Dion Ignacio iffy about doing gay roles: “Parang hindi ko nakikita ang sarili ko dun, e.”

Dion Ignacio on doing gay roles: “May laplapan? Didikit? Maganda yung role na ganun siguro, pero hindi ko pa nakikita ang sarili ko, e. Parang, hindi ko alam, hindi ko masagot.”


Limang buwang walang teleserye si Dion Ignacio sa GMA-7. Bago ang Kailan Ba Tama Ang Mali? ay sa Innamorata siya huling napanood.

Nagkataong sila rin ni Max Eigenmann ang magkasama sa nabanggit na dalawang teleserye.

Nasa bahay lang daw si Dion noong mga panahong wala siyang project.

“At saka nag-regional shows ako. Ganun naman e, pag walang work, yung GMA Artist Center binibigyan kami ng regional,” dagdag niya.

Doon daw siya bumawi. Bukod pa dito, may gig ang banda nila.

Sabi pa niya, “Pagka free naman ako, nakaka-attend ako ng tugtog pero pag ganito, may taping na, kahit wala ako, okay naman naiintindihan naman nila.”

Filia ang pangalan ng banda nila kung saan si Arci Muñoz ang female lead singer.

Sa Kailan Ba Tama Ang Mali? ay kontrabida si Dion sa papel na Oliver. Kasama niya si Max Collins bilang si Amanda, at Geoff Eigenmann bilang si Leo.

Kontrabida din sa teleserye si Empress Schuck bilang si Sonya.

MATURE ROLE. Unang papel daw ito ni Dion na ganito kabigat.

“Masasabi ko, oo kasi parang pang-mature role na ito, e. So 'yon, 'tapos ibang-iba yung character ko dito.

“Kung napanood n'yo ako sa Innnamorata na parang low-profile lang, dito iba. Boss. CEO ako dito e, may-ari ng isang kumpanya.

“'Tapos 'yon, magkakagusto ako sa empleyada ko, si Max Collins,” detalye niyang kuwento.

Pinanood daw ni Dion ang pelikula ni Leonardo DiCaprio na The Wolf of Wall Street at iyon ang ginaya niya.

“'Tsaka si Dingdong, pag mayaman ang role niya,” banggit ni Dion.

Kasama rin sa serye sina Shamaine Buencamino bilang si Auring, Chariz Solomon bilang si Bianca, Ash Ortega bilang si Angeli, Ervic Vijandre bilang si Joseph, Ken Alfonso bilang si Thomas, at Ryza Cenon bilang si Rita.

NEXT IN LINE? Nabanggit na rin lang si Dingdong Dantes, bukod sa nag-asawa na ito, may bulung-bulungan na papasukin daw nito ang pulitika sa susunod na taon. Hindi pa ito kumpirmado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling mangyari ito, baka may mabakanteng puwesto ng leading man sa GMA; si Dingdong ang itinuturing na Primetime King ng Kapuso Network.

Ano ang opinyon ni Dion tungkol dito bilang isa sa maituturing na next-in-line bilang prime leading man?

“Talaga?” ang tila nahihiyang tumatawang tanong ni Dion.

“Pero sana huwag naman munang mag-lie low si Kuya Dong. Kasi okay pa siya, e. Pero kung iyan yung magiging desisyon niya, irespeto natin.

“Siguro 'pag ganun na yung nangyari, siguro pagbubutihan ko na lang sa mga projects na ibibigay sa akin.

“Ayun, thankful din ako dahil naniniwala sila sa kakayanan ko. Thankful ako sa GMA Artist Center na nabibigyan nila ako ng proyektong ganito.

“Kaya hindi ko sila bibiguin,” pahayag niya.

SEXY PICTORIALS? Ang kapwa niya produkto ng StarStruck na si Mike Tan ay nag-pictorial ng naka-briefs lamang para sa endorsement sa Boardwalk.

Si Dion, hindi ba siya mag-sexy pictorial?

Paglinaw niya, “Wala pang offer. Kasi yung katawan kulang e, para magawa ko yung mga bagay na yun.

“Lately, tinamad akong mag-workout.”

Kinukuha raw siya sa Cosmo Bachelor Bash—dati pa.

“Kaya lang gusto kong lumabas sa Cosmo, yung talagang okay na ang katawan ko.

“Kaya nga 'eto ngayon, binibigyan ko ang sarili ko kahit two to three months,” lahad pa niya.

Five years ago raw siya huling rumampa nang hubad para sa Cosmo.

Papayag raw siya na gawin itong muli.

“Kung aalukin ako, iwu-workout ko na, aaksyunan ko na itong katawan ko.

“Kasi yung nakarating sa akin [na offer ng Cosmo last year], bigla e, hindi ako handa,” pag-amin niya.

IFFY ABOUT GAY ROLES. Papayag ba siyang gumanap ng gay role sa indie movie? Paano kung may love scene sa kapwa niya lalaking artista?

Pakli niya, “Parang hindi ko nakikita ang sarili ko dun, e. Pero kung nandun na, naka-cast na ako, tapos magsu-shooting na, wala nang atrasan, e, gagawin ko yun!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Never pa raw nakaganap si Dion bilang isang bakla sa isang seryosong project o role.

“Dati nakagawa na ako pero comedy,” pag-alala niya.

Pero kung seryoso at full-length?

“May laplapan? Didikit?

“Maganda yung role na ganun siguro, pero hindi ko pa nakikita ang sarili ko, e. Parang, hindi ko alam, hindi ko masagot,” sabi pa ni Dion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN