Elmo Magalona keeps an eye out for guys who might take interest in GF Janine Gutierrez: “Alert lang ako.”

Elmo Magalona admits he’s not the jealous type, but reveals that he keeps an eye out for guys who might want to hit on GF Janine Gutierrez. “Parang alert lang ako. Pero hindi naman ako super-ano, hindi yung mahigpit naman, e. Parang in my own way lang.”


Hindi pa rin tumitigil ang bashers, lalo na ang mga fans ng JuliElmo (Julie Anne San Jose at Elmo Magalona) na diumano ay hindi pa rin matanggap na si Elmo at Janine Gutierrez ay reel- and real-life sweethearts.

Yung iba ay kinakawawa si Janine sa social media at bina-bash pa rin ang aktres.

Pero hindi worried si Elmo.

“Strong girl naman si Janine. Strong siya,” pagmamalaki niya.

Ilang months na ba ang relasyon nila ni Janine?

“Matagal na, matagal-tagal na,” ang tumatawang pag-iwas ni Elmo na i-reveal kung gaano katagal na ang kanilang relasyon.

May isang taon na ba?

“Sana mag-one year na. Sana. Sana tumagal pa,” saad niya.

WORKOUT FANATIC. Dahil masipag mag-workout sa gym si Elmo at naghubad na siya sa pelikulang #Y, maging sa GMA series nila ni Janine na More Than Words, papayag na ba siyang rumampa nang shirtless sa Cosmo Bachelor Bash this year?

“Pinag-iisipan ko pa rin kasi... oo nga naisip ko naman, sayang naman yung pagwu-workout ko. So I’m giving it some thought, I'm considering it.

“Iyon lang ay kung papayag si Janine,” pabiro nitong hirit.

Tumatawang sagot naman ni Janine na katabi ni Elmo habang kausap namin.

“Siyempre basta front row ako!” bulalas niya.

Gaano kadalas ba nagwu-workout si Elmo?

“Kapag may time talaga, masipag akong mag-gym.

“Pero ngayon, dahil sa taping, hindi ako nakakapag-focus, e.

“So nag-stop muna ako. Last ko yata, Christmas,” estima niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Elmo at Janine sa taping ng More Than Words sa Quezon City noong January 28.

NO SEXY PICTORIALS. Kung si Janine naman ang aalukin na maging cover ng FHM, papayag ba si Elmo?

“Ah, ibang usapan yun.

“Hindi, siyempre choice pa rin niya yun,” pagklaro ni Elmo.

Hirit naman ni Janine, “Wala naman po akong balak.”

Ayon kay Elmo, may pagka-conservative siya, kaya malamang ay hindi niya papayagan si Janine sa isang sexy pictorial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong naman si Elmo kung kumusta na ngayon ang relasyon niya sa pamilya ni Janine.

“Okay naman. Nakikita ko sila once in a while kapag bumibisita ako sa kanila—sa house nila.”

EXES CROSS PATHS. Samantala, nagkita si Elmo at Lauren Young sa kasal nina Saab Magalona at Jim Bacarro sa Baguio kamakailan.

Nagkausap nga daw si Elmo at Lauren sa kasal.

“For a bit lang,” paglinaw niya.

ON ENZO. Hiningan naman namin ng reaksyon si Elmo tungkol sa isyung tila nade-develop na raw si Enzo Pineda kay Janine.

Pakli niya, “Hindi ako naniniwala. Magkakaibigan kasi kaming lahat sa set, close kaming lahat.”

Si Enzo ay gumaganap bilang Nate sa More Than Words, na third party kina Ikay (played by Janine) at Hiro (played by Elmo).

WHO'S JEALOUS? May selosan ba sa pagitan nila ni Janine bilang magkarelasyon?

Sino ang mas seloso?

“I think, ako.”

Na sinagot agad ni Janine na, “Baka ako!”

“Ah parehas, parehas,” at tumawa si Elmo.

Sino ang huli niyang pinagselosan kay Janine?

“Hindi, ano lang... ako, ako! Parang, alert lang ako. Alert lang ako sa mga…”

Nagpaparamdam o nagtatangkang umaligid na mga boys kay Janine?

“Ganun, ganun.

“Pero hindi naman ako super-ano, hindi yung mahigpit naman, e. Parang in my own way lang,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN