Vice Ganda grants ailing Jam Sebastian’s wish to see him again

Vice Ganda tells JaMich’s Jam Sebastian: “Jam, I Love you. Ang daming nagmamahal sa ‘yo. Sobrang dami. Ang daming nagdarasal sa ‘yo. Iba ang power ng prayer. Huwag kang bibitaw.”


Sa Facebook account ni Paoline Michelle Liggayu, nag-post siya ng video kunsaan, makikita ang naging pagdalaw ni Vice Ganda sa boyfriend na si Jam Sebastian kanina.

Sina Jam at Mich ay sumikat sa kanilang YouTube tandem bilang “Jamich” hanggang sa mabalita nga ang pagkakaroon niya ng lung cancer noong isang taon.

Simula noon, mas lalong marami ang sumubaybay pa sa dalawa at marami ang nagdarasal na sana ay mapagtagumpayan ni Jam ang laban niya sa Big C.

Pero kamakailan lang, sa kabila ng pagpu-propose ng kasal ni Jam kay Mich noong isang taon, bigla itong nag-text sa kanyang pamilya na gusto na niyang i-give-up ang laban niya sa cancer.

Hindi pumayag ang pamilya ni Jam, lalo na ang kanyang ina sa kahilingan ng anak at patuloy pa rin ang pagdarasal nila para sa pag-asang gumaling ito.

Kanina, sa It’s Showtime, nabanggit na raw ni Vice na dadalawin niya si Jam sa hospital at tinupad nga ito ng TV host-comedian.

Nalaman daw nito na isa sa kahilingan ni Jam ay madalaw niya.

Ipinost naman ni Mich ang video.

Ayon kay Mich, “Nandito si Vice ngayon sa hospital. Nag-visit siya kay Jam. Iba ang smile ni Jam ngayon, nakikita kong happy siya. Sobrang sayang makita na ganoon ang pag-smile ni Jam.

“Alam mong totoo.”

Sa video pa rin na ini-upload ni Mich, maririnig sa background si Vice habang kausap si Jam at sinasabi nitong, “Jam, I Love you. Ang daming nagmamahal sa ‘yo. Sobrang dami. Ang daming nagdarasal sa ‘yo. Iba ang power ng prayer. Huwag kang bibitaw.”

Sa kanyang Facebook account, nag-post din si Mich ng larawan nila kasama si Vice at may caption itong, “Priceless yung smile ni Jam Fernando Sebastian.”

Sa Instagram account naman ni Vice, ipinost din niya ang larawan nilang dalawa ni Jam at sa caption niya ay sinabi niyang, “He wished to see me again and so I visited him. Thank you so much Lord for allowing me to touch someone’s life today. And also for allowing me to be touched by someone’s journey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Keep the faith Jam. Miracles happen everyday. God bless you.”

Napakarami namang nagpasalamat kay Vice, karamihan ay mga followers at naging fan na rin ng Jamich sa pagbisita raw na yun ni Vice sa hospital at pagtupad sa isa sa mga kahilingan nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN