Edu Manzano on possibility of Luis-Angel wedding: “I’ll be the happiest if they end up together.”

Edu Manzano on prospect of Luis-Angel wedding: “Ako, kung ano ang gusto ng anak ko, dun ako. Ako, I don’t have to encourage him, gusto ko ay manggaling sa kanya. And nakikita naman natin na perfect sila as a couple.”


Puring-puri ni Edu Manzano ang kanyang anak kay Vilma Santos na si Luis Manzano.

Kung titingnan daw ang takbo ng career nito ay umangat ito na hindi ginamit ang kanilang impluwensiya. Sa halip ay nagsumikap ito sa sariling paraan upang maabot kung ano man ang kinalalagyan nito ngayon.

Kung matatandaan, si Luis ay nagsimula bilang isang TV VJ, nakilala bilang isang magaling na host, at paminsan-minsan ay lumalabas din sa pelikula bilang isang seryosong aktor at komedyante.

Maging sa print ad at TV commercials, mabentang-mabenta na rin ang kanyang panganay na anak na lalaki.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edu sa launching ng 5th Wonderful World With Globe event na ginanap sa The Eye ballroom ng Green Sun Hotel sa Pasong Tamo Ext., Makati City noong Huwebes, February 5, ay naging bukas siya sa pagmamalaki niyang ito sa kanyang anak.

Si Edu ay isa sa naimbitahang celebrities para mag-grace sa nasabing press launch

Bungad ng actor-TV host, “I'm very proud of my son.

“That's why, I'm very, very glad na pinatapos ko muna siya ng kolehiyo dahil yung maturity level, you know, ay nakatulong.

“Wala kang naririnig na reklamo sa kanya, e.

“And at the same time, nakikita mo yung focus niya sa lahat ng proyektong ibinibigay sa kanya.”

Si Luis ay nakapagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Institution Management sa De La Salle-College of Saint Benilde.

Ito raw ay sa kabila nang pagkakaroon ng seryosong relasyon sa Kapamilya actress na si Angel Locsin.

Sabi ni Doods, “Oo, in spite of the fact that he has a love life, he's still dedicated to his craft.

“You know, marami kasi na kapag may karelasyon, nadi-distract sila, so tuloy minsan ay hindi naibibigay yung one hundred ten percent sa hinihingi sa kanila.

“But Angel is a fine actress, my son is an equally-fine actor and I think they'll be around for a long time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WEDDING SOON? Sa puntong ito ay diretsahan na naming inalam sa kanya kung nakikita na ba niya na magiging daughter-in-law na niya si Angel sa nalalapit na panahon.

Lalo na nga't meron namang sabi-sabi na pinag-uusapan na ng dalawa ang posibleng pagpapakasal.

Reaksiyon ng award-winning actor-TV host, “Yun, o!

“You know, it's up to them.

“Yung nakikita niyo ay simply they're happy together and the worst thing a parent can do ay makialam sa buhay ng kanyang anak.

“If they're that confident with each other, there's no reason for you to have your reservations.

“Maybe, some people these days may say that marriage is just a piece of paper, but there's also an opportunity na kumakatok sa kanilang mga pintuan.

“Maybe, maybe they're taking advantage of the opportunities.”

THUMBS UP FOR ANGEL. Inalam din namin kay Edu kung si Angel ba ay malapit sa kanya.

Kuwento ng 59-year-old actor-TV host, “Lahat ng mga anak ko, we try to have dinner every Sunday, okay? Every Sunday 'yan.

“Kapag meron kaming dinner sa bahay, ini-encourage ko ang mga anak ko, lahat ng boyfriends or girlfriends nila to be part of the celebration.

“So si Angel, ang bahay namin is always open sa kanya.”

Dagdag pa niya, “Ako, kung ano ang gusto ng anak ko, dun ako.

“Ako, I don't have to encourage him, gusto ko ay manggaling sa kanya.

“And nakikita naman natin na perfect sila as a couple.

“Ang dami na nilang pinagdaanan, alam niyo naman ang lahat ng kuwento tungkol diyan, and I think, I'll be the happiest if they end up together.

“As a father, I always think of the happiness ng mga anak ko, hindi lang siyempre si Luis.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN