Diego Castro regrets getting carried away by stardom: “Masyado kaming mayayabang noon.”

Diego Castro (right), son of Angelo Castro Jr. (left) recalls his showbiz heyday when fame and fortune were within his grasp: “When Gimik became the number one teen show on TV... we all became overnight superstars. We were paid very well and lahat na yata ng bisyo ginawa namin. I mean, we were bad boys. At that young age, we felt like rock stars—we felt like millionaires. I became an alcoholic. I would go to the taping, drunk.”


Diego Castro, the son of Angelo Castro Jr., follows in his father's footsteps as broadcast journalist.

Si Diego ay anak ni Castro, ang yumaong award-winning news broadcaster at ni June Keithely, isang radio broadcaster at journalist.

Nagsimula na bilang news anchor si Diego sa English news program ng UNTV na Why News. Bukod sa pagiging news anchor, may cooking segment din si Diego sa morning show ng UNTV na Good Morning Kuya.

Isang certified chef si Diego na nagtrabaho bilang isang executive chef para sa dalawang malaking local food brands.

Kuwento ni Diego na si Daniel Razon ang siyang nagpalakas ng loob niya na maging broadcast journalist para maituloy nito ang legacy ng kanyang mga magulang.

“Kuya Daniel kasi was mentored by my dad when he was starting as a newscaster. Kaya he feels I can also be like my dad na magaling sa pag-deliver ng news.

“He believes I can do it and I am very thankful for that.

“Hindi ko rin inasahan na darating ang career na ito sa akin. Maybe it’s about time that I go into media broadcasting, since ito naman talaga ang naging career ng parents ko.

“I am now walking the path that my parents made for me,” pahayag pa ni Diego nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 6 sa Dong Juan restaurant sa Mother Ignacia Ave., Quezon City.

ENGLISH ONLY, PLEASE. Unang sinubukan si Diego na magbasa ng Tagalog news at aminado itong palpak ang kanyang pag-deliver ng balita sa Tagalog.

Natatawa niyang kuwento, “It was an epic fail! Ako na ang magsasabi na ang sama ng dating!

“I will admit na hindi ako magaling with Tagalog.

“Just like my dad, hindi rin siya magaling sa Tagalog that’s why he didn’t anchor TV Patrol. Kaya nagkaroon ng The World Tonight because of him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then Kuya Daniel asked me to read an English news report sa diyaryo. Doon ako pumasa, so they asked me to anchor the English news program ng UNTV.”

SAME CAREER PATH. Hindi akalain ni Diego na tatahakin din niya ang mga pinagdaanan ng kanyang ama bago ito naging isang batikang news anchor.

“I am really following in my dad’s footstep. Before he became a newscaster, he was an actor.

“Nakatrabaho pa niya sina Fernando Poe Jr. and Joseph Estrada. Then he also took up cooking classes.

“Kaya kinilabutan ako because I am doing all these things na pinagdaanan din ni Dad.

“I pretty sure that wherever he and mom are, they are proud of me.

“For the longest time, they’ve always asked me what I wanted to do with my life and I couldn’t give them a straight answer.

“Now that I’m a broadcast journalist like them, ito na siguro iyon. This is a calling and I am up to the challenge,” ngiti pa niya.

READY FOR CRITICS. Hindi nga maiiwasang makumpara siya sa kanyang ama na isang award-winning newscaster. Ready naman daw si Diego sa mga sasabihin ng mga tao.

“I’ve already prepared myself for the critics.

“Kaya nga when people from ABS-CBN who worked with my dad learned I was doing the news at UNTV, they asked bakit hindi pa sa Dos ako pumasok?

“I said because ABS-CBN belongs to my dad. Kung sakaling nandiyan nga ako, they will always compare me to him.

“People there will always say, ‘Hindi ka katulad ng ama mo.’ And it’s true. I can never be as good as my dad, but I can be better at what I can do as myself.

“Kaya tama lang that I am starting my career in news sa ibang TV station. It may not be as big as ABS-CBN, but it’s a good start.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa UNTV ako magsisimula to make a name as Diego Castro,” pagmamalaki pa niya.

KAPUSO CONTRACT. Wala raw magiging conflict ang kanyang pagiging news anchor sa UNTV at ang pagiging aktor niya sa GMA-7, kunsaan may kontrata si Diego.

Maayos naman daw siyang nakipag-usap sa Siyete na gusto niya munang subukan ang career sa news media.

“I still have an exclusive contract with GMA. The last teleserye I did was The Borrowed Wife.

“Nagpaalam naman ako sa kanila na I want to pursue this career in news media. I want to give it a try because I am not getting any younger. I’ll be turning 40 this year.

“Mabait naman sila and they allowed me to pursue it. Wala pa naman silang maibigay na teleserye sa akin, so might as well do what I want right now.

“'Tsaka gusto rin ni Kuya Daniel na mag-concentrate ako sa news. Para hindi raw ma-confuse ang mga manonood sa akin.

“Okey lang naman because I said I will give it a year just to see what will happen, and to know where it’s headed.

“If things go well, then it’s a blessing. If things don’t go well, I can always go back to acting.

“It’s a trial and error thing. Anything can happen and I am always praying for the best,” dagdag pa niya.

FIANCÉE. Kasama ni Diego ang kanyang fiancée na si Angela Lagunzad sa morning show ng UNTV.

Co-anchor din si Angela sa afternoon news program ng UNTV na Ito Ang Balita.

“Okey lang na magkasama kami ni Angel sa isang show dahil isang sasakyan lang ang gamit namin at tipid sa gasolina!” tawa pa niya.

“Aside from that, kami ni Angel, we have good chemistry. Okey daw na magtalo kami on-air para cute daw tingnan. We both have our own opinions on things. Parang ‘He Said, She Said.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last year ay nag-propose na si Diego kay Angela. Sa February 2016 nakatakda ang kanilang kasal. Meron na silang isang anak na ang pangalan ay Mio, na ngayon ay 7 taong gulang.

May isang anak si Diego sa kanyang unang asawa na si Raven Villanueva na si Angelica (16 taong gulang). May dalawang anak din siya sa pangalawang asawa na si Rina Rosal na sina Gianna (14) and Rafa (13).

“Angel took care of my daughters like they were her own kids. Kaya mahal na mahal ko 'yan for being a very patient and loving mom to my kids.

“Kaya kung ano ang gusto niyang wedding, yun ang ibibigay ko sa kanya.

“Sabi ko pag-ipunan muna namin kasi mahal ang theme na gusto niya.

“Mahal ang renta sa giraffe, zebra, peacock at sa trapeze artists. Sabi ko nga sa Malabon Zoo na lang kami ikasal,” tawa pa ni Diego.

REGRETS. Sa 19 taon ni Diego sa showbiz, marami raw siyang mga ginawa na ngayon ay pinagsisisihan niya. Kung kaya lang daw niyang ibalik ang panahon ay gagawin niyang tama ang mga ito.

“One thing na hindi ko pinagsisisihan ay ang mga anak ko.

“I love my children so much. If it weren't for them, baka worse things could have happened to me. Baka nasa rehab na ako or baka nakakulong na ako.

“I can really say that my children saved me from all that, and they kept me from doing things na ikasasama ko pa.

“What I really regret were the lies I told my ex-wives.

“I admit I was the cause of the failure of my two marriages because I was not faithful to them—I was not a loyal partner.

“I learned so much from what happened at nag-sorry naman ako sa kanila.

“Ngayon, very loyal na ako ngayon. And my fiancée knows that. Malakas na ang resistance natin sa temptation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tsaka ang lalaki na ng mga anak ko. It’s time I become a good father and husband to my soon-to-be-wife,” ngiti pa niya.

CONSUMED BY FAME DURING HIS HEYDAY. Hindi naman tinatago ni Diego na inabuso niya ang kaniyang popularidad noong 1996. Noong panahong iyon, ang TV show nilang Gimik ang number one teen show. Inamin ni Diego na yumabang sila dahil sa natamo nilang kasikatan.

“That’s another thing that I somehow regret. Masyado kaming mayayabang noon.

“When Gimik became the number one teen show on TV, we all became overnight superstars.

“We were paid very well and lahat na yata ng bisyo ginawa namin. I mean, we were bad boys. At that young age, we felt like rock stars—we felt like millionaires.

“I became an alcoholic. I would go to the taping, drunk. I didn’t care kasi as long as I’m there on the set and working, I’m still getting paid. Kahit na pagalitan pa kami, we didn’t care.

“I never got addicted to drugs. The only drug I tried was marijuana and I didn’t like it. Kaya mas naging vice ko ang uminom.

“Yun nga lang, because of that ay biglang nawala ang career natin. I regretted that kasi one day, you had it all, the next day, it was gone.

“I learned a lot from that chapter of my life. I learned to be humble, to give importance to my profession and not abuse it.

“But at the same time, I am thankful na napagdaanan ko ang mga 'yan.

“You know, we were young and we did stupid things because we had fame and money. It was part of growing up. It somehow added to my character—it made me who I am today.

“Kung hindi ko na-experience lahat iyon, wala akong mase-share sa mga anak ko, kung ano ang bawal at kung ano ang mga dapat nilang pag-ingatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am thankful to God because I was given another chance to redeem myself. I had great parents who did not give up on me.

“To sum it all up, kahit na may mga nagawa tayong mali in the past, life is good—God is good all the time,” pagpapakumbabang pag-amin ni Diego.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN