James Reid stirs controversy over his IG post: "People who read the tabloids deserve to be lied to."

James Reid posts controversial quote on his Instagram account following rumors that he was spotted with a non-showbiz girl during his recent vacation in Cebu.


Usap-usapan sa social media ang pag-post ni James Reid ng Instagram quote tungkol sa mga taong mahilig magbasa ng mga balita mula sa tabloid.

Base sa Instagram post ni James, tila naniniwala ang Kapamilya young actor na puro kasinungalingan lang ang nilalaman ng mga tabloid.

February 5 nang i-post ni James ang quote mula sa American comedian na si Jerry Seinfeld:

JAMES SPOTTED WITH NON-SHOWBIZ GIRL? Ganunpaman, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tila nag-ugat ang isyu sa diumano’y pakikipag-date ni James sa isang non-showbiz girl nang magbakasyon ang Viva contract star sa Cebu dalawang linggo na ang nakararaan.

Base ito sa palitan ng mensahe ng fans ni James sa ibinahagi niyang larawan ng resort na tinuluyan niya roon.

Tila marami sa avid fans ng loveteam nina James at Nadine Lustre, na kilala bilang JaDine, ang nadismaya sa kaalamang nauugnay sa ibang babae ang matinee idol.

Ngunit may iba rin namang naniniwalan na karapatan ni James gawin ang anumang gusto nito pagdating sa kanyang personal na buhay.

Narito ang ilan sa reaksiyon nila mula sa comments thread:

Ito marahil ang dahilan kung bakit napa-post si James na huwag basta-basta maniniwala sa mga balita tungkol sa kanya.

Ganunpaman, inalmahan ng ilang miyembro ng entertainment press ang sinasabing offensive Instagram post ng hunky actor.

At press time, burado na ang Instagram post na ito ni James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN