Nikki Gil and non-showbiz boyfriend BJ Albert are engaged!

Inilihim ni Nikki Gil ang pagkakaroon niya ng nobyo matapos ang hiwalayan nila noon ni Billy Crawford. Gusto raw kasi ni Nikki na protektahan ang non-showbiz boyfriend na si BJ Albert dahil hindi naman daw ito bahagi ng industriya.


Matapos umiwas na makapanayam nitong nakaraang Huwebes, February 5 sa isang event, pormal nang inamin ni Nikki Gil na nakatakda na siyang ikasal sa non-showbiz boyfriend niyang si BJ Albert ngayong taon.

December 13, 2014 nag-propose sa kanya si BJ matapos ang halos isang taon nilang relasyon.

Ikinuwento ni Nikki sa Bandila reporter na si MJ Felipe, kagabi, February 6, ang tungkol sa kanilang relasyon, paano sila nagkakilala, at kung ano ang nangyari noong nag-propose ang nobyo sa kanya.

Aniya, “Well, I wasn’t planning on announcing it really. I want to be discreet about it. But since its out, and I’m confirming it.

“Yes, I got engaged last year.”

Sobrang masaya raw siya sa mga pangyayaring ito sa buhay niya.

Kuwento ng 27-year-old actress-singer-TV host, “Very happy. Very, very happy.

"God has his own timetable. He has his own timeline. Meron talaga siyang kuwentong inihanda for me. I'm just so happy that I listened, and it came to pass."

Read: (UPDATED) Nikki Gil is engaged

THE LUCKY GUY. Naging malihim si Nikki sa kanyang love life simula nang naging kontobersiyal na hiwalayan nila noon ni Billy Crawford.

Sa mga panayam sa kanya, inaamin naman niyang may dini-date siya ngunit ayaw niyang pangalanan man lang ito dahil non-showbiz ang lalaki.

Paano nga ba sila nagkakakilala ng soon-to-be husband niyang si BJ?

Kuwento ni Nikki, “I wanted to protect his family and his privacy kasi he’s not naman from the industry.

“His name is BJ… he’s an entrepreneur, he handles some of his family’s businesses.

“We attended Ateneo together and we have a lot of common friends. And ang nag-set up sa amin is isang common friend namin.

"Akala niya magkakilala na kami dahil nga we have the same church friends, and we go to Ateneo together.”

Naging sila raw ni BJ early part ng 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THE PROPOSAL. December 13 daw nangyari ang proposal. A-attend daw siya ng isang corporate event ngunit pagdating niya sa lugar ay tanging ang nobyo lang ang nandun.

Hindi rin daw niya alam na ipinaalam na ni BJ sa kanyang mga magulang na magpo-propose na siya sa kanilang anak.

Pagkatapos daw nitong ibigay sa kanya ang engagement ring, bigla na lang daw nagpakita ang kani-kanilang mga magulang at kaibigan.

Dito na raw siya labis na humagulhol. Aniya, "Zero visibility!"

Dagdag pa niya, "It just dawned on me how good God is to me, how he picked me up, picked the pieces of the broken me up and then put it together, and then rewarded me with the man of my prayers."

Masyado bang mabilis ang pangyayari sa kanilang pag-iibigan?

Tugon nito, "Wala sa number of years 'yan, e. I would have wanted that kind of story na mahaba yung history ninyo, but it doesn't always follow, e. Na porke matagal kayo, it's a guarantee that it will last.

"For me, I know what I've been praying for. I know that God had reserved for me what he thinks is best for me. Pareho kami ng prinsipyo, pareho kami ng mga values na pinanghahawakan. I can see myself spending the rest of my life with this person."

“I DATE WITH MARRIAGE IN MIND…” Ayon pa kay Nikki, pumapasok siya sa isang relasyon na ang iniisip niya ay ito na ang kanyang magiging kasama habang buhay.

Saad pa nito, "I've always been the kind of girl naman na I date with marriage [in mind]. I see it in the future. I don't date kung alam kong maglalaro lang. Hindi ko kaya. Hindi kaya ng personality ko 'yon.

"It didn't take much adjusting. I'm just more excited now, kasi alam mong mayroon nang pagpaplano, mayroon nang definite na patutunguhan. Hindi na lang siya some abstract thing na you hope for in the future. It's actually going to come to pass."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayaw pang ikuwento ni Nikki kung kailan nga ba nakatakda ang kanilang kasal.

Lahad niya, "I guess I'm more excited about the life after the wedding, because, you know, the wedding is just a day. That's how I know it's real, because I'm more excited to start the rest of my life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN