Beauty queen maker Jonas Gaffud defends Stella Marquez-Araneta over MJ Lastimosa’s national costume brouhaha
by Rose Garcia posted on

On the issue of using Filipino-designed pageant gowns, Jonas Gaffud cites Miss Russia who wore Ellie Saab creations. "Hindi naman siya Russian. May mga nagdamit at bumili ng gown sa U.S. So, hindi naman yun. Pero kung ako ang may choice, gusto ko ng Filipino designer," says the beauty queen maker.


Ipinagtanggol ng tinaguriang "beauty queen maker" na si Jonas Gaffud ang chairman ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) na si Stella Marquez-Araneta kaugnay ng isyu tungkol sa pagkatalo ni Mary Jean Lastimosa sa nakaraang Miss Universe 2014 pageant.

Si Madam Stella ang sinisisi ng maraming beauty-pageant enthusiasts sa pagkatalo ni MJ dahil diumano sa isinuot nitong national costume at evening gown sa competition.

Ang mga gown na isinuot ni MJ sa Miss Universe ay likha ng Colombian designer na si Alfredo Barraza, na kababayan ni Madam Stella.

Read: Stella Marquez-Araneta on why Binibining Pilipinas bets to international pageants do not wear gowns by Pinoy designers

Sabi ni Jonas, “Ganun talaga yun, it’s a beauty pageant.

"There are judges, and it depends on the taste of the judges whom they wanna win."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonas, na siya ring namamahala ng Mercator Artist and Model Management Inc., sa pictorial ng tatlong alaga niya na sina Ken Alfonso, Ariella Arida, at Fabio Ide sa bago nilang iniendorsong spa Huwebes ng hapon, February 5, sa Atlanta Building, Annapolis, Greenhills, San Juan City.

NOT THE MANAGER. Nilinaw ni Jonas na hindi siya ang agent o talent manager ni MJ.

Nagpunta raw siya sa Miss Universe, na ginanap sa Miami, Florida, para samahan ang talent niyang si Ariella, Miss Universe 2013 3rd runner-up, na nagkaroon ng partisipasyon sa coverage.

Ganunpaman, bilang isang Filipino, nandoon pa rin daw ang suporta ni Jonas kay MJ noong mismong pageant.

“MJ is not under my camp but, of course, I was there to cheer for her rin kahit paano.

"But it was also after five years that I went to Miss Universe as a fan, as spectator.

“I was able to see the beauty of other countries, kasi spectator lang ako, e. And I was there to assist Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero the past years din naman, even kay Ara, kay Shamcey [Supsup], kay Venus [Raj]…

"Sinasabi ko sa kanila na ang daming magandang kalaban nila, pinu-point ko rin.

“Medyo mas exaggerated lang or mas pronounced ang support natin sa pageant because of what happened.

"I was waving my flag, I had my flag,” saad niya.

Si Jonas ang nag-train sa past Miss Universe candidates ng Pilipinas na sina Venus Raj, Shamcey Supsup, Janine Tugonon, at Ariella Arida na pawang pumuwesto sa Top 5 mula 2010 hanggang 2013.

Pati na si Megan Young na siyang kauna-unahang Filipino na nanalong Miss World.


ENAMORED. Sa nakaraang Miss Universe pageant sa Florida, USA, sa umpisa pa lang daw ay napansin na ni Jonas si Miss Colombia, ang nahirang na Miss Universe 2014 na si Paulina Vega.

“Yes, I was enamored by her noong una ko pa lang siyang nakilala, iba siya.

"There’s this na parang she’s just playing, but she’s competing, ganun siya.

"She has a very great personality and a good stage presence."

Dagdag ni Jonas, “Si MJ, she did her best, makikita mo naman.

"Sinasabi nga na iba ang aura niya noong final night.

"Siyempre ako, hindi namin malalaman, kasi kami, live.

"Para sa akin, nagawa naman niyang lahat, perfect naman pati lakad niya."


PRIVATE ENTITY. Marami sa netizens ang nag-post ng mga negatibong komento laban kay Madam Stella ng BPCI pagkatapos mabigo ni MJ na makapasok sa Top 5.

Sabi ni Jonas tungkol dito, “Well, ang reaction ko diyan, ang Binibining Pilipinas is a private entity.

"It doesn’t belong to the government and it doesn’t belong to the people.

"So, I think, Mrs. Araneta has the right to choose what to wear for our delegate.

"She owns Binibining Pilipinas, it’s not something that she could resign or retire and give to another person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ganun kasi ang sinasabi nila.

"It’s a private entity, so siya ang magde-decide kung ano ang gusto niya.”


HER DECISION. Marami na siyang beauty queens na na-train at nanalo sa international pageants.

Masasabi niya bang okey sa kanya ang mga nakaraang choices ni Madam Stella, lalo na pagdating sa mga damit na ipinasusuot sa mga kandidata?

Saad ni Jonas, “Alam niyo kasi ang mga tao, dapat kasi bago magsalita…

"In my opinion, hindi rin naman ako agree sa lahat.

"But that’s her own opinion and that’s her own company.

"And si Madam naman, she asks. Nagtatanong naman ‘yan na, 'Do you think it’s okay?' Yung ganun.

"And, hindi naman kami part ng Binibini, siya ang may-ari nun.

"It’s like, ako ang may-ari ng Mercator, may talent na nagdala sa akin para gawing modelo.

"'O, huwag kang makialam kung ano ang gagawin ko sa kanya bilang modelo.'

"Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ng mga tao.

"Kasi, alam ko, ito ang okey sa kanya and I’ve proven myself kung paano mag-manage ng models."


PINOY DESIGNERS. Ano naman ang masasabi niya sa opinyon ng ilan na dapat daw ay Pinoy designers ang nagdadamit sa mga kandidata natin sa international beauty pageants?

Pahayag ni Jonas, “I don’t think so... it depends, e.

"It’s good to have Filipino designers and I believe na magagaling naman talaga sila, ‘di ba?

"At saka, kung may choice ako, sila talaga.

"Pero yun nga, again, choice nila yun.

“Even si Ms. Russia was wearing Ellie Saab, ‘di ba, hindi naman siya Russian.

"May mga nagdamit at bumili ng gown sa U.S.

"So, hindi naman yun.

"Pero kung ako ang may choice, gusto ko ng Filipino designer.

"Dahil nagagawa ko sa Miss World and, ‘di ba, nanalo si Megan Young wearing Francis Libiran?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan kasi, medyo magulo lang.

“Ang maganda lang kasi sa Binibini, si Stella provides for anything.

"From the make-up to the accessories, gowns at kahit mga panty ‘yan, siya lahat ang gumagastos.

"Binibili niya yun, walang hinihiram.

“Kaya kung may mawala, okey lang, kasi siya ang mawawalan ng gamit.

"Pero ako, kapag ako ang kumuha sa isang designer at nawala ko ‘yan, I have to pay for that.

"Yun ang nakakatakot naman kapag ang dami mong kausap, mahal ang mga designs."


LOSING IT. Ano naman ang masasabi niya na naputol ang winning streak ng Pilipinas sa Miss Universe dahil sa pagkalalaglag sa Top 5 ni MJ?

Sabi ni Jonas, “Well, hindi naman araw-araw fiesta.

"I mean, hindi ibig sabihin na palaging lagi tayo.

"Paano kung magpadala ang Miss Jamaica at ang Miss Colombia, sobrang diyosa, ano ang gagawin natin, ‘di ba?

“So sana, maging sport lang ang mga Pinoy na ganun talaga.

"And Colombia, 1958 pa ang last nila.

"Noong nasa Miami nga ako, sinasabi ko, it’s about time that the Philippines should win because our last winner was 1973.

“Then, sabi nila, like sa Colombia, 'Why, our last winner was 1958?' and sa Brazil din.

"So, parang hindi lang tayo ang tao sa mundo. Ang dami rin gustong manalo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN