Ariella Arida quashes rumor that she's the reason why ex-boyfriend Ervic Vijandre left Mercator

IMAGE Mark Atienza

Ariella Arida addresses the rumor that she's the reason why ex-boyfriend Ervic Vijandre left Mercator: "Tinanong ako kung ako raw ba ang dahilan. Natawa ako kasi ano naman ang pakialam ko sa desisyon niya na iwan si Mama Jonas? 'Tsaka hindi pa naman ako pumipirma with Mercator noong umalis si Ervic."


Natawa na lang ang dating Bb. Pilipinas-Universe na si Ariella “Ara” Arida sa balitang siya raw ang dahilan kung bakit umalis na si Ervic Vijandre sa pangangalaga ng Mercator Models ni Jonas Antonio Gaffud.

Kelan lang ay pumirma na ng management contract si Ervic sa GMA Artist Center.

Ayon kay Ara, wala raw siyang kinalaman sa biglang pag-alis ng ex-boyfrend niya sa Mercator. Nabalitaan na lang daw niya ang ginawa ni Ervic mula sa kanyang mga kaibigan.

“Tinanong ako kung ako raw ba ang dahilan. Natawa ako kasi ano naman ang pakialam ko sa desisyon niya na iwan si Mama Jonas?

“'Tsaka hindi pa naman ako pumipirma with Mercator noong umalis si Ervic.

“Right after kasi ng kontrata ko with Bb. Pilipinas, I signed agad with Mercator.

“Kung anuman ang reason, I guess si Mama Jonas na lang ang tanungin tungkol diyan,” pahayag ni Ara nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa photo shoot ng kanyang ini-endorse na spa last February 5 sa Atlanta Tower in Greenhills, San Juan.

ISSUES. Nag-breakup last year sina Ara at Ervic pagkatapos ng isang taon.

Ang dahilan nga raw ng breakup nila ay masyado raw maraming problema sa kanilang relasyon.

May balita ring masyado raw seloso si Ervic at maraming pinagbabawal na gawin si Ara.

“Alam naman ni Ervic na hindi maiwasan na may mga gawin ako dahil kasama iyon sa trabaho ko.

“May mga kontrata akong sinusunod at kung susunod ako sa kanya, paano naman ang work ko, 'di ba?

“Yes, there are times na nagtatalo kami. Hindi naman mawawala 'yan in any relationship.

“Kapag nag-aaway naman kami, naayos naman namin agad,” pagklaro niya.

NO REGRETS. Inamin ni Ara na tila na-“fall out of love” na siya kay Ervic kaya nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila.

Sabi niya, “It’s not that I felt a sense of relief noong maghiwalay kami. Iniyakan ko rin naman yung breakup namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, may emotional investment ka rin sa pagsasama ninyo.

“Ngayon mas magaan na ang lahat para sa akin.

“Parang ngang mas okey na wala kaming relasyon,” diin ni Ara.

STILL GOOD FRIENDS. Hindi naman daw bad breakup ang nangyari sa kanila dahil magkaibigan pa rin daw sila ni Ervic.

“Believe it or not, after everything that happened, we’re still good friends.

“Kapag nagkikita kami accidentally, walang dedmahan, walang awkwardness.

“Noong last time na nagkita kami because we have common friends, okey kami as if walang nangyaring breakup sa amin.

“Parang mas gusto ko na ang ganitong set-up namin. Parang friendship na lang para walang stress,” lahad pa niya.

FOCUS ON WORK FIRST. Wala nga raw munang ini-entertain na suitors ngayon si Ara dahil mas gusto niyang mag-focus sa kanyang trabaho.

“May mga nagte-text sa akin, pero nothing serious. Okey lang siguro hanggang dating muna.

“Ayoko naman munang pumasok sa isang relasyon kung hindi ako ready emotionally.

“It’s better na work muna tayo and eventually good things will follow,” ngiti pa niya.

HONING HER HOSTING CHOPS. Bini-build up na nga siya bilang host after makakuha siya ng magagandang feedback sa ginawa niyang segment sa nakaraang Miss Universe pageant.

Ayon kay Ara, “Thankful ako for the positive feedback na nakuha ko for doing that segment sa Miss Universe.

“According to Mama Jonas, may mga nag-inquire na raw para sa akin for hosting jobs. Nakakatuwa naman, 'di ba?

“Ito ngang sisimulan ko na isang travel show na Touchdown ay magiging first big hosting job ko. Makakasama ko rito ang isa ring alaga ng Mercator na si Ken Alfonso.”

Ready na rin daw si Ara na pasukin ang pag-arte. Okey lang daw na gumawa na siya ng pelikula or teleserye.

“Kung may offers naman, bakit naman hindi, ‘di ba?

“Nakapag-acting workshop naman ako before and nagawa ko naman ng maayos yung mga pinagawa sa amin doon. I guess, ready na ako to also try acting na rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READY FOR BASHERS. Handa na ba si Ara sa mga haters at bashers on social media sa kanya once na magsimula na siya sa kanyang showbiz career?

“Okey lang kasi sanay na akong nilalait ako!

“Ever since naman na sumali ako sa Bb. Pilipinas at manalo ako, I’ve been criticized na. At yung iba very personal pa.

“Isipin n'yo na lang ang mga worst na panlalait na puwede nilang sabihin about me, it already happened.

“Kaya siguro dedma na lang ako.

“But somehow maaapektuhan ka pa rin pero that’s how it is naman yata sa business na ito. You just cannot please everybody,” pag-amin niya.

DREAM LEADING MEN. Si Piolo Pascual at Coco Martin nga ang gustong makatrabaho ni Ara bilang mga leading men.

“Hindi naman ako choosy pero feel ko sila Piolo at Coco.

“Magagaling silang umarte and they are the hottest leading men ngayon, ‘di ba?

“So wishful thinking lang tayo. If I get to work with both of them, wish come true!” pagtatapos pa ni Ariella.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN