Albie Casiño on paternity issue: “If there’s one constant, Jake’s always there.”

Albie Casiño on paternity issue: “From the start, it’s always me and Jake. There was always two of us, you know? So I don’t know why everyone thinks it’s me. There’s no evidence, ‘di ba? She just said it was me but they didn’t give me a DNA test, so I don’t know why people automatically assumed that it was me, you know what I mean?”


Si Albie Casiño ay isa sa limang hunks sa bagong episode ng TV5’s Wattpad: A House Full of Hunks na pinagbibidahan ng TV5 Princess na si Jasmine Curtis Smith.

Unang pagkakataon daw niyang makasama si Jasmine at puro “good words” nga si Albie kay Jasmine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa pocket presscon ng Wattpad noong February 5 sa TV5 studios sa Reliance, Mandaluyong City.

“It’s my first time to work with Jasmine. She’s really nice. She laughs at my jokes too much. She’s super funny and she has a nice sense of humor that I like,” nakangiting pahayag ni Albie.

Kumusta si Jasmine bilang leading lady?

“She’s very professional, she’s a very good actress, she’s very nice.

“You say it a lot when you describe people but with Jasmine, it’s her talaga. I don’t know how I can describe her, but it’s all true,” pagpuri pa niya sa aktres.

Unang beses din daw niyang mapapanood sa TV na halos “shirtless” palagi.

“It’s my first time to do like, showing my body. I’m sure there’s a lot of promotional stuff,” natawa niyang sabi.

Kumportable naman siyang “shirtless” na napapanood sa telebisyon?

“Yeah, I wouldn’t mind. I’m not ashamed of my body. I don’t say I’m confident enough, but I’m not ashamed of it,” dagdag niyha.

Naalala naming nakarampa na rin si Albie sa Cosmopolitan Bachelor’s Bash. At kinumpirma naman niya ito.

Aniya, “Yeah, I’ve done Cosmo two years ago, I didn’t do it last year.”

Mas relaxed na ba siyang mag-shirtless ngayon?

“Iba yung sa Cosmo naman, it’s a fashion show. Isang lakad, pagbalik ko, tapos na 'ko. Ito, parang babad. Multiple takes. Makikita sa TV, 'di ba?” paglilinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PATERNITY ISSUE. Ilang taon na rin ang nakalipas mula noong naging maingay ang pangalan ni Albie kaugnay ng pagbubuntis ng dating girlfriend na si Andi Eigenmann sa anak nito si Elle (Adrianna Gabrielle).

Muli na naman natanong si Albie tungkol kay Andi at sa isyu ng pagiging ama raw niya sa anak nito, dahil sa mga haka-hakang nagpapasok ngayon sa pangalan ni Jake Ejercito na pinaghihinalaan ng ilan na baka siyang tatay naman daw talaga ng bata.

Hiningan namin si Albie ng pahayag sa isyung ito.

“Can I answer it once and let’s not talk about it again?” nakangiti niyang pakiusap.

“From the start, it’s always me and Jake. There was always two of us, you know?

“So I don’t know why everyone thinks it's me. There’s no evidence, ‘di ba?

“She just said it was me but they didn’t give me a DNA test, so I don’t know why people automatically assumed that it was me, you know what I mean?

“And you can see that again, there’s Jake. If there’s one constant, Jake’s always there.”

Naiisip din ba niya na nandoon yung posibilidad na baka si Jake nga ang talagang ama ni Ellie?

“Obviously, of course, yeah,” pag-amin naman niya.

May kuwestiyon din sa kanya sa bagay na yun?

“Yeah,” sagot niya.

AT HOME WITH TV5. Pagkatapos ng isyu, sa halip na sa Kapamilya network ay mas naging visible na si Albie sa Kapatid network.

Yung naging isyu rin ba sa kanila ni Andi kaya siya nawala sa kabilang network?

“No, not really because I was in ABS-CBN pa after the issue. It was also a decision for me because I tried to go back to school also.

“The schedule in TV5, they understand my schedule more than ABS does.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They allow me to go to school,” rason niya.

May offers naman daw ngayon sa kanya sa Kapamilya network, pero may conflict lang daw sa schedules niya kaya hindi natatanggap.

Okey ba kay Albie na gumawa pa rin ng projects sa ABS-CBN?

Mabilis niyang pag-amin, “Of course, I have a lot of friends there.”

Okey sa kanyang magtrabaho sila ni Andi?

“No comment,” natawa niyang sabi.

ON BRET. Nali-link naman ngayon si Andi kay Bret Jackson.

Kung sakali, okey ba sa kanyang makatrabaho si Bret sa isang proyekto?

“Bret and I are okay. He’s a good friend of mine, until now,” paglinaw ni Albie.

Napag-uusapan ba nila si Andi?

“We don’t talk about her. And as a friend also, I didn’t want to talk about Andi.

“Parang, you know, he might think na iba yung reason ko to talk about her. So no harm, no foul,” lahad niya.

Anong comment niya nang malaman niyang nali-link sina Bret at Andi?

“No comment, that’s exactly why I didn’t want to talk about it, I don’t want to comment on that. If that’s what he likes, ‘di ba, good for him,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN