Geoff Eigenmann is comfortable being single: “I was never one to jump into one relationship after another anyway.”

Geoff Eigenmann sees no problem being single. He says, “Sanay ako na if I break up with someone, sanay ako sa time alone. Only difference this time is for my past na I’ve decided to focus on myself instead of sulking at nagda-drama sa kung anuman.”


Bago ang Kailan Ba Tama Ang Mali? ay sa Adarna huling napanood si Geoff Eigenmann noong March 2014.

Hindi naman daw siya nainip kung medyo matagal bago ito nasundan.

“Okey lang, I never thought about it as a long break. I had time to focus on myself.

“Nag-travel-travel,” lahad niya.

May isa pa raw siyang pinagkakaabalahan.

“Jiu-jitsu. Sports, focus on that, focusing on myself kasi for me malaki naitutulong ng jiu-jitsu for me and my personal life, discipline, responsibilities and all that.

“So in doing that, I focused on it and joined competitions and all that,” dagdag ng Kapuso actor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Geoff sa presscon ng Kailan Ba Tama Ang Mali? noong Martes, January 27 sa GMA Network Center.

BETTER MAN. Sa isang naunang interview sa kapatid niyang si Ryan Eigenmann, sinabi nito na malaki ang ipinagbago ni Geoff.

“That’s good to hear, galing pa sa kapatid ko.

“I guess ano naman, totoo. I’m happy that it even if it came from my brother, hindi lang ako ang nagsasabi.

“Other people are saying it, so at least hindi ko na kailangang sabihin na nakapag-move on na ako or whatever and like that.

“At least nakikita ng ibang tao,” masaya niyang saad.

Isang taon nang single si Geoff mula ng nag-break sila ni Carla Abellana.

Mahirap ba?

“No,” matipid niyang sagot.

COMFORTABLE BEING SINGLE. Ano ang ginawa niya para hindi siya mahirapang ituloy ang moving on at pagiging single niya?

“Hindi naman sa ginusto kong ituluy-tuloy na maging single but I’m comfortable being single.

“I’m comfortable kasi it’s not the first time it’s happened. I was never one to jump into one relationship after another anyway.

“So sanay ako na if I break up with someone, sanay ako sa time alone. Everything is a choice naman, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Only difference this time is for my past na I’ve decided to focus on myself instead of sulking at nagda-drama sa kung anuman.

“I decided to do something about it and iyon, focus on myself and make something better,” positibo niyang pahayag.

Ngayong Pebrero ay isang taon na silang hiwalay ni Carla.

Masasabi ba niyang vulnerable pa siya?

“I was never really vulnerable,” pakli niya.

READY TO FALL IN LOVE AGAIN? Vulnerable enough to fall in love again? Halimbawa kay Empress Schuck na isa sa mga lead stars ng Kailan Ba Tama Ang Mali? Wala rin yatang karelasyon si Empress ngayon.

“Yeah, I guess kung tinatanong n'yo kung ready na ba ako to get into another relationship, for me anything is possible.

“This is the first time I’m working with her and we worked for what, about a month pa lang, so I guess it’s barely enough time to really get to know someone yet.

“But ako kasi, mas gugustuhin ko na magsisimula as friends than jumping into a relationship just like that.

“So I guess kung meron man or, things can be talked about, lahat naman ng bagay ay napag-uusapan.

“And as long as communication is there anything is possible,” deklara niya.

Bukod kina Geoff at Empress ay bida rin sa Kailan Ba Tama Ang Mali? sina Max Collins at Dion Ignacio.

Magsisimula na itong umere sa GMA nga Lunes, February 9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN