Manolo Pedrosa on loveteam partner Maris Racal: “Mas lalo kaming naging close.”

Manolo Pedrosa narrates how he first got attracted to Maris Racal during their PBB days: “Noong konti na lang ang tao sa bahay, nagiging close kami, doon ko po na-realize na grabeng cute pala ni Maris.”


Masaya ang Kapamilya star na si Manolo Pedrosa dahil nakatapos na sila ni Maris Racal ng isang pelikula—ang Stars Versus Me na hango sa libro na sinulat din ng director nilang si Joven M. Tan.

Sabi nga ni Manolo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial nila sa EDC Photography Studio sa Roces Ave., Quezon City, “Sobrang saya po dahil ang bilis po ng lahat ng nangyayari. After PBB [Pinoy Big Brother] po, nagsunud-sunod na po lahat ng ginagawa ko.

“'Tapos ito nga po, nakatapos na rin po kami ng movie, ang Stars Versus Me. Ngayon po, puro post-production na po ang ginagawa.”

Mas nakilala niya ba si Maris ngayong ginawa nila ang movie?

Sabi niya, “Yes po, kasi sa PBB, we got really close and now that we’re shooting, we’re always together on the set. Mas lalo kaming naging close.”

Tinanong namin siya kung ano'ng natutunan niya o masasabi niyang makahulugang aral na puwedeng mapulot ng mga manonood ng kanyang unang pelikula.

“Love is not always perfect and you always have to prepare for the worse.

“Then, yung character ko sa movie, ako si Sony and he also believes in horoscope rin po. Accidentally, nag-meet yung character ko at si Maris dahil sa horoscope po,” lahad pa niya.

Naniniwala raw si Manolo na tatangkilikin din ang unang pelikula nila ni Maris kung paano tinangkilik din ng ibang fans ang mga pelikula ng ibang teen loveteams.

Sabi nga niya, “I really believe that it’s going to be a success kasi, ang ganda ng story. It’s not an ordinary love story.”

Acting-wise, malaking tulong daw para kay Manolo ang ilang proyektong nagawa na niya sa ABS-CBN bukod pa sa patuloy niyang pagwu-workshop.

“Malaking tulong po talaga yun at saka si Direk Joven din po, medyo na-relax din po ako kasi, very chill lang siyang magdirek. I’m being myself and no pressure po talaga,” pagmamalaki niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ATTRACTED TO MARIS. Ano yung mga nagugustuhan niya kay Maris?

“I find her very cute po,” nakangiting sagot ni Manolo.

Nakita na niya noong nasa PBB pa sila?

“Actually, noong bandang huli na po na napansin kong sobrang cute pala ni Maris,” hirit pa niya.

Hindi pala siya attracted at first sight pa lang kay Maris?

“Hindi po kasi sa ganun ang focus ko, pero bandang huli, noong konti na lang ang tao sa bahay, nagiging close kami, doon ko po na-realize na grabeng cute pala ni Maris,” natawang sabi niya.

COMFORTABLE WITH DIFFERENT LOVETEAMS. Sa ngayon kasi, naipapareha pa siya sa iba tulad kay Janella Salvador sa serye nilang Oh My G!

Mas mahirap ba sa parte niya ngayon na marami siyang ka-loveteam?

“Sa ngayon po, medyo conflict but I’m just fine kasi, I just want to go with the flow,” pahayag niya.

Paanong conflict?

Paglilinaw niya, “'Di ba po sa Oh My G!, [love] triangle? Parang yung mga fans ang nag-aaway-away. Pero I just go with the flow. I just do what’s on the script.”

Sa totoong buhay, talaga raw na hindi muna niya pinagtutuunan ng pansin ang pagkakaroon ng girlfriend. Aminado nga si Manolo na hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend kahit minsan.

“Yung totoo po, talagang career muna. Yun lang po talaga ang focus ko ngayon,” diin niya.

ASTROLOGY BELIEVER? Hindi raw dati naniniwala si Manolo sa horoscope. Pero simula raw nang gawin niya ang Stars Versus Me, nagkaroon siya ng ibang interes dito.

“Dati po kasi, talagang totally, hindi ako naniniwala, hindi ako tumitingin.

“'Tapos po, noong gawin ko yung movie, may mga nagsasabi na totoo raw, nagkaka-totoo raw ang horoscope nila, so I got interested po.

“Pero hindi naman po yung every day, I check it, hindi naman po.

Ang zodiac sign ni Manolo ay Libra at si Maris naman ay Virgo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung nakikita niyang pagkakapareho nilang dalawa?

Pakli niya, “Siguro po yung pagiging makulit. Kasi sa set, pareho po kaming dalawa, makulit.”

Nakikita ba nila ang mga sarili na posibleng mga maging next KathNiel sa bakuran ng Kapamilya network?

“Possible naman po, wish namin yun,” nakangiti at positibong sagot ni Manolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN