KZ Tandingan says she is not a lesbian but reveals she has girl crushes

KZ Tandingan says about her sexuality: “I’m straight, super straight.” But the singer openly admits that she has girl crushes on Iya Villania and Nikki Gil.


Tungkol sa maigsing buhok ni KZ Tandingan ang isa sa nakaagaw ng pansin sa mga dumalo sa kanyang presscon para sa gaganaping Valentine’s show niya sa February 14 sa Crowne Plaza na pinamagatang KZ 4 U.

Pero nang usisain ang singer, nasabi ng X Factor grand winner na hindi naman daw dapat na dahil lang sa buhok ay pagsuspetsahan na siyang tomboy.

“Ako as long as I know who the real me is, as long as my family knows who I really am at yung mga taong nagma-matter sa akin, alam kung sino ako at naniniwala kung ano ako, iyon lang ang importante sa akin,” saad niya sa naturang presscon na ginanap sa Sapphire function room ng Crowne Plaza last February 4.

Sinabi pa ni KZ na madalas na may nagtatanong sa kanya kung tomboy siya dahil mahilig daw siyang manamit ng panglalaki at may pagka-astig pumorma kung minsan.

“Actually, ‘di ba, being a lesbian and being a tomboy are totally two different terms? It’s just some people don’t know kung ano talaga, kung anong ibig sabihin niyon.

“Kasi ako talaga, mahilig ako magdamit ng panlalaki dahil mas comfortable kasi. Hindi ako comfortable sa mga heels, mga gano'n… But I’m straight, super straight.”

Nang masolo naman siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nabanggit niyang nakaka-offend sa kanyang panig kung huhusgahan ng ibang tao ang kanyang sexuality base sa kanyang buhok.

“Siyempre po mao-offend ka, kasi hindi ba, dyina-judge ka ng mga tao kahit hindi ka naman talaga ganoon. Ako kasi, mahilig talaga akong magdamit ng mga panglalaki, e.

“Pero at the same time, maaawa ka rin sa kanila, kasi, wala na silang ibang mahalagang bagay na puwedeng gawin kundi manira ng ibang tao, kundi mag-judge ng iba tao.”

Ayon pa kay KZ, wala siyang nakikitang kuneksiyon sa sexuality ng isang tao sa pagiging singer niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala po dapat kuneksiyon ang seksuwalidad sa mga singer na katulad namin ni Charice. I mean, kung gaano kagaling si Charice bago siya nag-out, ganoon pa rin naman siya kagaling ngayon.

“Nagbago man ang pananamit niya, nagbago man ang buhok niya, nagbago man yung… inilabas man niya kung ano talaga iyong sexual preference niya, wala pa rin nagbago sa galing ni Charice bilang singer.”

Kung sasabihan siyang susunod kay Charice, sinabi rin ni KZ na hindi naman ito tama.

“Kapag ganoon, I get offended. Everytime na sinasabi nila na, ‘Ay, susunod kay Charice.’ I mean sobrang offensive naman yun para sa tao. Kung ano man yung sexual preference ni Ms. Charice, it has nothing to do with her parang… side as a singer.

“If sasabihin nilang susunod kay Charice, ‘Why not!?’ I mean sa na-attain ni Ms. Charice sa career niya, why not!? Hello! Just because of the hair, you judge people?” nakangiting reaction pa niya.

Nabanggit din niyang tulad din siya ng ibang babae na nagkaka-crush sa kapwa nila babae, pero dahil gusto niyang maging ganoon din sana kaganda o ka-sexy.

“Yes, I appreciate girls, kasi mahilig ako sa, ‘Ate, ang ganda mo, how do you get that look?’ You appreciate her kasi gusto mo na, ‘Sana ganyan din ako kaganda, paano ko kaya gagawin iyong ganoon kaganda?’

“Iyong ganoong klase ng appreciation at hindi iyong siguro dahil sa…,” nakatawang saad pa niya na hindi na itinuloy ang sasabihin.

Binanggit din niya ang dalawang girl crush niya from showbiz.

“Girl crush ko si Ate Iya [Villania] at si Ate Nikki, Nikki Gil. As in, sinasabi ko sa kanila iyon na, ‘Girl crush talaga kita, ate.’ Kasi kapag titignan mo sila, matalino, maganda, at super-sexy pa,” wika pa niya.

Tiniyak pa ni KZ na one hundred percent siyang sure sa kanyang pagkababae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting saad niya, “Opo, one hundred percent sure ako sa aking sexuality. Wala pong question mark doon.”

Hinggil pa rin sa concert niyang KZ 4 U, inamin ni KZ na may nararamdaman siyang pressure rito. Dahil bukod sa ito ang kauna-unahang Valentine’s concert niya, marami daw siyang artists na kasabay sa araw na ito.

“Sobrang pressured nga po ako. Noong una naisip ko po, ‘Paano kung walang pumunta? Paano kapag langawin?’

“Kasi siyempre compared to other artists, siyempre iyong ibang tao ang mas pipiliin nila, ang mas matagal na, ang mas kilala na nila. Ganon…

“Pero naisip ko na lang din na there are people who just want to have a simple dinner. They just want to listen to a couple of songs, na ayaw nila iyong sa concert na magulo, na masyadong maingay na maraming fireworks-fireworks.

“So, I’m hoping na marami pa ring pumunta.”

Sinabi rin ni KZ na inaasahan niyang magiging extra special sa kanya ang darating na February 14.

“Extra special, because this is gonna be my first ever solo show na Valentines day pa,” aniya.

Dito ba mayroong kilig factor sa audience na pagkatapos nilang panoorin yung show ay mas mai-in love sila?

“I hope, I hope sana lahat ng mga kanta ay matatamaan sila. Na pag-uwi nila sa bahay ay maalala nila na, ‘Oo nga ano, 'yan yung theme song natin. Theme song namin ng boyfriend ko dati, or heto pala yung kanta noong nagmo-move-on ako.’

“So parang ganon…”

Sinabi rin niya na hindi pa kumpleto ang line-up ng kanyang repertoire, pero babagay raw ito para sa araw ng mga puso at sa mga lover.

“Kasi, hindi ba, mas ano ako sa astig-astig songs, medyo maraming rap, medyo maraming rock-rock?

"Pero this Feb. 14, kakanta ako ng mga love songs. Siguro mas laid-back version of KZ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gaya ng sinabi ko kanina, kakantahin ko yung mga song na magta-tackle ng stages of love na, when you’re falling in love, when you get you heart-broken, when you decide to give love a second chance and when you realized that it’s time for you to move on.

“Kung ano iyong mga songs na tumutulong sa iyo to get over or whatever, kung ano iyong songs na tumutulong sa iyo na maalala kung ano ang mga dapat mong maalala,” nakangiting kuwento pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN