguro sa akin, medyo malabo na sa akin yung temptation kasi sa edad ko.

“Siya, depende kasi din, e. Minsan may mga lalaki talagang malikot.

“Siguro nagkataon lang din—thank you ulit, Lord—na 'etong ngayon ko, matino,” saad ng 50-year-old comedienne.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa presscon para sa kanyang Ai Heart Papa concert na ginanap sa Teddy's Burger, Shangri-La Mall, noong February 3.


FACEBOOK EXCHANGE WITH BOYFRIEND'S ADMIRER. Ayon pa kay Ai-Ai, malaking bagay sa kanya na kahit sa mga simpleng sitwasyon ay nasusubukan niya ang pagiging faithful ni Gerald.

“Oo, kagabi lang, na-test ko na siya.

"Kasi parang may nag-goodnight... sa [Facebook] messenger may nag-good night.

“Sabi ko, 'Sino yung nag-goodnight?'

"Sabi niya, 'Ewan ko, hindi ko kilala.'

“Minessage ko [yung girl]. 'Bakit ka naggu-goodnight? Kilala mo ba ako?'

“Ang sagot, 'Hindi po, kaya lang po hinahangaan ko kayo sa badminton. At saka, hindi po ako interesado.'

“Sabi ko, 'O, hindi ka pala interesado, bakit ka naggu-goodnight? Girlfriend niya 'to.'

“Sabi niya, 'Ay, sorry po.' Naloka ako sa kanya!” natatawang kuwento ni Ai-Ai.

Pagkatapos ay tinawanan lang umano ni Gerald ang pakikipagpalitan ng mensahe ni Ai-Ai sa 'di kilalang badminton fan.

Lahad pa ni Ai-Ai, “Tawa nang tawa kasi, 'di ba, tama siya? Hindi naman talaga niya kakilala, e.

“Sabi sa akin, 'Martina, iba ka!'

"Sabi ko, 'Talaga! Ipaglalaban ko ang aking pag-ibig.'”

Sa pakiwari ni Ai-Ai, halatang nagpapalusot na lang ang naturang “badminton fan” nang sabihin nitong hindi ito interesado kay Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabi na lang niya yun kasi tinalakan ko siya.

"Pero kung ipinagpatuloy niya yun, na hindi ko pinansin yun...

“'Pag ganyan, katipunera ako, ning!

"Dati kasi iiyak-iyak lang ako 'pag nambabae. Iiyak-iyak, 'Bakit naman ganun?'

"Ngayon, hindi na," saad ng Comedy Concert Queen.

Naniniwala si Ai-Ai na mas mabuting maagap pagdating sa pag-alis ng posibleng temptasyon kaysa gawan ng paraan kapag huli na ang lahat.

Babala pa niya sa mga kapwa-babae: “Oy mga babae, ha, simula pa lang, putulin niyo na para 'di maagaw sa inyo.

“Nakita mo na, alam mong may girlfriend [magme-message ka pa]. Anong tawag sa 'yo? E, di landi!”

Sa kabila nito, natuwa si Ai-Ai dahil hindi naman nag-reply si Gerald sa babaeng nag-message sa kanya.

"Hindi nga kasi niya kilala.

"Sinabi naman ng babae, 'Hindi ko po siya kilala pero fan niya po ako sa badminton.'

"'O, yun pala, 'di ka naman pala interesado sa kanya, e. Kahit interesado ka, hindi na puwede kasi taken na siya.

"'Pangalawa, 'wag ka na maggu-goodnight. Hindi ka naman pala interesado ba't ka nagme-message?" napapailing na pag-ulit ni Ai-Ai tungkol sa kakatuwang estilo ng pagpapa-cute ng ibang babae sa lalaking gusto nila.


VALENTINE PLANS. Bukod sa pagiging faithful, ibinahagi ni Ai-Ai ang iba pang qualities na nagustuhan niya kay Gerald.

“Siya yung may patience.

"'Di ba, ang age gap, kung sino yung mas matanda, yun ang mas mapagpasensiya?

"'Eto, baliktad,” nakangiting pag-amin ni Ai-Ai.

Gusto rin ni Ai-Ai ang pagiging “sweet” ng kanyang boyfriend, lalo pa't madalas nitong ipinararamdam sa kanya kung gaano siya kaespesyal.

“Every day [ipinaparamdam niyang special ako].

"Siyempre nung nililigawan niya ako, yun naman ang pinakakilig moment.

“Pero ngayon din pinapakilig niya ako. 'Good morning, Ms. Ganda!' May ganun siya.

“Nakakatuwa kasi kung ano siya nung nililigawan niya ako, ganun pa rin siya ngayon,” saad ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin ng PEP kung manonood si Gerald ng Ai Heart Papa concert sa February 12, sinabi ni Ai-Ai na sapat nang nakanood ng shows niya noon ang kanya nobyo.

Aniya, “Wala. 'Wag na natin siya isama sa limelight.”

Wala rin umanong plano ang magkasintahanng mag-date sa pampublikong lugar sa nalalapit na Valentine's day.

Pabirong pahayag pa ni Ai-Ai, “Sabi ni boyfie, 'Ok na, dito na tayo [sa bahay] para mas mura, para mas marami akong ipang-date sa 'yo.

“Magpamalengke tayo ng maraming-marami!' Pamalengke!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN